Adik sayo - awit sa akin.
Chriden PoV
Ang bilis ng tibok ng puso ko.
Lihim kong ikinatuwa yun dahil alam ko naman kung sino lang ang gumagawa ng ganitong bagay.
Tangna! Ramdam na ramdam ko ang saya ng kalooban ko.Tiningnan ako ni Kenneth. Yung tingin na pareho kami ng iniisip.
Mabilis akong bumaba ng bus para salubungin si Francisco. Di na kasi ako makapag-antay. Di na ako makapag-antay na makita na uli si Francisco.
Bumungad sa mga mata ko ang dalawang kotse. Kulay itim at puti.
Dahan-dahan bumukas ang pintuan nito at bumaba ang mga hindi ko kilalang lalaki.Lakas maka-trip talaga ng lalaking ito. Alam ko nasa loob ka at nahihiya ka lang pilitin ako na sumama ulit sayo. Huwag ka mag-alala, sa pagkakataong ito buong puso na akong sasama sayo.
"Sigurado akong ikaw si Chriden Miguel Juco" sabi nung isang lalaking matikas ang pagkakatindig.
"Opo. Bakit po?" Magalang kong sagot.
"Ano ba? Nakakaistorbo na kayo sa daan!" Sigaw nung isang driver sa kabilang side ng kalsada.
Isa-isang nagpunta ang iba pang mga kasama nung lalaking nagtanong sakin sa harapan ng mga sasakyan. May ipinakita ang mga ito dahilan para tumigil sa pagrereklamo ang mga pasahero at driver.
"Den bakit? Ano nangyayari?" Takang tanong ni Kenneth.
Bahagyang lumapit sakin ang tatlong lalaki. Kapwa nila ipinakita ang isang bagay na ikinalaki ng mata ko.
Mga sundalo pala sila.
"Para hindi na tayo makaistorbo pa..." Sabi nung isang sundalo at bigla ko nalang naramdaman na inilagay niya ang dalawa kong kamay sa likuran ko at nilagyan ako ng posas.
"Teka lang po Sir! Wala po akong ginagawang masama!"
Wala akong naririnig na kahit na anong sagot mula sa kanila at dahan dahan nila akong iginigiya papunta sa sasakyan.
"Sir wala akong ginagawang masama! Pakawalan niyo ako! Pakawalan niyo ako!" Sigaw ko dahilan para magsilipan ang mga pasahero sa bintana ng bus.
"Kenneth! Tulungan mo ako! Pakawalan niyo ako!" Sigaw ko habang nagpupumiglas ako. Pero malakas ang mga lalaking may hawak sakin. Hindi man lang sila natitinag sa bawat pagpiglas ko.
Nagtagumpay sila sa pagpapasok nila sakin sa loob ng sasakyan.
Nakita ko ang pag-aalala sakin ni Kenneth at alam kong may isinisigaw siya. Hindi ko na siya naririnig. Napansin ko lang na nagpapahid ng luha si Kenneth.
Unti-unti narin tumutulo ang mga luha ko.
Ano ba itong nangyayari?
Ano ba ang nagawa kong kasalanan?
Bakit nangyayari ito sakin?Tangina naman!
Hindi dapat ako tumigil!
Nagsimula nanaman akong magsisigaw at nagpupumiglas ako. Wala naman akong pwedeng ibang gawin kundi ito.
"Sige na Marquez para tumahimik" narinig kong sabi nung umaakting boss nila at bigla ko nalang naramdaman na may panyo silang inilapat sa bibig at ilong ko at unti-unti nalang akong nilamon ng dilim.
.
.
.
.
.
.
Paul Francisco PoVIlang araw na ako dito sa Bicol. Hindi na ako pinayagan bumalik pa ni Lolo sa Cavite. Kinuha ni Lolo ang susi ng sasakyan ko pati ang mga credit cards ko.
Si Luis naman ay hinayaan ni Lolo makabalik pagkatapos nilang mag-usap ng matagal sa kwarto ni Lolo.
Kahit na anong gawin kong pagpilit kay Luis para sabihin sakin kung ano ang napag-usapan nila ay wala itong sinabi. Halata sa mukha nito ang takot. Ang tanging sinabi lang niya ay huwag akong gagawa ng hindi maganda dahil hindi maganda ang naiisip gawin ni Lolo.
"Magbihis ka na Paul at pupunta tayo sa isang meeting. Dun ko sayo ipapakilala si Angel. Anak ng kumpare ko" diretsong sabi ni Lolo.
Hindi na ako nagsalita. Mabilis na akong nag-ayos. Ayoko narin makipagtalo pa kay Lolo. Ang kailangan ko nalang gawin ay ang humanap ng paraan para makatakas ako dito.
Ilang oras lang ang lumipas ay dumating narin kami sa isang restaurant.
Takte! Akala ko ba meeting? Bakit nasa reataurant kami?
"Maupo kayo" sabi nung lalaki.
"Salamat." Sagot ni Lolo at sabay na kaming naupo sa harapan nila.
"Daddy naiwan ko sa sasakyan yung cellphone ko. Kunin ko muna" sabi nung babaeng lumabas mula sa CR.
Ang ganda niya. Ang ganda ng mata niya. Ang puti at ang ganda ng hubog ng katawan.
Teka teka.. Mali ito. Isa lang dapat ang maganda sa paningin ko. Si Den yun at wala ng iba.
Mabilis nakabalik yung babae at naupo sa harapan ko.
"Ito nga pala si Paul Francisco, apo ako. Pagpapakilala sakin ni Lolo.
"Kaygandang lalaki naman pala ng apo mo." Puri naman sakin ng kumpare ni Lolo.
"Ito naman ang anak ko. Si Angel" pagpapakilala naman niya.
Nagsimula na silang magkwentuhan. Ako? Hindi ako interesado. Puro tungkol lang sa kanila ang pinag-uusapan. Pareho palang naging sundalo ang dalawang ito. Parang nagreunion lang silang dalawa. Dalawa nagreunion? Astig nu?
"Tara Paul, dun muna tayo" sabi ni Angel sabay hila sa kamay ko. Dinala niya ako sa isang swing. Kapwa kami nakaupo dun.
"Kung tatanungin ka Paul ano pinakaromantic na kanta para sayo?" -Angel.
Natigilan ako.
Pinakaromantic?
Bigla kong napicturure sa isipan ko si Den habang kasayaw ako. Habang tumutugtog ang kanta ni David P. na On this day.Shit! Namimiss ko na talaga si Den. Gusto ko na makabalik sa Cavite at ilalayo ko na talaga siya. Gusto kong magsama na kami para wala ng humadlang pa saming dalawa.
"Ahh.. Yung kanta ni David P. yung On This Day" nakangiti kong sagot habang patuloy kong pinipicture sa isipan ko ang imahe naming dalawa ni Den.
"Ang sweet mo naman. Nakakainlove nga yung kanta na yan. Pwede parequest? Pls..." Muling sabi niya.
Hindi lang pala maganda itong babaeng ito makapal din pala ang mukha. Hahaha!
"Ano yun?" Takang tanong ko sa kanya.
"Nabanggit kasi ni Lolo mo kay Daddy na maganda daw ang boses mo. Pwede kanta ka? Pleaseeeee. May minus one ako dito sa cp ko ng On This Day" nakangising sabi niya sakin.
At dahil sa wala rin naman akong magawa ay pinagbigyan ko ang kahilingan niya. Kinanta ko yung On This Day at feel na feel ko yun dahil si Den ang laman ng puso at isipan ko habang kinakanta ko yun.
"Great. Getting to know each other." Daddy ni Angel.
"Mukhang hindi ako nagkamali sa desisiyon ko ah.." Segunda ni Lolo habang nakatingin sa nakangiti kong mukha dahil sa pag-iimagine ko kay Den.
Author: konti nalang.. Hahaahah!
Forever is not enough.
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)
RomanceAno nga ba ang maaring mangyari kung ang taong gustong manligaw sayo ay isang seloso, mayabang, at isang bully. Pero isa naman siyang ubod ng yaman at sikat na lalake. Hahayaan mo ba siyang makuha ka sa paraang maharas at sapilitan? Ako nga pala si...