Chapter 6

2.5K 65 9
                                    

Unedited


“Good morning kuya!” bati ng kapatid nito sa kanya.


Araw ng lunes, seven thirty ng umaga. Inabutan si Denmark ng kapatid nitong sumisilip sa bintana ng kanyang kwarto.



“Sinong sinisilip mo d’yan,” tanong ni Lyka sa kanya at nakisilip na rin. Dalawang taon ang tanda ni Denmark sa kanya. Siya ang tinaguriang rebelde ng pamilya Anderson.



“Sshhh….halika tingnan mo. Ang ganda niya hindi ba?” saad naman ni Denmark na nakadapa sa higaan nito.



“As if naman na maririnig niya ako. Mas maganda pa ako d’yan. Sino ba kasi ‘yan?”


“Hulaan mo,”



“Ginawa mo pa akong manghuhula. Sabihin mo na kasi,” naiinip na sagot nito sa kapatid.



“Haist!” sabay lingon nito sa kapatid. “Alam kong maganda ka kasi kapatid kita,” patuloy nitong sabi saka pinisil ang pisngi ni Lyka.




“Huwag ‘yong pisngi ko kuya!” sigaw naman nito saka sinakyan si Denmark na nakadapa pa rin.




“Ang bigat mo na! Tumataba ka na yata ngayon,” pang-aasar ng binata sa kapatid. Alam niya na magagalit si Lyka kapag sinasabihan ng mataba kaya iyon ang panlaban niya.



“Ah! Mataba pala ha?” sabay bukas nito ng kurtina.



“Lyka! Isarado mo ‘yan! Makikita niya tayo! Baka kung ano pa ang iisipin niya!” saad nito sa kapatid sabay hila sa braso ng dalaga dahilan upang mapahiga ito sa kama at si Denmark naman ang sumakay sa kanya. Hindi na niya napansin na natatanaw na pala sila ni January.



Nang mapagod silang dalawa, umupo na si Denmark sa tabi ng kapatid saka ito tinulungan na makabangon.


“Hindi ka pa ba napapagod sa kakatakbo mo bunso?” seryoso nitong tanong sa dalaga.


“Hayaan mo na lang muna ako kuya. Isang taon pa lang naman akong palipat-lipat ng lugar at tama ka. Hindi pa nga ako napapagod at kahit kailan hindi ako mapapagod,” saad nito saka humiga sa binti ni Denmark.


“Bakit hindi mo siya bigyan ng pagkakataon? Kilala ko siya at alam kong hindi ka niya sasaktan,”


“Kayo lang ni papa ang alam kong mabait.”


“Hindi dahil sa niloko ka ng isa, lahat manloloko na. Tandaan mo ‘yan Lyka.” Bilin ni Denmark sa dalaga.



Hindi na ito kumibo pa. Sa halip ipinikit na lang nito ang kanyang mga mata.


“Magluluto ang kuya. Gutom ka na ba?” nakangiting tanong nito sa dalaga.


“Oo…” lambing naman na sagot nito sa kanya.


Habang nagluluto si Denmark, nagmamasid lang si Lyka na nakaupo sa harapan ng mesa sa kusina. Namimiss nito ang kanyang kuya. Isang taon na rin ang lumipas ng huli silang nagkita.


Alas kuwatro ng hapon nang umalis si Lyka sa bahay nila sa Davao City. Wala kasi ang mga magulang nito dahil pumunta sa isang birthday party ng kanilang investors kaya nakatakas siya.


Isang malaking backpack ang dala-dala niya na puno ng mga damit. “Manigas kayong lahat. Kayo lang naman ang may gusto sa kanya. E di, kayo na ang makisama. Bakit n’yo pa ako pipiliting makipagmabutihan sa kanya?” bulong nito sa sarili habang nagmamadali na sa pag-iimpake.


Month Series: January Montereal (✔) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon