Share ko lang po ito. :)
Hope you read it guys. Comment po kayo kung may reaction po kayo. Maraming salamat po!
Nakapost din po ito sa fb account ko.
Thanks ulit!Magandang araw!
Sa totoo lang hindi pa ako nakakaget-over sa kaba na nararamdaman ko.
Sabe ko sa sarili ko, paano ko nga ba sisimulan ito? Paano ko nga ba makukuha ang atensyon ng mga gurong nasa harapan ko?
Nasanay kasi akong mga estudyante ang nakikinig sa ganitong uri ng seminar na ginagawa ko.
Bago ko simulan ang pagkukwento o pagsasalaysay may itatanong ako sa inyong lahat. Dapat maging totoo tayo sa bawat itatala nating kasagutan.
(Materials: Papel, lapis o ballpen)
Katanungan:
1. Isa ba akong mabuting guro?
2. Nakakapagturo ba ako ng wasto sa bawat estudyanteng nakakasalamuha ko taun-taon?
3. Ano ang turing ko sa mga estudyante ko?
4. Ano ang mga nagawa ko sa mga estudyante ko?
5. Ano ang turing sakin ng estudyante ko?(Sampung minuto)
Mamaya natin iisa-isahin sagutan iyang mga katanungan na yan.
Nagtataka ako dahil sa dinami-dami ng pwedeng humarap sa inyo ay ako ang napili. Siguro may nakapansin rin sa natatago kong galing sa pagsusulat o sa pagsasalita sa harapan ng maraming tao. Nagpapasalamat ako dun. (Motivation)
Naalala ko may madalas magtanong sakin na kasamahan ko sa FCES (Felipe Calderon Elementary School) malimit niyang itanonh sakin, "Bakit ang dami mo laging kasamang estudyante? Bakit malapit sayo ang mga bata?"
And then sumasagot ako ng napakasimpleng sagot. Mahal kasi ako ng mga estudyante ko.
Proud akong sabihin yun. Ipinagmamalaki ko na mahal nila ako kasi mahal ko sila.
Paano nga ba nila ako minahal? Ayy. Parang mali yata ang tanong ko, dapat paano ko ba sila minahal?
Masyado na yatang mayabang ang pagkakapakilala ko saking sarili. Hahaha. Pero totoo, mahal na mahal ko sila.
Dito papasok ang salitang:
(start of the presentation)HANG WITH THEM
Masarap kasama ang mga estudyante. Masarap silang kalaro. Yung magkakaroon kayo ng bonding. Yung mapapalagay ang loob nila sayo - at mapapalagay din ang loob mo sa kanila. Yung hindi nila iisipin na kapag nalaman mo ang isang bagay na tungkol sa kanila ay mahihiya sila. Totoo yun! Mahiyain ang bawat mga batang nakakaharap natin. Kapag nagkaroon na kayo ng bonding - diyan na magsisimulang mabuo ang tiwala ng mga estudyante sayo.
Masarap sa pakiramdam yun - yung pagkatiwalaan ka ng estudyante. Yung kaya na nilang ikwento kung saan sila galing, kung saan sila gumala, yung ikukwento nila yung mga nangyari sa kanila maghapon.
Masarap sa pakiramdam yun.
(Ipakita ang larawan ng mga estudyanteng nakikipaglaro at nakikipagkwentuhan sa teacher)
Iyan ang isa sa mga halimbawa ng sinasabi ko. Ako po iyan. Kasama ko ang ilang grade 5 at grade 6 students. Nakatambay kami sa field ng school namin. Actually katatapos lang namin maglaro ng habulan kaya naisipan namin maupo muna para makapagpahinga.
Hindi ko po advisory ang mga batang iyan - section Moonstone, Amethyst at Pearl po iyan batch 2013.
May pustahan kasi sila, ang sinumang mananalo sa o mataas ang iskor sa laro ay yun ang sasamahan ko sa film showing. Oh diba? Pinagaagawan ako? Hahaha!
Sa simpleng larawan na ipinapakita ko sanyo ay makikita niyo ang saya at tuwa sa mga bata dahil ramdam nila ang presensya nating mga guro na nasa tabi nila.
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)
RomanceAno nga ba ang maaring mangyari kung ang taong gustong manligaw sayo ay isang seloso, mayabang, at isang bully. Pero isa naman siyang ubod ng yaman at sikat na lalake. Hahayaan mo ba siyang makuha ka sa paraang maharas at sapilitan? Ako nga pala si...