Unedited
Alas otso ng umaga nang magising si January dahil sa tunog ng kanyang cell phone. Kinuha niya iyon sa ilalim ng kanyang pisngi.
“Jan, paki-check mo na lang ‘yung email mo. Nasend ko na ang flight details mo,” ani Tuesday sa kabilang linya.
“Thanks Tuesday. Kumusta na pala ‘yung pinapagawa ko sa ‘yo? Bukas ng gabi na iyon gaganapin,”
“Okay na. Pumayag na raw ang anak ng CEO,” sagot naman ni Tuesday.
Biglang nabuhayan ng loob si January sa narinig mula sa kaibigan dahilan upang mapagabangon ito bigla.
Hindi na niya inisip kung malaking halaga man ang mawala sa kanya. Ang mahalaga, mapagbigyan niya ang kahilingan ng anak ni Misis Chen. Marami pang darating na pagkakataon sa kanya habang siya’y nabubuhay. Pera lang iyon at kaya pa niyang kitain sa mga darating pang mga araw. Ngunit ang anak ni Misis Chen ay bilang na lang ang mga natitira niyang araw.
Nagpaalam na si Tuesday sa kaibigan pagkatapos nilang mag-usap. Tuluyan na ring bumangon si January upang sabayan ang tiyahin na kumain ng almusal. “Good morning bears!” bati niya sa mga naggagandahang teddy bear sa kanyang paligid.
Pagbukas pa lang niya ng pintuan ng kanyang kuwarto, agad niyang na amoy ang sinangag na kanin at daing na bangos. Alam ng mamo na paborito niyang almusal ang mga iyon. Maglalakad na sana siya patungong kusina ngunit bigla siyang napahinto nang may marinig itong boses ng lalaki. Pinakinggan muna niya iyon dahil baka guni-guni niya lang. Imposible naman kasi na naroroon sa bahay nila ang binata ng ganoon ka aga.
Narinig niyang nagtawanan ang kanyang mamo at ang boses ng lalaki. Nagmadali siyang nagtungo ng kusina upang siguruhin ang kanyang narinig. Pagdating niya ng kusina, nakita niyang nakaupo ang tiyahin sa mesa habang Nakasuot naman ng blue na apron ang isang matangkad na lalaki habang nagluluto.
Ngayon lang ako nakakita ng lalaki na kahit nakatalikod ay mukha pa ring guwapo habang nagluluto at nakasuot ng apron.
“Good morning!” bati sa kanya ni Denmark pagkakita sa kanya nang lumingon ito.
Napapitlag naman ang dalaga sa Pagdating ni Denmark sa kanya. Kung anu-ano na naman kasi ang nasa isip niya.
“Ang guwapo na, magaling pang magluto itong boyfriend mo January. Kung nakilala ko lang sana siya noon, baka hindi ako tumandang dalaga ngayon!” saad naman ng kanyang mamo.
“Hindi ko pa siya boyfriend mamo,” ani naman nitong nakatingin pa rin kay Denmark at salubong ang mga kilala.
“Ganoon ba? Sayang naman. Akin na lang,” natatawang saad ng kanyang mamo. “Biro lang Denmark. Siya sige, maiwan ko na kayo at ako’y may lalakarin pa. Maghahanap rin ako ng partner.” Saad ng kanyang mamo sabay tayo at naglakad patungo sa kanya. “He's a good man.” Bulong ng tiyahin sa kanya bago ito tuluyang umalis.
Limang minuto na ang lumipas nang umalis ang kanyang tiyahin ngunit nanatiling nakatayo pa rin si January sa bukana ng kanilang kusina. Patapos na rin sa pagpe-prito ng daing na bangos si Denmark kaya nagtimpla na ito ng kape.
“Umupo ka. Bakit ka nakatayo d’yan?” ani ng binata sa kanya nang sinulyapan siya nito.
“A----ano’ng----”
“Ano’ng ginagawa ko rito?” putol niya sa sasabihin ni January. “Gusto kitang surpresahin at ipagluto,” ani ng binata sabay lapag ng kape sa ibabaw ng mesa.
“Hindi mo naman kailangang gawin ito. Saka magkikita naman tayo mamaya hindi ba?” sagot naman ni January na nakatayo pa rin.
“Naisip ko lang na ipagluto ka. Sana hindi ka galit,” sagot naman ni Denmark habang tinititigan siya.
Huminga na lang nang malalim si January, saka tuluyan nang naglakad sa harapan ng mesa at umupo. “Bakit naman ako magagalit? Ayaw lang kitang maisturbo dahil alam ko namang may trabaho ka pa. Upo ka na para makakain na tayo,” saad niya sa binata.
Masayang hinila ni Denmark ang upuan sa harapan ni January saka umupo. Inabot niya sa dalaga ang sinangag na kanin at ang pritong daing na bangos. Tinanggap naman iyon ni January at nagsalin sa kanyang plato. Nagulat na lang si Denmark nang sinalinan din siya ng dalaga ng pagkain sa kanyang plato. Malapad na mga ngiti sa labi ng binata ang nasilayan ni January nang sulyapan niya ito.
Pagkatapos nilang kumain, si Denmark na rin ang nagligpit ng mga pinagkainan nilang dalawa. Kaya minabuti ni January na maligo na lang at magbihis upang makaalis sila ng mas maaga. Naiilang din kasi siyang pagmasdan ang lalaki habang nagliligpit at naghuhugas.
Hindi rin naman kasi niya naranasan ang ganoong klase ng pag-aaruga mula sa iba. Unang boyfriend niya si Timmy at ni minsan hindi naman naging ganito ka asikaso ang dating nobyo sa kanya. Iba si Denmark. Maalaga. Lagi niyang inuuna kung ano ang gusto ni January. Kung ano ang makakapagpapaligaya sa dalaga.
“Denmark!? Nasa kusina ka pa rin ba?” tawag niya sa lalaki pagbaba nito mula sa kanyang kuwarto. “Saan naman nagpunta ang isang ‘yon?”
Pinuntahan ni January ang banyo malapit sa kusina nila ngunit wala ito doon. Lumabas siya para tingnan dahil baka naiinip na sa kahihintay sa kanya kaya lumabas na ito. Ngunit wala doon ang lalaki nang sumilip ito sa loob ng sasakyan.
Tinangka niyang tawagan, ngunit nakailang tawag na siya’y hindi pa rin ito sumasagot. Bumalik ulit siya sa loob ng bahay saka muling tinawagan ang binata. Napahinto si January, sa tangka niyan paglalakad nang may marinig na tunog ng cell phone. Sinundan niya ang tunog na iyon hanggang sa makarating ito sa terrace malapit sa kanyang kuwarto.
“Denmark?” sambit ni January sa pangalan ng binata nang makita niya itong tulog.
Napangiti siya sa posisyon ng binata. Nakabaluktot ito dahil hindi naman kalakihan ang upuan na naroon na yari sa kawayan. Lumapit siya rito at umupo sa harapan ng binata. Mahimbing itong natutulog at may kaunting hilik pang kasama.
“Sandali lang? Bakit ganito pa rin ang suot niya? Hindi ba siya umuwi? Nakita ko naman siyang umalis kanina,” kunot noong saad ni January.
Tumayo ulit siya at iniwan saglit ang binata. Pagbalik niya, may dala-dala na itong kumot at unan. Pagkatapos niyang ibigay iyon kay Denmark, kumuha rin siya ng upuan saka umupo sa bandang ulo ng binata.
“Paano kaya kung hindi tayo nagkakilala? Tatanda ka kayang binata? Naghintay ka ng ganito ka tagal kahit walang katiyakan na magkikita at makikilala natin ang isa’t isa Denmark,” ani January saka yumuko sa harapan ni Denmark. “Salamat sa paghihintay at paghahanap sa akin,” saka dahan-dahan niyang hinaplos ang ilong ng binata.
“Naniniwala ako na magkikita at magkikita tayo. Abutin man ako ng ilang taon sa paghihintay at paghahanap sa ‘yo,” pabulong na saad ni Denmark.
Itutuloy________
Salamat sa paghihintay at pagbabasa.
Huwag po sana niyong kalimutan ang mag-vote at mag-comment.
Love… Love…
iamdreamer28
ʕ•ٹ•ʔ❤❤❤
BINABASA MO ANG
Month Series: January Montereal (✔)
ChickLitCover by: Jeth Cano Teaser: Meet January---sa kabila ng pagiging successful bilang isang event coordinator, nanatili pa ring may kulang sa kanya. Hindi iyon sapat upang tuluyan na niyang makalimutan ang nakaraan. "Wala akong panahon para sa 'yo at...