Do or Die.
Chriden PoV
Akala ko talaga si Francisco yun. Nakakahiya tuloy.
Ilang araw na ang lumipas simula nung nagpunta ako sa bahay nila Paolo. Masarap din pala siyang kausap. Nagkwentuhan kami. Pinagkwentuhan namin ang halos lahat ng bagay tungkol sa kanya at tungkol sakin.
Binigyan niya ako ng advice/suggestion tungkol sa nararanasan ko.
Sabi pa nga niya
Do what makes you happy as long na wala kang inaapakang tao gawin mo ang makakapagpasaya sayoTama nga naman siya. Kaso - kapag ginawa ko yung gusto ko makakasakit naman ako ng ibang tao. Haaay.. Siguro nga hindi talaga kami pwede ni Francisco. Lagi nalang kasi nangyayari yung ganito. Parang sinasadyang hindi kami pagtagpuin. Naalala ko pa palagi yung sinabi ng lolo niya na may ipapakilala sa kanya. Syempre noh! Lolo niya ay hello! General yun! Hindi pwede tapang ko dun baka bigla nalang akong barilin nun!
Kaya mas naisip kong hayaan nalang muna na panahon ang magdesisyon. Mahirap kasi kalaban ang time. Kung kami, kami. Kung hindi - haaay.. Pwedeng kami nalang? Pls...
Dejokelang. Sigurado naman akong magiging masaya si Francisco dun kasi magkakaroon siya ng pamilya at mga anak na hindi ko kayang ibigay. Napag-isipan ko narin yun nitong mga nagdaang araw. Sinabi ko nalang sa sarili ko na nagpapasalamat ako at nagkakilala kami at nagkaroon ng kaunting kulay ang buhay ko gawa niya.
Sabagay, graduating na naman siya. Hindi na kami magkikita after ngbgraduation nila. Ako kasi second year palang, 2yrs pa ang igugugol ko dito sa baste.
"Den! Tara kain muna tayo" tawag sakin ni Kenneth habang kumakaway sa cafeteria.
Namiss ko itong cafeteria. Almost weeks din akong hindi nakapunta dito. Memorable sakin itong place na ito. Dito nagsimula ang lahat eh. Kumbaga ito yung lugar kung saan niya ako unang hinalikan at naging malapit kami sa isa't isa.
"Oy Kenneth! Musta na?" Bati ko sa kanya at mabilis kong inilapag ang bag ko sa isa pang upuan.
Naalala ko pa nga dito ko unang naramdaman ang pagbagal at pagbilis ng ikot ng mundo ko.
Bumagal ang mundo ko nung unang beses kong nakita si Francisco na nakasuot ng gustong-gusto kong porma ng isang lalaki o sabihin na natin dito unang beses bumagal ang mundo ko dahil dito ko naramdaman na mahal ko na pala ang lalaking ubod ng tarantado, sungit, yabang, at gwapong bully. Totoo yun. Slow motion - pero yung pagngiti niya sakin habang inaabot niya sakin yung nalaglag na papel na hawak ko ay normal. Hindi siya nag-slow.
Dito din unang bumilis ang mundo ko kasi sa tuwing nakikita ko siya dito ay napipicture ko ang future ko na kasama siya - na magkasama kami, na masaya kami. Yung tipong pinagsasaluhan namin ang pagmamahalan. Yung masaya kami sa isa't isa. Fast forward. Tama! Fast forward ang tawag ko dun.
"Don't worry. My treat" nakangiting sabi ni Kenneth nung nilapag niya ang mga pagkaing binili niya.
"Thank you. Hindi mo pa ba time?" Tanong ko sa kanya habang kinakain ko ang fries na binili niya.
Dito rin sa cafeteria kami nagkayayaan dati na mag-outing ng biglaan. Sobra nga kilig ko nun kasi magkapareho kami ng suot na damit. Superman na yellow. Astig nu!
"Oy! Magkapareho kaya tayo ng time twing Thursday 9:30am polsci" sagot ni Kenneth habang hawak ang c2 apple.
"Ayy! Oo nga pala." Sagot ko sabay kamot sa ulo.
"Ano ba nangyayari sayo Den? Kanina ko pa napapansin parang wala ka sa sarili mo?" Tanong niya sakin.
"Wala. Napuyat lang. Magdamag kasi akong nanuod nung The Walking Dead. Ganda nga ee! Astig!" Sagot ko sa kanya at ginawa kong medyo makatotohanan ang pagkakasabi ko.
"Magshift ka na kaya ng kurso? Baka epekto ng kurso mo ang nangyayari sayo eh!" -Kenneth.
"Aba! Charles Kenneth! Bakit? May problema ka sa kurso ko?" Mataas na tonong tanong ko sa kanya.
"Ah..eh.. Wala. Astig nga ng kurso mo eh. Kakaiba! Exotic!" Bawi niya.
Nagpatuloy kami sa kwentuhan. Maaga pa kasi. 8am lang. Kaya mahaba pa ang oras na kailangan namin aksayahin.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Ingat ka She! Baka magahasa ka!" Sigaw ko kay Sheryl nung nasa labas na kami ng gate ng school."Hindi ako mag-iingat Den! Kailangan ng madiligan to! Tuyot na!" Sigaw niya rin sakin.
Tangnang babae to! Hindi na nahiya sa mga nakakarinig. Hahaha. Tawanan tuloy ang mga nasa tabi namin ni Kenneth.
Haaay. May naalala nanaman ako.
Sana biglang may humarang na sasakyan sa gitna ng kalsada at pilit akong pasasakayin sa sasakyan niya. Yung kahit magsigawan kami sa gitna, ok lang. Basta siya.Lakas na ng epekto sakin ni Francisco.
"Tara na Den. Sabay na tayo!" Sabay hawak ni Kenneth sa kamay ko patawid sa kalsada.
Sana may humintong kotse sa gilid ni Kenneth at sasabihin na sa kanya ako sasabay.
Tangna naman! Ano ba itong nangyayari sakin! Lalo ko lang sinasaktan ang sarili ko sa ginagawa ko eh.
Wala na si Francisco.
Imposible na mangyari pa yung mga iniisip ko.
Hindi na pwede. Tapos na yung masasayang sandali ng buhay ko sa kanya.Kailangan kong tanggapin iyon.
Kailangan kong tanggapin na kahit magkita pa kami ay wala ng pag-asa na mapasakin siya. Masakit OO! Napakasakit pero wala na akong magagawa pa kundi tanggapin ang katotohanan.Kung naging babae lang sana ako. Kung naging mayaman rin sana ako. Pwede sana kami. Haaay. Life is unfair.
"Oh shit!" -Kenneth.
"Ouch!" Sigaw ko.
"Manong dahan dahan naman ho sa preno!" Sigaw ng isang pasahero sa likuran.
Bigla bigla nalang kasing pumreno si manong driver. Nauntog nga ako eh. Nagmomoment pa naman ako.
"Sino ba yang bigla nalang humarang sa daan!!" Reklamo ng isang pasahero na nakasakay sa unahan.
Tatapusin ko na ang book 1 :)
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)
RomanceAno nga ba ang maaring mangyari kung ang taong gustong manligaw sayo ay isang seloso, mayabang, at isang bully. Pero isa naman siyang ubod ng yaman at sikat na lalake. Hahayaan mo ba siyang makuha ka sa paraang maharas at sapilitan? Ako nga pala si...