Headache! :( Heartache! :(
Ayokooooo naaaaaaaaa!Chriden PoV
Hindi ako makaget-over sa nangyari. Kaya kahit nasa harapan na kami ng pagkain ay parang wala ako sa aking sarili.
Flashback
"Nandito lang pala kayo" sabi ni Francisco at mabilis umupo sa tabi namin ng kapatid ko. Ngayon ko na nararamdaman yung kirot sa paanan ko. Ewan ko ba kanina kung paano ako nakatakbo sa ganitong sitwasyon ng paa ko.
Hindi ako nagsalita o tumingin man lang sa kanya. Pinupusan ko ang mukha ng kapatid ko kahit wala naman itong dumi ko mumo na galing sa kinakain niyang cotton candy.
"Yung nangya-"
"Wala yun. Hindi ko sinasadyang makita. Sorry. Saka wag na na-"
"Pwede bang pagsakitain mo muna ako!" Sabay kaming napatingin ng kapatid ko sa kanya. Bigla naman umamo ang mukha niya nung napansin niyang medyo nagbago ang mukha ng kapatid ko."Yung nangyari kanina...hindi ko sinasadya yun. Hindi ko naman alam na si Hannah pala yung kasabay ko at hin-"
"Okay lang yun. Hindi ka naman dapat nagpapaliwanag sakin" putol ko uli sa kanyang sinasabi."Patapusin mo muna ako sa sinasabi ko at hindi ako nagpapaliwanag - ipinapaalam ko lang sayo"
Natahimik ako sa sinabi niyang iyon. Mahinahon at seryoso kasi ang kanyang mukha.
"Hindi ko sinasadya yung nangyari kasi akala ko ikaw yung kasabay ko.. At... At..akala ko ikaw yung...kahalikan ko..."
Ha? Tama ba yung narinig ko? Tama ba tinatakbo ng isip ko?
"Nung narinig ko ang sigawan sa loob ng horror house bigla kong hinila ang kamay ng kasabay ko na akala kong ikaw. Iiwas sana kita sa mga alam kong magtatakbuhan pero natukso ako ng pagkakataon - kaya ayun hinalikan ko ang taong akala ko ay ikaw"
Nakaramdaman ako ng kakaiba. Hindi ko alam kung ano pwede kong itawag sa kakaibang pakiramdam ko nung narinig ko sa kanya iyon. Yung malaman ko lang na ang iniisip niya pala ay ako ang kahalikan niya - natutuwa na ako - kinikilig ako.
Hindi ako nagsasalita. Wala kasi akong maisip na pwedeng isagot sa sinabi niya.
"Sinadya ko rin hindi magpakita ng isang linggo..."
Bahagya siyang tumigil sa pagsasalita at binuhat si Chrien at kinalong at bahagyang umusod sa tabi ko.
"Kasi...kasi..."
"Kasi ano?" Untag ko sa hindi niya maituloy na sasabihin."Kasi..ayokong makita mo akong kiligin" mahinang sabi niya na halos ikapula ng buong mukha niya.
"Ha?" Taka kong reaksyon.
"Kikiligin? Ikaw kinikilig? Bakit?"
"Huwag ka na ngang marami pang tanong. Pasalamat ka pa nga at sinabi ko sayo" sabi niya na may pagkasarkastikong tono.Langyang to! Malay ko ba sa mga pinagsasasabi niya. Akala niya saken past teller? Aw! Maka-past teller ako wagas! Hahaha!
"Oh ikaw naman bakit magkasama kayo ni Jerome sa loob ng horror house" tanong naman niya. Jusko yung tono ng pananalita niya - wirdo! Yung hindi ko ma-predict kung ano yung maaari niya pang itanong. (sana gumana ang mantra ko dito. Hahaha)
"Nagkataon lang. Saka tropa naman ni Jerome diba?" Hindi ko alam kung paano ko nasabi sa kanya yan. Eh hindi naman ako tanga kaya alam ko yung mga kinikilos ni Jerome para sa akin ay may ibang kahulugan. Hindi ako manhid boy! Dama ko! :)
"Magkapatong kayo? Magkadikit ang mga labi niyo tapos sasabihin mong nagkataon lang at tropa si Jerome? Eh di ibig sabihin pala kapag tropa ay naghahalikan? Kaya dapat maghalikan lahat ng magtotropa dito?"
Napatanga ako sa sinabi niya. Ang kapatid ko naman ay hindi kami iniintindi dahil sa hawak niyong cellphone na iniabot ni Francisco.
Ano ba tong sinasabi ng impaktong ito. Nasisiraan na ba ng ulo ito!? Nagiging alien na ba ang lalaking ito?
"Eh ano naman sayo kung nagkiss kami ni Jerome!" Inis na sabi ko sa kanya. Naisip ko yun para mawala yung awkwardness saming dalawa.
"Kapag nalaman ko lang na naulit yun kahit kaibigan ko siya makakatikim siya sakin" sagot niya habang pinapatunog ang mga daliri.
"Bakit boyfriend ba kita!?" Inis na sabi ko sa kanya.
"Hindi pa pero nakatakda na ang araw kung kailan mo ako magiging boyfriend! Kaya pag-aari kita sa ayaw at sa gusto mo!"End of flashback
Pagkatapos ng fireworks display ay napagpasyahan na naming umuwe. Pasok narin kasi kinabukasa kaya kailangan makapagpahinga.
"Maraming salamat nga pala. Sigurado akong napakasaya ng kapatid ko" sabi ko kay Francisco.
Binuhat niya si Chrien mula sa binti ko at kinarga niya. Nakuha ko naman ang kanyang ibig sabihin kaya nagpaubaya na ako. Karga karga niya si Chrien hanggang sa makapasok kami ng loob ng bahay namin.
Tulog na si Mama kaya hindi ko na inistorbo pa. Tinuro ko kay Francisco kung saan ang kwarto ng kapatid ko at sinabi kong pakibaba nalang sa kama si Chrien.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Ingat sila sa pag-uwe mo!" Asar kong sabi sa kanya nung nasa labas na kami ng bahay namin.Nilapitan niya ako. Hindi ako makagalaw kasi iba tinatakbo ng isipan ko. Nung nasa harapan ko na siya parehong nakatingin sa bawat isa ang mga mata namin. Dapat ko nga bang paniwalaan ang mga sinabi ng impaktong ito? Sabi ko sa isipan ko.
Bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Ang tagal. Hindi ako makagalaw at hindi ko magawang kumalas pa mula sa pagkakayakap niya. Para kasing may nararamdaman akong daloy ng kuryente mula sa kanyang katawan. Electric man ba siya? Siya ba si Enel? Yung eater ng rumble rumble fruit. Anu ba yan! Mga naiisip ko.
Dahan-dahan niyang kinalas ang kanyang katawan at mabilis na sumakay sa kanyang sasakyan.
"Uwe na ako." Yun lang ang narinig ko at umalis narin siya.
Pumanik na ako sa kwarto ko at sinimulan ko na ayusin ang mga gamit ko para bukas. Biology nanaman! Constitution nanaman! Potek na yan! Walang ligtas! Pati economics na 200 items ang quiz! Torture!
Binuksan ko ang drawer ko at ilalabas ko ang..ang..teka! Nasaan yun? Kinuha ko yung bag ko na nakasabit sa shirt stand at isinabog ko ito sa sahig. Walang yung hinahanap ko. Wala yung gabi-gabi kong pinagtutuunan ng oras. Ni-check ko ng ilang beses pero wala talaga. Tangna naman!
Nasan ang private notes koooooooo!
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)
RomanceAno nga ba ang maaring mangyari kung ang taong gustong manligaw sayo ay isang seloso, mayabang, at isang bully. Pero isa naman siyang ubod ng yaman at sikat na lalake. Hahayaan mo ba siyang makuha ka sa paraang maharas at sapilitan? Ako nga pala si...