Chapter 19

1.6K 75 2
                                    

Unedited



Pagkatapos maihatid ni Denmark si January, hindi na nawala ang mga ngiti sa labi ng binata. Napapakanta at napapasayaw pa ito habang nagmamaneho.  Hindi pa rin siya makapaniwala na sa wakas, dumating na rin ang pinakahihintay niyang araw. Ang makita at makausap ang babaeng bumuhay ulit sa kanyang puso na panandaliang tumigil sa pagtibok. Malaking bonus pa ang nahawakan at naakbayan niya ito.



“Hindi kaya panaginip lang ‘to?” ani niya sa sarili saka inalug-alog ang ulo. “Nakakahilo naman. Hindi nga panaginip ‘to!” ani niya saka humalakhak.


Mag-uumaga na nang makatanggap ito ng tawag mula kay Ericson. Nakapikit ang mga mata niya habang dinudukot ang cell phone sa kanyang jacket.



“Hello?” dahan-dahan na nagmulat si Denmark nang marinig nito ang sinabi ni Ericson. Umupo siya ng diretso saka tiningnan ang bahay nina Janunary. “Maybe you're right. Siguro ito na nga ang tamang panahon upang makilala ni January ang totoong ako.” Ani Denmark saka ibinaba ang kanyang cell phone.



Lumabas ng kotse ang binata saka nagtungo sa kaharap na convenience store nina January. Bumili siya ng kape at sandwich saka bumalik ng kanyang kotse. Nang maubos ang biniling kape at sandwich, bumaba ito upang itapon ang kanyang basura. Pabalik na sana ito ng sasakyan nang makita naman niya ang tiyahin ng dalaga na nagdidilig ng halaman.




Lumapit siya sa gate ng bahay at ng akmang kakatok na sana ito, ay siya namang paglingon at pagtutok ng hose ng tiyahin ni January sa tapat ng gate. Napamura si Denmark ng wala sa oras.




“Ang lamig! Shit!” bulalas ni Denmark.



“Naku hijo! Sino ka ba? Ano’ng ginagawa mo diyan ng ganitong oras?” saad ng tiyahin ng dalaga.



“Pasensya na po kayo. Nagulat ko po ba kayo?” ani nitong nagpupunas ng basa niyang mukha.




“Teka? Ikaw ‘yong? Tama! Ikaw nga ‘yung kahapon! Ano’ng ginagawa mo dito?” Tanong sa kanya ni mamo sabay bukas ng gate.




“Magandang umaga po,”




“Magandang umaga rin naman sa ‘yo hijo,”




“Naku! Bisita n’yo pala ‘yan? Kagabi ko pa nakita ‘yan diyan! Sa convenience store. Nakaupo at nakangiti na parang baliw. Kay guwapo pa naman. Akala ko talaga baliw. Kausapin ba naman ang kanyang sarili at nakangiti pa!” sabad naman ng kapitbahay nina January.




“Ay ganoon ba Aling Tess? Naku! Pagpasensyahan na ninyo. Ganito lang ang mga kabataan ngayon kapag inlove!” sagot naman ni mamo sabay tingin at kindat kay Denmark.



Dinala ni mamo ang binata sa loob ng bahay saka binigyan ng tuwalya. Mabuti na lang at agad siyang nakita ni mamo kaya hindi siya gaanong nabasa.



“Gusto mo bang magpalit ng damit hijo? Ipapahiram ko sa ‘yo ang damit ng papa ni January,”



“Huwag na po. Okay lang ako. Sa mukha naman po ako tinamaan kaya hindi po gaanong nabasa ang damit ko,” sagot naman ni Denmark.




Tumango lang si mamo saka niyaya ito sa kusina. Ipagtitimpla sana siya ng ginang ng kape ngunit tinanggihan niya iyon dahil katatapos lang niyang uminom. Sa halip, nagpresinta itong magluto ng almusal.



“Ang swerte ng pamangkin ko sa ‘yo hijo. Alagaan mo siya okay? Matagal na panahon na rin naging sarado ang pintuan niya sa pag-ibig. At sana ikaw na ang muling magbubukas nito,” ani mamo.



Month Series: January Montereal (✔) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon