Unedited
6 months ago....
Lingid sa kaalaman ni January, plinano lahat ni Denmark at ng kanyang pamilya na palabasing nasa critical siyang kalagayan para maprotektahan din ang dalaga. Matapos ang aksidente, hindi na rin nila matagpuan ang babae na anak ni Mr. Montemayor na isa sa mga investors nila dahil agad na itong tumakas.
Palihim na sinundan ni Ericson si Denmark paglabas nito ng hotel ayon na rin sa utos ng lalaki. Malakas kasi ang kutob niyang inaabangan ng dalaga ang paglabas niya. Sinadya ni Denmark na dumaan sa main entrance ng hotel upang makita siya ng dalaga. Alam niyang pinapasundan siya nito dahil simula ng bumalik siya ng Hong Kong, lagi na siyang may nakikitang kulay puti na sasakyan na sumusunod sa kanya.
Nang sabihin niya kay January na magiging busy siya sa mga susunod na araw, iyon ay dahilan lamang niya upang mailayo sa kapahamakan ang dalaga. Nang mga oras na iyon, alam na niyang nasa paligid lang dalaga, o, ang mga taong lihim na sumusunod sa kanya.
Tiniis niya na hindi makita ang dalaga. Walang tawag, walang text messages at kung anu-ano pa ngunit nanatiling nakasubay-bay nang palihim si Ericson. Nang mangyari ang aksidente, nawalan ng malay si Denmark dahil na rin sa lakas ng pagpapatakbo nito ng kanyang kotse. Wala siyang suot na seat belt. Kaya nang mabangga, tumilapon ito sa labas ng bintana ng kanyang kotse. Masuwerte lang ito dahil basa pa ang semento na binagsakan niya kaya kaunting galos lang ang natamo nito sa mga braso at mukha. Dumugo rin ang kanyang ulo dahil sa tumama ito sa salamin ng kanayng kotse dahilan kaya nawalan siya nang malay.
Pagdating ng ospital, agad siyang inasikaso ng mga doctor na kaibigan ng kanilang pamilya. Naging lihim ang mga pangyayaring iyon sa publiko dahil na rin sa kapakanan ng lahat. Nang magising, agad niyang tinawagan si Ericson na puntahan si January sa lugar kung saan dapat sila magkikita.
Pinaniwala nilang lahat si January na comatose ito. Kahit labag sa kalooban ng ina at kapatid, sinunod nila ang kagustuhan ni Denmark. Una, si Lyka na sinubukang aluin ang dalaga pagdating nito. Pangalawa, ang pagsalitaan ng ina nito nang masasakit na salita si January. Naawa man ang ina at kapatid niya sa dalaga, sinuportahan nila si Denmark dahil mapapahamak din ito kung patuloy siyang pupunta ng ospital. At gaya ng inaasahan ng lahat, matapos ihatid ni Ericson si January sa bahay nila, bumalik nga ito ng ospital. Kaya doon na ito dumiretso sa ICU ng matanggap ang mensahe ni Ericson kung saan nakatayo na si Lyka at nagkukunwaring umiiyak.
"Mahal na mahal kita at ayaw kong madamay ka sa gulong ito. Babalik ako kapag natapos at bumalik na ulit sa normal ang lahat. Sana makapaghintay ka January," bulong nito sa dalagang nakatulog na sa may hagdanan. Sinamahan niya ang dalaga roon hanggang sa malapit nang sumikat ang araw.
Kinabukasan, buhat-buhat siya ni Ericson pababa ng hagdanan saka isinakay ng wheelchair at tuluyan na silang umalis ng ospital. Sa loob ng anim na buwan, sinikap ng pamilya niya at ng mga taong malalapit kay January na mananatiling lihim ang lahat. Hindi naging madali iyon lalo pa't nakikita at nababalitaan niya kung gaano nasasaktan, nahihirapan at lagi na lang umiiyak ang babaeng mahal niya.
Sa loob ng anim na buwan, hindi pa rin nila natatagpuan ang anak ni Mr. Montemayor. Nakipag-ugnayan na rin si Mr. Montemayor sa kanila dahil gusto rin nitong mailigtas ang anak. Nag-iisang anak niya iyon kaya sunod sa layaw. Wala n gang ina nito dahil namatay sa panganagank. Noong una, maganda pa ang takbo ng karera nito bilang modelo ngunit isang araw, bigla na lang itong nalulong sa droga dahil sa naging boyfriend nitong addict din.
~~~
Pagkatapos bisitahin ni Denmark ang burol ng ama ni Tuesday, pumunta na ito sa bahay nina January. Medaling araw na ng mga oras na iyon kaya tulog na raw ang dalaga ayon sa mensahe ni mamo sa kanya.
"Mamo? Puwede ko nab a siyang puntahan sa kuwarto niya?" pabulong na taong nito sa ginang nang pagbuksan siya nito ng pintuan.
"Batang 'to! Ginulat mo naman ako. Bakit ang haba naman ng buhok mo? Pasok ka. Tulog na siya kanina pa. Humihilik na nga pati p'wet niya," nakati at pabulong din na saad ni mamo habang sabay na silang pumasok sa loon ng bahay.
Pagbukas ni mamo sa pintuan ng kuwarto January, nakababa ang kulay pink na kumot ng dalaga hanggang beywang nito. Dahan-dahan itong nilapitan ni Denmark. Maingat ang mga hakbang na ginawa nito upang hindi makagawa ng anumang ingay at dahilan na magising ang dalaga.
"Hello mahal ko. I missed you so much. Sa wakas, nalapitan na rin kita," saad nito nang makalapit na sa dalaga. Iniwan na rin sila ni mamo at isinara na ang pintuan.
Inayos ni Denmark ang kumot ng dalaga saka ito dahan-dahang humiga paharap sa tabi ni January. Ipinatong ni Denmark ang ulo nito sa kanyang braso upang mas makita ang mukha ng dalaga na nakaharap sa kanya.
"Konting tiis na lang mahal ko, magsasama na ulit tayo. Gusto ko na ring marinig na sabihin mo mismo sa akin na mahal mo ako," nakangiti nitong bulong sa dalaga.
Nanatili siya sa ganoong posisyon buong magdamag. Bandang alas singko ng umaga, nagpaalam na ito sa dalaga. Bago tuluyang umalis, inalayan muna niya ng isang puno nang pagmamahal na halik sa noo an gang dalaga. "I love you, January Montereal."
~~~
Halos hindi pa maimulat ni January ang kanyang mga mata. Ayaw kasi niyang gumising dahil ayaw niyang maputol ang kanyang magandang panagip tungkol kay, Denmark. Hinalikan daw siya ng binata at malapit na raw itong bumalik at magsasama na silang dalawa. Gusto raw ng binata na marinig mula sa kanya ang mga salitang matagal na niyang gustong sabihin dito. Na kung gaano niya ito ka mahal at sobrang namimiss na niya ito.
Nagmulat ng mga mata si January nang umalis na ang binata sa kanyang panaginip. Hindi niya ito napigilan dahil mabilis na itong naglaho. Hindi rin siya makagalaw para pigilan ang binata sa pag-alis nito kaya siya nagising nang tuluyan.
"Sana nga bumalik ka na Denmark, para masabi ko na sa 'yo lahat ng mga gusto mong marinig mula sa akin," saad nito sa sarili.
~~~
Alas nuebe ng nang pumunta isang memorial park si January sa Taguig City kung saan nakalibing ang dating nobyo na si Timmy. Nagpasya itong dalawin ang puntod niTimmy bago pumunta kay, Tuesday. Ipinatong nito ang bouquet ng purong puting rosas sa ibabaw ng lapida at nagsindi ng kandila bago tuluyang umupo sa newspaper na dala nito.
"Kumusta ka na diyan? Masaya ba diyan sa kinaroroonan mo?"
"Masaya na siya kung saan man siya naroroon ngayon," saad ng isang tinig mula sa kanyang harapan.
"Tita?" agad siyang tumayo nang mapagsino ang may-ari ng boses.
"Matagal na tayong hindi nagkikita hija. Kumusta ka na," tanong nito sa dalaga habang naglalagay ng bulak at kandila sa puntod ng anak.
"Okay lang po ako tita. Kayo po? Sina Mark at tito, kumusta?"
"Okay lang din naman sila. Si Mark, may asawa at isang anak na. ang tito mo naman, ayon feeling niya nagbibinata pa rin siya," nakangiting sagot nit okay January.
Ngumiti na rin ang dalaga. Matagal na panahon na rin na hindi niya nakikita o nakakausap man lang si Mark at ang ama nito. Naging mabuti silang tao kay January noong mga panahon na masaya pa silang nagsasama ni Timmy. Nagkaayos na rin sila ng mommy ni Timmy. Kamakailan lang nang humingi ito ng tawad sa kanya. Para kay January, matagal na 'yun nangyari at wala siyang sama ng loob sa ina ng lalaki. Walang puwang sa puso niya ang galit.
Itutuloy______
Epilogue na next chapter!
Salamat sa lahat ng sumuporta nito.
Love...Love...
iamdreamer28
BINABASA MO ANG
Month Series: January Montereal (✔)
ChickLitCover by: Jeth Cano Teaser: Meet January---sa kabila ng pagiging successful bilang isang event coordinator, nanatili pa ring may kulang sa kanya. Hindi iyon sapat upang tuluyan na niyang makalimutan ang nakaraan. "Wala akong panahon para sa 'yo at...