Jerome Kier Calling...

16.9K 636 18
                                    

Even the happiest people cry.

Chriden PoV

Ha? Paano ko nagugustuhan? Bakit parang ako ng ako ang tinatanong? Ako ba bida? Saka si Jerome? Unang beses na ganito ang kanyang aura ah. Kakaiba.

"Oh! Den hindi pwede magsinungaling ah! Sasara ang butas ng pwet ng sinungaling!" Sabi ng napakaBait kong kaibigan. Si Sheryl.

Tangnamo She! Bakit ba pati butas ng pwet ko ay pinapakialaman mo? Bastos! Pero napatawa ako at natakot ako dun aa! Ayoko kaya sumara to!

"Simple lang. Nagugustuhan ko ang isang tao kapag alam kong walang halong kaplastikan ang ginagawa. Yung tipong gagawin mo yung isang bagay dahil gusto mo at hindi dahil sa responsibilidad mo ito. Gusto ko rin yung mararamdaman ko na kailangan niya ako dahil mahal niya ako hindi yung mahal niya ako dahil kailangan niya ako. PENGENG SHOT!" Sigaw ko sa nagtatagay.

Lumalakas na boses ko senyales ito na medyo tinatamaan na ako ng espiritu ng alak. Nakakaramdam narin ako ng pagkahilo.

"Wow! Pak na pak ka neng!" Puring pang-iinsulto ni Sheryl.

"Huwag ka mong inumin ang tagay na hindi sayo! Hindi ka mauubusan ng alak!" Pabalang na ani sakin ng taong katabi ko.

"Hoy Francisco! Hindi ako malalaseng diyan! Malakas yata to!" Medyo malakas kong sabi dahilan para magtawanan ang mga kaibigan ko.

"Malakas pala yang si Den eh! Osya - inom pa!" -Allen.

Nagpatuloy kami sa kwentuhan at inuman. Nagpadagdag pa ng maiinom ang grupo nila Francisco kaya hindi parin kami umuuwe.

"Walang uuweng matino! Happy Birthday Janina Calvo! Mabuhay!" Pang-asar na bati nila Kerby. Oo! Sabay sabay talaga sila nung sinabi yan. Kahit laseng ako nun tandang-tanda ko parin.

"Kailan niyo pa natutunan na magawi dito?" Boses na narinig ko galing sa kaliwa namin.

Doon lahat napunta ang tingin namin.

Teka. Parang kilala ko itong babaeng ito ah! Tama! Hindi ako pwedeng magkamali!

"What are you doing here?" -Francisco.
"Can I ask you the same question?" Pamimilisopo ng babaeng kulay dugo ang labi.

"Patay tayo diyan" narinig kong bulong ni Kerby kay Allen. Mabilis na siniko ni Allen si Kerby na dahilan para umayos ito ng pagkakaupo.

"Pwede ba akong makijoin?" Sabi niya at pilit niyang pinausod ng upuan si Kerby at tumabi siya kay Francisco.

"Oh bakit? Ayaw niyo bang nandito ako?"
"You want to hear my answer?" Pabalang na sagot ni Francisco.

"Ayy ate sino ka?" Tangang tanong ni Sheryl.

"Oh sorry. I'm Catalina. Close friend of them. Soon to be Mrs. Gabriel"

Bigla akong natigilan. Tama ba yung narinig ko? Soon to be? Mrs. Gabriel? Diba si Francisco yun? Hindi naman ako tanga sa English at nakakaintindi naman ako. Pakshet naman. Bakit nanginginig ang kamay ko? Bakit bumibilis ang tibok ng dibdib ko.

"Hindi magandang biro Cat. Saka gusto ko lang ipaalam sayo Catalina na kasama natin ngayon ang boyfriend ko" seryosong sabi ni Francisco at ipinatong niya ang kamay niya sa balikat ko. Iniharap niya ako sa kabilang side kung saan nakaupo si Catalina.

"Ayu Te. Wag ka maniwala. Nagbibiro lang tong si Paul." Wala akong ibang nasagot kundi yan. Ewan ko ba. Imbis na maging proud ako ay nahiya pa ako.

Ano nga naman ang panama ko sa napakagandang ito? Mukhang sobrang yaman pa! Samantalang ako? Haayyy. Di ko na alam kung paano ko pa iaangat ang sarili ko kung siya ang katabi ko.

"Guys, excuse. Kanina pa ako naiihi. Baka sumabog ang pantog ko" sabi ko sabay tawa.

Sa totoo lang gusto ko lang umalis para mawala yung tense na nararamdaman ko. Pumasok ako sa loob ng banyo at humarap ako sa salamin.

Shet! Bakit may namumuong luha sa magkabilang mata ko? Bakit parang nahihikbi ako? Ganito nga ba kapag nakakainom? Hindi naman ako ganito dati ah.

Nakakaramdam din ako kirot sa dibdib. Parang may biglaang tumusok kasi kanina nung narinig kong nagsalita si Catalina.

Ano nga bang nangyayari sakin?

Bakit ako ganito?

Nasasaktan ba ako?

"Sinundan talaga kita. Ang tagal mo kasing bumalik eh"

Mabilis kong nilingon kung saan nanggaling yung boses. Si Markie Lloyd. Nakatayo sa gilid ng pintuan.

"Napano mata mo?" Puna niya.

"Ah. Wala. Napuwing kasi ako. Maalikabok kasi yung pinto ng bayo, medyo napasandal kasi ako" palusot ko sa kanya.

Naghilamos ako para pagbalik ko ay okay na yung mata. Ayoko kasing mapansin nila yung bagay na hindi ko alam kung bakit nangyayari sakin.

"We don't need to go back there. I got your bag." Nakangiti niyang sabi.

Mukhang maganda yata ang naisip ng taong ito. Parang ayoko narin muna kasing bumalik don. Baka lalo lang akong makaramdam ng hindi maganda kung makikita at maririnig ko ang pinag-uusapan nila.

Kung Soon to be Gabriel siya so ibig sabihin kailangan pigilan ko na kung ano man yung nararamdaman ko para kay Francisco. Inamin ko nanaman sa sarili ko na may kaiba akong pagtatangi sa kanya pero sa ngayon mali na iyon. Ayoko maging hadlang sa kanila. Mayaman sila at simpleng tao lang ako. Babae si Catalina, at ako? Hayy. Wala sa kalingkingan ng kung anong meron siya.

Maiintindihan naman siguro ako ng mga kaibigan ko. Itetext ko nalang sila. Gusto ko na muna umalis dito.

Sumama na ako kay Lloyd. Sa likod kami dumaan. Kahit medyo malayo ang iikutan namin ay okay lang.

"San tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya habang nagdadrive siya.

"Kung saan mo gustong pumunta" nakangiting sagot niya.

Kahit hindi ko pa siya gaanong kilala ay parang ang gaan gaan ng loob ko sa kanya. Parang ang tagal ko na nga siyang kakilala eh. Parang nakasama ko na siya dati pa.

"Gusto mo na bang ihatid kita?" - Lloyd.

Gusto ko na nga ba umuwe?

Umiling ako.

Sa totoo lang, gusto ko pang mag-inom. Gusto ko pag-uwe ko ay matutulog nalang ako at papasok kinabukasan.
.
.
.
.
.
.
.
"Boyfriend mo nga ba yung sinasabi niyong Paul?" Biglang basag niya sa katahimikan.

Nandito kami ngayon sa Lido Beach Resort. Wala nga halos tao at ang dilim dilim. Gumawa lang ng maliit na bonfire itong kasama ko dahilan para magkaliwanag at mainitan kami kahit papaano. Malamig na kasi ang panahon. Ber months na kasi.

Narinig kong tumutunog ang cellphone ko. Tiningnan ko iyon.

Jerome Kier calling...

Nakalimang tawag siya bago ko tuluyang inislide ang answer button.

"Hello.." Mahinang sagot ko.
"Nasaan ka.." Tanong niya sakin.
"Pasensya na Rome. Hindi na ako nakapag-paalam. Umuwe na ako." -Ako
"Pwede ba kitang puntahan?" Mahinahong tanong niya sakin.
"Kita nalang tayo sa school. Gusto ko narin kasi magpahinga Rome. Sensya na" pagdadahilan ko sa kanya.

"Den bili lang ako" singit ni Lloyd.

"Yung totoo Den. Nasaan ka?Sino kasama mo?" Seryosong tanong ni Jerome sa kabilang linya. Ramdam ko ang kakaibang aura niya habang nagsasalita siya.

--------

Maraming salamat po sa votes and comments. Ang saya ko! Ang dami nagbabasa ng story namin. :)

Nakakapagod tong araw na ito. Tinoyo pa ako sa mga estudyante ko. Takte!

Tara! Mag-inom!

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon