Hindi kita maintindihan...

14.6K 560 16
                                    

"Everyone deserves to be happy"

Jerome Kier PoV

"You like it?" Tanong ko kay Den habang naglalakad kaming dalawa sa gilid ng mapipinong alon.

Tango lamang ang isinagot sakin ni Den.

Gusto ko sanang isuot sa kanya ang suot suot kong jacket pero may suot na siya. Halatang hindi sa kanya yung jacket dahil masyadong malaki para sa kanya ang sukat nito.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa marating na namin ang lugar kung saan ko talaga pinaplanong dalin siya.

"Upo tayo..." Mahinang sabi ko sa kanya.

Nakaupo kami ngayon sa isang malaking bato na sadyanh nakapwesto sa gilid ng dagat.

Tanging hampas lang ng mapipinong alon ang naririnig at bahagyang pagkanta na nagmumula sa cottage namin.

Tanaw na tanaw namin ang parola na walang tigil sa kaiikot sa kabilang ibayo.

Walang nagsasalita saming dalawa. Kapwa kami nakatuon ang atensyon sa walang tigil na pag-ikot ng ilaw sa kabilang ibayo.

"Nga pala, pasensya na sa nairegalo ko. Wala kasi akong -"

"Alam mo bang mas pinasaya mo ang birthday ko nung nakita kita at inabot mo sakin ang regalo mo?" Putol ko sa kanyang dapat na sasabihin.

"It's not about the gift - its about the effort" nakangiti kong sabi sa kanya.

Medyo nawawala na yung akward moment saming dalawa dahil nabasag na ang katahimikang bumabalot samin.

"Maraming salamat ah.." Sabi ko sa kanya tukoy ko sa mga cookies na niregalo niya sakin.

Matapos kong magpasalamat sa kanya ay nakita ko siyang biglang ngumiti.

"Oh anong problema mo?" Nakangiti parin niyang tanong sakin. Nahuli kasi niya akong nakatitig sa kanya.

"Wa..wala... Ito yata ang unang pagkakataon na napangiti kita" seryoso kong sabi sa kanya.

Binalot muli kami ng katahimikan.

Hindi ko kasi alam kung paano ko sisimulang sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Totoo pala yung kasabihan na kapag nasa harap ka na ng taong mahal mo ay makakalimutan mo lahat kahit ilang araw mo pang nipraktis ang mga linyang sasabihin mo sa kanya.

"Alam mo Den, dati gustong gusto kitang tanungin.." Mahinang panimula ko. Nararamdaman ko na nagsisimula ng bumilis ang lagabog ng dibdin ko.

"Ha?" Tanging naging reaksyon niya.

"Gustong tanungin ng ano?" Dugtong niya na may halong pagtataka.

"Tanungin na...kung pwede ba tayong magkaroon ng isang araw na para satin lang..." Lakas loob na dugtong ko.

Nanatiling tahimik si Den.

"Yung isang buong araw na makakausap kita ng matagal...yung maririnig ko yung boses mo...at yung...makukulitan ka sakin" mahabang dugtong ko sa sinasabi ko.

Takte! Ramdam na ramdam ko na ang tensyon sa sarili ko. Parang hindi ko yata kayang marinig kung anong isasagot niya sa sinabi ko.

"Pwede naman yun Rome... Kahit anong oras naman pwede tayong mag-usap, kwentuhan... Sak-"

Hindi ko na siya hinayaan pang maipagpatuloy ang kanyang sinasabi. Mabilis kong hinawakan ang dalawa niyang pisngi at agad ko siyang sini ng halik.

Tangna! Ano tong nararamdaman ko? Totoo pala yung pakiramdam na mararamdaman mo yung parang kuryente na dumadaloy sa katawan mo kapag magkadampi ang labi niyo ng taong mahal mo.

Damang dama ko ang napakapino at malambot na labo ni Den.

Hawak ko parin ang magkabila niyang pisngi. Ayaw ko siyang pakawalan. Ayoko matapos ang gabing ito.

Dahan dahan kong inihiwalay ang labi ko kay Den.

"Sana naiintindihan mo na ang ibig kong iparating Den..." Mahinang sabi ko sa kanya.

Nakatingin lang siya sakin. Wala akong naririnig sa kanya na anumang salita. Pero bakas sa kanyang mga mata ang malaking katanungan at pagtataka.

"Den...I'm sor-"
"Hindi mo kailangan magsorry Rome."

Seryosong sabi ni Den.

"Rome, naiintindihan ko ang gusto mong iparating pero..."

"Pero ano Den?"

Tumahimik muli ang kapaligiran. Binalot muli kami ng katahimikan.

"Rome ayoko maging dahilan para magkaroon ng hindi magandang pagkakaunawaan."

"Hindi kita maintindihan..." -Ako

"At isa pa...pumayag na akong magpaligaw kay Lloyd."

Putangna! Unang beses kong naramdaman yung pakiramdam na parang may karayom na tumusok sa dibdib ko.

"Rome... Baka naguguluhan ka lang sa nararamdaman mo... pakiramdaman mong maigi ang sarili mo, baka nalilito ka lang."

"Den sigurado ako sa nararamdaman ko para sayo. Ang tagal kong kinimkim ito. Mahal kita Den..."

Tumayo si Den mula sa pagkakaupo niya. Hindi man niya ipakita ang mga luha mula sa mga mata niya ay nakita ko iyon. Ramdam ko rin ang pagsisinungaling niya at pagtatago sa isang bagay na nasa kalooban niya.

Kaagad rin akong tumayo.

Hinabol ko siya at niyapos ko siya.

Mahigpit.

Yung yapos na pinaparamdam ko ang totoonh nararamdaman ko para sa kanya.

"Den papatunayan ko sayo kung gaano kita kamahal..."

"Papatunayan ko sayo na seryoso ako sa mga sinabi ko sayo..."

Bulong ko sa kanya habang yakap yakap ko siya.

Wala akong naririnig na kahit na ano mula kay Den bukod sa pigil na paghikbi na kanyang pilit itinatago.


Author: Haaay.. bringing back the memories... Laki ng naging epekto ng scenario na ito dati.

Thanks sa votes and comments.

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon