Chapter 3

3.6K 89 4
                                    

Unedited



Kinabukasan pinuntahan ni Tuesday ang kaibigan nito sa bahay nila. Dakong alas-tres ng hapon nang dumating ang dalaga sa bahay ng kaibigan.



"Magandang hapon po tita, tito. Hi Alwin! Happy New Year!" bungad na bati ng dalaga sa pamilya Montereal pagpasok nito.



"Magandang hapon naman hija. Upo ka. Natutulog pa si January," sagot naman ng mama ng dalaga.



"Ganoon po ba?"



"Hi Tues!" bati ni Alwin sa kanya pagkalabas nito ng banyo.




"Happy New Year Alwin. Halika. May gift ako sa 'yo," ani nito sa binata.




"Oo hija. Hindi pa nga kumakain ng tanghalian 'yan," patuloy na saad ng ginang.




"Puwede ko po ba siyang pasukin?"




"Huwag mo siyang papasukin ma!" sigaw ni January mula sa loob ng kwarto niya.




"Akin na regalo ko Tuesday," sabat naman ni Alwin nang makalapit na ito sa dalaga.




"Sige kunin mo lang d'yan. May pangalan naman lahat ng mga 'yan. Pakibigay mo na rin sa mama at papa mo. Kakausapin ko lang ang ate mo okay?" saad nito sa binata.





"Okay. Thank you!"




"You're welcome. Tita! Papasok na po ako?" paalam nito sa ginang na nasa kusina kasama ng asawa nitong nagluluto.




"Okay hija!" sagot naman ng mag-asawa.




Tumayo na si Tuesday at naglakad patungo sa kwarto ni January. Habang abala naman si Alwin sa regalong natanggap nito. Kumatok si Tuesday sa pintuan ng kwarto ni January ngunit pinagtabuyan lamang siya nito.




"Ayaw kitang kausap ngayon Tuesday. Just go!"




"Para kang bata. Buksan mo 'to! Ipapaliwanag ko sa 'yo ang nangyari! Huwag ka ngang ano d'yan! Dali na! Ikaw rin! Malay mo makakuha tayo ng mga bigtime na kleyente sa tulong ni Denmark ikaw rin,"




Wala siyang narinig na sagot mula sa kaibigan kaya naman inulit niya nang inulit ang pagkatok sa pintuan ni January hanggang sa tuluyan na siya nitong pagbuksan.



"Akala ko hihintayin mo pang masira 'tong pintuan bago mo ako bubuksan," saad nito sa kaibigan saka inirapan at tuluyan nang pumasok.



January just rolled her eyes and close the door. Padabog itong bumalik ng higaan niya. "Hoy! Kama ko 'yan! Umurong ka nga!"



"Inaantok pa ako bakla. Idlip muna ako sandali," ani nito sabay talukbong ng makapal na kumot.



"Sino ang may sabi na matutulog ka? Sabihin mo na sa akin ang nangyari kagabi... dali na!" sagot naman nito sa kaibigan saka hinawi ang nakatakip na kumot.



Bigla namang dumapa si Tuesday at tiningnan nang nang-aasar na tingin ang kaibigan habang may makahulugang ngiti naman ang sumilay sa kanyang mga labi.



"Alam mo, ngayon lang kita ulit narinig magsalita ng ganyan. Iyon bang tipo na may excitement sa boses mo. The last time I heard you na ganyan ay 10 years ago. Aminin mo, you are interested with that guy?"



"Tumigil ka nga d'yan. An'ong interested pinagsasabi mo? Ayaw ko lang siyang makita ulit," saad nito saka humiga sa tabi ng kaibigan.



Month Series: January Montereal (✔) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon