Chapter 25

2K 68 11
                                    

Unedited

Kinagabihan hinatid ni Ericson si January sa bahay nila. Ayaw pa sana ng dalaga magpahatid ngunit nagpumilit si Ericson na ihahatid na siya. "Magiging maayos din ang lahat Jan. Manalangin tayo para sa mabilisang paggaling ni Denmark," anito sa dalaga na wala pa ring tigil sa pagtulo ng mga luha.

Nagpasalamat si January kay Ericson nang makarating na sila sa harapan ng gusali na tinutulyan niya. Bago bumaba ng kotse ang lalaki, nangako itong babalitaan siya tungkol sa kalagayan ni Denmark. Matagal ng nakaalis si Ericson ngunit nandoon pa rin si January sa harapan ng building nila. Nag-aalala siya sa binata. Gusto niya itong makita ngunit hindi puwede. Nagpasya siyang bumalik sa ospital na kinaroroonan ni Denmark. Puwede naman siyang maghintay at makibalita nang hindi nakikita ng ina ng binata. Hindi niya kayang maghintay lang sa ibabalita ni Ericson sa kanya.

Mula sa malayo, tanaw ni January si Lyka na nakatayo sa labas ng pintuan ng intensive care unit ng ospital. Dama niya ang kaba, lungkot, at pag-aalala nito para sa kapatid. Paminsan-minsan ay nakikita niya itong nagpupunas ng mukha. Pabalik na siya ng ospital kaninang matanggap ang mensahe ni Ericson na inilipat na sa ICU si Denmark at wala pa rin itong malay hanggang sa mga oras na iyon.

"Denmark, gumising ka na. Hindi ko pa nasasabi sa 'yo na mahal na mahal kita. Kaya sige na, gumising ka na okay? Sabi mo mahal mo ako hindi ba? Kaya gumising ka na. Maghihintay ako," umiiyak na bulong nito sa sarili. Nakaupo na siya sa hagdanan kung saan nasa ibaba lang ang ICU na kinaroroonan ng binata.

6 months later....

"Nakikiramay ako Tuesday,"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Nakikiramay ako Tuesday,"

"Salamat Jan. Mas mabuti na rin 'to. At least makakapagpahinga na rin si Papa. Ayaw ko na ring nakikita siyang nahihirapan," sagot naman ni Tuesday.

Namatay ang ama ni Tuesday tatlong araw na ang lumipas. Inuwi nila sa Pilipinas ang mga labi nito ayon na rin sa kagustuhan nitong maiuwi sa lugar nila kung saka-sakaling mawala man siya.

"Kumusta ka naman? Wala pa rin bang balita kay Denmark?"

Bahagyang pagngiti lang ang sagot ni January sa tanong ng kaibigan. Anim na buwan na ang lumipas ng huling nabalitaan ni January na inilipat sa ICU ang binata. Anim na buwan na rin na wala itong balita kay Denmark. Kahit kay Ericson na nangakong babalitaan siya tungkol sa kalagayan ng binata ay naglaho na rin na parang bula.


 Kahit kay Ericson na nangakong babalitaan siya tungkol sa kalagayan ng binata ay naglaho na rin na parang bula

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Month Series: January Montereal (✔) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon