Chapter 8

2.1K 58 3
                                    

Unedited


Sinundo ni Denmark ang kapatid nito malapit sa MTR station kung saan malapit lang din ang Chinese restaurant na pinagdalhan sa kanya ni January. Walang sariling kotse ang dalaga dahil hindi naman ito nananatili sa iisang lugar.



“Dito na lang ako maghihintay sa itaas bunso, okay? Basta diretso lang ‘yan at exit D1 ka lalabas. Makikita mo akong nakatayo dito,” saad ng binata sa kapatid.



Mayamaya pa, nakita na niyang tumatakbo paakyat ng hagdanan si Lyka. Sporty si Lyka. Maputi na minana niya sa kanyang ina. May haba na hanggang liko ang kanyang medyo kulot na buhok. Bilugan ang kanyang mga mata na may mahahabang pilikmata. Bumagay rin ang katamtamang tangos ng ilong nito pati na ang medyo makapal at pinkish nitong labi.


“Hey! Buti nakarating ka,” saad ni Denmark sabay akbay sa dalaga.


“Syempre! Ikaw pa! Lakas ko sa ‘yo eh! Where is she? ” nakangiting saad ng dalaga.


“Let's go? Naghihintay na siya,” saad ni Denmark.


Papasok na sila ng restaurant at siya ring paglingon ni January. Nakita ni Denmark kung paano nag-iba ang reaksyon ng magandang mukha nito.


Selos ba iyan January?

Nang makalapit na sila sa mesa, agad na binati ni Lyka ang si January sabay lahad ng kamay nito.


“Okay ka lang?” tanong ni Lyka ng hindi ito kumibo at nakatitig lang sa kanya.


Tiningnan ni Lyka si Denmark na nakatayo sa tabi niya bago tiningnan ulit si January.


“January? Are you okay?” untag ni Denmark sa kanya.



“What?! May sinasabi ka?” tanong naman nito na bahagya pang lumakas ang kanyang boses.



“Hello. I'm____,”



“Oh! I'm so, sorry Mrs. Anderson____,”



“What?! What did you just say? Mrs. Anderson?” putol ni Lyka sa mga sasabihin pa sana ni January. “Kuya? Ano ‘to?” baling ni Lyka sa kapatid na nakangiti lang sa tabi niya sabay upo.



“Kuya? Kuya mo siya?” gulat na tanong ni January.



“Siya ang girlfriend ko. Ang una kong babae na kaibigan bukod sa mommy namin,” saad ni Denmark.



Nahihiyang ngumiti at humingin ng paumanhin si January kay Lyka. Natawa na lang din ang dalaga sa naging reaksyon ni January. Gulat at hiya ang makikita  sa namumulang mukha nito. Nagpatuloy sila sa pagkain na binili nila nang nakangiti. Minsan sinusulyapan ni January ang  magkapatid na nagsusubuan pa.



“Bye kuya, ate? Can I, call you ate?” tanong ng dalaga sa kanya.



“Ano’ng ate? Magka edad lang kayo,” sagot naman ni Denmark.



Lumingon si January sa binatang nakatayo sa likod niya. “Hindi nga ako binenta ni Tuesday sa ‘yo,” saad nitong nakataas ang isang kilay.



Ngumiti lang ang binata sabay pasok ng dalawa nitong kamay sa bulsa ng kanyang itim na jacket.



“Ingat ka bunso,” sabay kaway ng binata.



“I will kuya. Bye!” saad nito saka tuluyan ng umalis.



“Sige, mauuna na ako,” paalam din ni January sa binata saka humakbang na palayo.



Month Series: January Montereal (✔) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon