Chapter 12

1.8K 59 6
                                    

Unedited



Isang linggo mula nang magkrus ang landas nina Denmark at January. Sa loob din ng isang linggong iyon, marami na ang nangyari.



"Ma? Hindi nga kami magkakilala," salubong ang mga kilay nitong sagot sabay sulyap at nanlilisik ang mga mata tiningnan si Denmark.



"Halika nga dito hija. Bakit ka nakatayo lang diyan sa pintuan?" tawag naman ng ama sa kanya.



"Ma, Pa, Alwin, siya po ang dahilan kung bakit kasama pa natin si Alwin ngayon," ani nito nang makalapit na sa tabi ng ama.



Tumahimik ang lahat. Ang kanyang mama at papa ay nagkatinginan. Mayamaya, sinulyapan ng mag-asawa si Denmark at si Alwin na katabing umupo ng binata sa pahabang mesa. Wala sa loob na inabot ni Alwin ang hawak nitong tinidor na may watermelon kay Denmark.



"Ang ibig mong sabihin? Itong guwapong nilalang na ito ang tumulong sa Alwin natin noon?" saad ng kanyang ina na hindi makuha-kuha ang paningin sa binata.



"Opo, mama____"



"At ikaw rin ang nagpapadala ng mga teddy bear sa bahay namin hijo?" putol ng ina sa sasabihin pa sana niya.



"Pasensya na po sa abala ma'am. Hindi kasi ako pinayagan na makuha ang address ninyo kaya 'yung nurse na lang na nag-asikaso sa akin ang pinakiusapan ko," sagot naman ni Denmark sabay kamot sa likod ng ulo nito.



"Thank you, bro! Thank you!" saad ni Alwin sabay yakap nang mahigpit kay Denmark.


"Hijo, maraming salamat ha? Nang dahil sa 'yo, buhay pa anak namin. Hulog ka talaga ng langit!" saad ng ina ginang habang nagpupunas ng mga mata.



"Ako ang ama, pero hindi ko man lang magawang iligtas ang aking anak. Salamat hijo. Sabihin mo lang kung paano kami makakabawi sa 'yo. Hindi kami magdadalawang isip na gawin iyon," saad naman ng ginoo saka inakbayan si January na nasa gitna nilang mag-asawa.



"Tatandaan ko po 'yan, sir," nakangiting sagot ni Denmark.



"Arnold. Tito Arnold. Mas magandang pakinggan hindi ba mama?" saad nito sabay sulyap sa asawa.



"Oo nga. Tawagin mo na rin akong tita Lourdes, hijo, puwede ba iyon?"



"Ikinagagalak ko po, tita Lourdes," sagot naman ng binata.



"Ako bro! Little brother na rin itawag mo sa akin. Maraming Salamat talaga. Kaya naman pala naging ganito ako ka guwapo eh!" singit naman ni Alwin saka inakbayan si Denmark.



"'Walang anuman little brother," game na game ring sagot ng lalaki.



Maliban kay January, masayang-masaya ang lahat sa pagdalaw ni Denmark. Nanatili lang itong nakaupo at nakikinig sa usapan nila. Si Alwin ang naging sentro ng pag-uusap. Minsan, nakikisabay na rin siya sa tawanan ng mga ito.



Paminsan-minsan, nahuhuli niyang nakatitig ang binata sa kanya. Agad din naman itong umiiwas pagkatapos siyang kindatan. At sa simpleng kindat na iyon, may kakaibang damdamin ang nabubuhay sa kaloob-looban niya. Damdaming matagal na niyang kinalimutan at ibinaon sa hukay kasama ng yumaong kasintahan.



"Tama na nga 'yan. Madaling araw na po. Maaga pa ang pasok ni Denmark, mama, papa, At ikaw Alwin? May pasok ka pa bukas hindi ba? Matulog ka na," awat nito sa apat paglabas niya ng banyo.



"Oo nga po. Pasensya na at naabala ko pa Tuloy ang pamamahinga na sana ninyo," saad naman ni Denmark bago tumayo.



"'Okay bro! Balik ka ha? Ipapakilala ko sa 'yo ang girlfriend ko,"



Month Series: January Montereal (✔) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon