"Love takes time"
Paul Francisco PoV
"Ano ba Cath! Pwede ba layuan mo na ako!" Sigaw ko kay Catalina.
"Kung tungkol sa halik yung kinagagalit mo - sorry. Hindi ko sinasadya" walang emosyong sagot niya.
"Huwag mo sakin ibaling yang pagkasabik mo sa kapatid ko dahil lang sa kamukha ko siya!" Bulyaw ko muli sa kanya.
May kakambal kasi ako. Si Paolo Francisco. Kasalukuyang nasa ibang bansa siya at nag-aaral. Masyadong seryoso sa buhay yung kakambal kong iyon kaya hindi natigil dito sa pilipinas.
"Sorry. Laseng lang ako kaya ko nagawa yun." Sinserong paghingi ng tawad ni Catalina.
Engage na sila ng kapatid ko. Hindi ko nga alam sa kapatid ko kung ano ang nakita sa babaeng ito at naisipan niyang pakasalan ito eh.
Kaya niya sinabing soon to be Gabriel siya dati ay dahil sa napagusapan na ng pamilya niya at pamilya namin ang magaganap na kasalan. Botong boto nga rin sila Mama at Papa sa babaeng ito.
Kung ako ang tatanungin? Naku! Never! Pero dahil sa kasiyahan din naman bg kapatid ko ay wala rin akong magagawa.
"Ayoko ng mauulit yun! At wag na wag ka ng didikit sakin. Kapag dumikit ka pa sakin sasabihin ko lahat sa kapatid ko ang ginawa mo" seryosong pagbabanta ko sa kanya. Matapos nun ay iniwanan ko na siya. Mabilis akong sumakay sa sasakyan ko.
Hindi ko parin makalimutan yung mga sinabi ni Den sakin. Wala naman akong ginagawang masama sa kanya. Akala ko nga okay na kami dahil mas lalong naging malapit na kami sa isa't isa. Tapos bigla bigla nalang na ganon ang sasabihin niya sakin! Taktenh iyan!
Siguro dapat ko muna siyang bigyan ng panahon para makapag-isip. Ayoko namang pwersahin siya dahil iginagalang ko ang mga desisyon niya. Hindi pa kasi niya alam ang mga nangyayari. Family matters kasi.
"Kuya kailan uli dadalaw si Den dito?" Nakangiting tanong sakin ni Luis.
Hindi ko siya sinagot bagkus ay inabutan ko siya ng isang bote ng vodka.
"Gusto mo pag-usapan?" Tanong sakin ni Luis.
Kinuwento ko sa kanya lahat. Lahat lahat. Wala akong nilaktawang pangyayari. Halata sa pustura ng kanyang mukha ang pagtataka kung bakit ganoon nalanh ang sinabi sakin ni Den.
"Alam ko na!" Biglang sabi niya kasunod nun ay ang paglagok niya sa bote ng vodka.
Nanatili lang akong nakatingin sa kanya at nag-aantay ng kasunod niyang sasabihin.
"Siguro nagselos yun sa nakita niya Kuya. Tapos naisip niyang kapag pinagpatuloy niya pa ang pakikipaglapit sayo ay baka makasira siya ng relasyon" mahabang pagpapaliwanag ni Luis sakin.
Hindi na ako nagtataka kay Luis. Sadyanh matalino siya dati pa. Kaya maraminh babae ang nahuhumaling sa kapatid kong ito ay dahil narin sa magaling itong umisip ng paraan para mapakilig ang mga babae.
"Maniwala ka Kuya! Yan lang ang tanging naisip kong dahilan pwera nalang kung may malapit sa kanyang ibang tao ngayon" dugtong niya.
Natigilan ako sa narinig ko iyon sa kanya. Napaisip ako. Dalawang tao lang naman ang alam kong malapit kay Den. Si Lloyd at si Jerome.
Sa kilos ni Lloyd ay halatang may gusto siya kay Den. Lalo na si Jerome na nalaman kong nagtapat na ng pag-ibig kay Den. Nalaman ko iyon kay Kerby.
Kailangan kong kausapin si Jerome. Kailangan ipaalala ko sa kanya na sakin lang si Den at hindi sa kanya o kay Lloyd. Hindi naman siguro siya manhid para hindi niya mahalata sakin na mahal ko si Den.
"Oh Kuya? Natulala ka na diyan?" Pagpuna sakin ni Luis.
"Sir may bisita po kayo" sabi ni Manang. Isa sa mga katulong namin.
"Papasukin mo Manang" sagot ko naman.
Hindi nagtagal ay narinig ko ang pagbukas muli ng front door namin.
"Hey! Paul!" Masayang bati sakin ni Bong. Isa sa malapit kong kaibigan. Madalas kasi yung banda niya ang inaarkila namin sa tuwing may selebrasyon kaming magkakaibigan dati.
"Oy! Musta? Napadalaw ka? Tara dito. Upo" bati ko naman sa kanya.
Nagkwentuhan kami. Ang daming niyang naikwento tungkol sa banda. Nalaman ko na sa darating na biyernes ay kaarawan na niya.
"Hindi pwedeng mawala ka ah! Minsan lang uli tayo magbonding!" Sabi niya sakin.
"Oo! Promise pupunta ako!" Sagot ko naman sa kanya.
Sinabi niya kung saan ang venue. Sabihan ko narin daw ang ibang tropa para daw makapunta lahat. Wala na daw dapat pang problemahin. Mga pupunta nalang.
Hindi narin nagtagal si Bong sa bahay. Yun lang talaga ang pinunta niya. Ang imbitahan ako.
Sa tagal naming magkaibigan nitong si Bong ay hindi ko pa nakikilala ang pamilya nito. Hindi ko pa nga nakikita ang magulang o kapatid nitong taong ito eh. Masyadong malihim.
Pinagpatuloy namin ni Luis ang pagiinom at kwentuhan. Nung naiba na ang topic namin ay hindi na ako interesado sa mga sinasabi niya.
"Kuya mauna na ako sa kwarto. Medyo inaantok na ako" paalam sakin ni Luis. Nahalata niya yatang hindi ako nakikinig sa mga sinasabi niya. Kung tungkol iyon kay Den - kahit abutin kami ng umaga sa kwentuhan, interesado ako. Pero kung tungkol lang sa mga pambababae niya. Wag nalang.
Alas onse. Naisipan kong lumabas at bumili pa sa 7/11 ng vodka. Hindi pa kasi ako inaantok sa nainom namin kanina. Ginamit ko ang motor ni Luis.
Naisipan kong dumaan sa kalye nila Den. Kahit malayo, okay lang. Baka sakaling makita ko siya kahit sa gate man lang. Gusto ko rin siyang kausapin.
Makalampas sa kapilya ng kalye nila ay naaninag ko ang pamilyar na katawan. Kahit nakatalikod iyon ay alam kong siya yun. Nakaramdam ako ng saya nung nakita ko siya.
Nung aktong ikakambyo ko na ang motor ay may biglang lumabas sa kabilang eskinita. May hawak itong dalawang bote ng alak at inabot niya ang isa kay Den. Nun ko lang napagtanto na sasakyan pala ni Jerome ang nakaparada sa kaliwang bahagi ng kalye.
Tinabihan ni Jerome si Den. Kapwa sila nakasandal sa sasakyan.
Nakakaramdam ako ng init ng ulo.
Parang sasabig din ang kalooban ko.
Parang may libo libong karayom ang tumutusok sa dibdib ko.Bago pa ako makagawa ng hindi maganda ay ipinihit ko na ang motor at mabilis ko na itong pinaandar pabalik sa bahay namin.
Dinampot ko ang cellphone ko at mabilis kong tinawagan si Allen.
"Allen..."Sabi ko sa cellphone.
"Oh! Alas dose na! Bakit napatawag ka?"- Allen"Punta ka dito sa bahay. Mag-iinom tayo" dugtong ko agad sa sinasabi ko.
---------
Shot muna kami. :)
Vote and comment po. Salamat!
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)
RomanceAno nga ba ang maaring mangyari kung ang taong gustong manligaw sayo ay isang seloso, mayabang, at isang bully. Pero isa naman siyang ubod ng yaman at sikat na lalake. Hahayaan mo ba siyang makuha ka sa paraang maharas at sapilitan? Ako nga pala si...