Hoy Francisco Maraming Salamat! Labyu!

23.7K 875 78
                                    

Chriden PoV

"Tama ikaw yung lalakeng nakipag-away kay Paul sa Angelicas" sabi ko sa kanya nung naalala ko yung itsura niya.

Gwapo rin pala itong kumag na ito. Matangks ang ilong, mapulang labi at mapang-akit na mata. Nu ba yan! Baket ba iyan ang napapansin ko sa kanya.

"Ako nga pala si Carlo." Pagpapakilala niya sakin at inilahad niya ang kanyang kamay. Ayoko maging bastos kaya tinanggap ko iyon.

"Matagal na kitang gustong kausapin pero ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon." Dugtong niya sa kanyang sinasabi.

Nagpasalamat siya sakin dahil sa ginawa ko dating pagpigil kay Paul. Kwela rin pala siya at puro kalokohan ang kinukwento.

"So - free ka ba bukas ng gabi?" Biglang seryoso niya.
Aktong magsasalita na sana ako nung biglang may nagsalita sa likuran namin.

"Kung mahal mo pa buhay mo ay subukan mo ng umalis" nanlilisik ang mata ni Paul nung sinabi niya yun sa taong kausap ko.

Hindi na nagawang magpaalam pa ni Carlo at agad na itong umalis.
"Nawala lang ako saglit kung sinu-sino na agad ang kinakausap mo!" Pabulyaw na sabi sakin ni Paul dahilan para magtinginan lalo ang mga naglalaro sa tabi ko.

"Kailangan ba lahat ng taong kakausap saken eh ipapaalam ko sayo!?" Pang-iinis kong sabi sa kanya.
"Baket kailangan ba lahat ng tao kausapin mo!?" Pambabara niyang patanong saken.

Buti at nakakapagtimpi pa ako sa hayup na ito. Hindi nalang uli ako nagsalita pa at hinahayaan ko nalang siya. Hindi nagtagal ay nagdatingan na ang iba pa niyang mga kaibigan na saksakan din ng gugulo.

Naupo kami sa foodcourt habang kinakain ang binili ni Jerome na chichirya sa department store. May pinag-uusapan silang gimik nila na hindi ko masyadong iniintindi dahil wala naman akong pakialam sa kahit anong lakad nila.

"May titingnan lang ako sa Dept.store" walang emosyon kong paalam sa katabi ko. Naisip ko kasing maglakad lakad muna kesa ubusin ang oras ko sa walang kakwenta-kwentang usapan nila.

Hindi ko na inantay ang sagot ni Paul. Kaagad akong naglakad patungong dept store at tumingin tingin dun. Agad na naagaw ang atensyon ko ng isang stuff toy. Hinawakan ko ito at pinisil pisil ko. Ang cute naman neto.

Ibinalik ko sa pwesto ang stuff toy at nagpatuloy ako sa paglalakad. Nung napadako naman ako sa part ng nintendo games and accesories ay agad na may pumukaw ng atensyon ko. Si Ariel. Ang exboyfriend kong sobra kong minahal dati pero bigla nalang akong iniwan. Pinagpalit ako sa mayaman na anak ng boss ng tatay niya. Nasaan naman ang katarungan non? May kasama siyang babae at sigurado ako na iyon yung anak ng boss ng tatay niya.

Makakasalubong ko siya. Hindi ko naman magawang bumalik dahil obvious na obvious naman na iniiwasan ko siya - nakatingin narin kasi sila saken.

"Oh Den musta na?" Plastik na tanong saken ni Steffany. Nagkakilala na kami dati niyong impaktitang ito dahil kay Ariel. Kung anu-ano ngang masasakit na salita ang inabot ko sa kanya. Kesyo ano daw ba ang nakita sakin ni Ariel eh bakla naman daw ako at wala pa raw akong pera. Kung hindi uso sakin ang salitang timpi baka nalamas ko bunganga ng babaeng ito eh.

"Ayos lang naman. Maganda parin" sarkastikong sagot ko.
"Halika na babe. Diba manunuod pa tayo ng sine" yaya ni Ariel na halatang iniiwasan ako. Pakshet ka Ariel! May araw karin saken! Akala mong kung sinong gwapo!

Nagpatuloy ako sa paglalakad ko. Nawili ako sa free game sa psp dun at hindi ko napansin ang oras. Onepiece kasi yung laro kaya wiling wili ako. Favorite ko pa naman yun - sobra! Iloveyou zorro!

"Kanina pa ako hanap ng hanap sayo! Nandito ka lang pala! Isip bata!" Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Paul sa tagiliran ko.
"Tingnan mo Francisco oh! Ang gaaaaanda!" Masayang sabi ko sa kanya at patuloy parin ako sa paglalaro.

Wala akong narinig na reklamo kay Paul. Tumayo lang siya sa likuran ko at pinanuod lang ako maglaro. Nakakatuwa kasi yung laro. Pinili ko si Nico Robin laban kay Eneru. Hahaha! Adic lang ako talaga.

"Try mo dali. Laban tayo" yaya ko sa kanya pero hindi niya ako inintindi. Nakita kong kausap niya yung sales lady. Hindi ko na siya inintindi pa at pinagpatuloy ko ang nilalaro ko.

"Tara Francisco! Uwe na tayo" nakangiti kong yaya sa kanya. Na-goodvibes yata ako sa nilaro ko kaya feeling ko ang saya saya ko. Napansin ko rin na Francisco na ang tawag ko kay Paul. Mas maganda kasing pakinggan at parang mabait na pangalan.

Bago siya tuluyang pumasok sa drivers seat ay umikot muna siya ay narinig kong sumara ang compartment.

Nagsimula na niyang paandarin ang sasakyan at walang nagsasalita saming dalawa.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Pasok na ako sa loob. Labag man sa kalooban ko pero...salamat!" Sabi ko nung nasa harapan na kami ng bahay namin.

Aktong pipihitin ko na ang doorknob ng pintuan namin nung tinawag niya ako.

"Oh..." Sabay aboy niya sakin ng isang malaking box at isang paperbag na may tatak na nintendo.

"Ano to?"
"Edi box! Bulag ka ba!?" Singhal nya sakin.

"Alam ko!" Bulyaw ko sa kanya.
"Alam mo naman pala baket nagtatanong ka pa!" Pabulyaw nanaman niyang sabi saken.

"Subukan mong ibalik saken yan at ibabato ko yan sa bahay niyo!" Dugtong niya. Napansin niya yatang aakma na akong ibalik sa kanya yung hawak ko.

"Uuwe na ako!"
Matapos niyang sabihin yun ay mabilis siyang sumakay sa kanyang sasakyan at kaagad na pinaandar iyon.

"Ang hard naman ng manliligaw mo Den! Hahaha" narinig kong sabi ni Julieanne. Pinsan ko. (Julieanne Cenicero)

Hindi ko na pinansin yon at pumasok na ako sa bahay at nagdiretso sa kwarto ko.
Binuksan ko yung laman ng bawat box na binigay saken ni Francisco.

Yung stufftoy na nakita ko sa Deptstore. Ang cuuuuute! Saka psp at yung game na nilalaro ko kanina. Onepiece.

Mabilis kong kinuha ang cellphone ko.

"Hoy Francisco Maraming Salamat! Labyu!"
At mabilis kong pinindot ang send button.

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon