"People fall inlove in mysterious ways"
Chriden PoV
Isang linggo na ang nakakaraan simula nung kinausap ko si Francisco. Okay na siguro yun. Tama na siguro.
"Hi! Pwede bang makiupo sa tabi mo?" Bati sakin ni Jerome.
Ito pa pala ang isa. Kinausap ko narin itong taong ito. Kaso, wala daw siyang pakialam sa sasabihin ng ibang tao o kung ano man ang maging epekto basta gusto daw niya ako.
Pinaliwanag ko narin sa kanya na hindi ko pa alam. Kinuwento ko rin sa kanya ang nangyari samin ni Francisco.
"Salamat!" Nakangiti niyang sabi kahit hindi ko pa sinasagot ang tanong niya.
"Hmm.. May lakad ka ba after class?" Diretsong tanong niya sakin.
May lakad nga ba ako?
May pupuntahan nga ba ako?"Wala naman.. Bak-"
"Yessss! So, pwede kitang yakagin." Biglang putol niya sa sinasabi ko.Ano ba namang klaseng tao ito. Ganito ba talaga si Jerome? Parang hindi naman eh. Kapag kasi nakikita ko siya kasama ang mga kaibigan niya ay sobrang tahimik ito. Yung tipong hindi pagmumulan ng kahit na anong conversation.
"Den bago mo ituloy ang kalandiang taglay mo gusto kong ipaalam sayo na absent si Ugly duckling!"
Sabay kaming napalingon ni Jerome sa pinanggalingan ng boses. Hindi nga ako nagkamali. Si Sheryl nga iyon.
"Ugly duckling?" Halos sabay naming tanong ni Jerome.
"Aba! Sino pa? E di si Maam Manaor na walang ibang ginawa kundi paghalu-haluin ang lintek na mga chemicals na yan!" Iritang sagot ni Sheryl. Takteng babae talaga ito oh!
"Oh wala kang karapatang magreact! Hindi ka chemical!" Dugtong na sabi sakin ni Sheryl. Lakas makahugot ng babaeng ito ah!
"Oh saan ka naman pupunta?" Tanong ko naman sa kanya nung aktong tatalikod na siya.
"Nagugutom daw ang boyfie ko. Magpapakanton ako."
Langya kang babaeng ubod ng utog! Hahaha!
"Oh Jerome konting landi pa niyang si Den papakantunin ka na niyan." Kasunod nun ay malakas niyang pagtawa.
Kapag talaga kalokohan ang pinaguusapan numero uno talaga si Sheryl. Ang saya kapag siya ang kausap. Hahaha!
"Oh bakit? Anu nangyari sayo?" Puna ko kay Jerome nung nakatitig siya sakin matapos umalis ni Sheryl.
"Talaga? Papakantunin mo ako?" Seryosong sabi ni Jerome.
Hindi ko alam kung tatawa ba ako o ano. Seryoso kasi yunh mukha niya habang nagtatanong eh. Hahaha!
"Oo na! Mamaya papakanton ako" nakangiti kong sagot sa kanya.
Nung narinig niya iyon ay lalong sumeryoso ang mukha niya. Takte tong taong to ah! Ano bang iniisip niya? Ano bang meron sa pagpapakanton?
"Uy! Akala ko ba may lakad tayong dalawa? Wala si Mam Chem kaya tara na!" Untag ko sa kanya. Parang nawala kasi sa ulirat eh.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Ang sarap noh?" Nakangiting tanong niya sakin.Tinitukoy niya ang fishball at kwek kwek na kinakain namin ngayon. Hindi ko inaakalang nakain pala siya ng mga ganitong uri ng pagkain.
Nandito ngayon kami sa park. Nakaupo sa bermuda grass. Nasa kaliwa namin ang mga nagpapraktis ng sayaw. Beat from the street ata ang pangalan ng grupo ng mga iyon. (member dun ang mga naging studyante ko dati). Sa kanan naman namin ay ang mga batang naghahabulan ng hagarang upo. Ang gagaling nga eh. Kaso ang gugulo. Hahaha!
Naririnig din namin ang nonstop lovesongs na nagmumula sa speaker na nakalagay sa baway sulok ng park. (Here I am - Air Supply).
"Nakain ka pala ng mga ganitong uri ng pagkain" sabi ko sa kanya.
"Bakit? Alien ba ako?" Sabay tawa.
"Syempre naman. Masarap kaya ito. Paborito ko ito simula nung bata pa ako. Nag-uulam nga ako nito eh" dugtong nya.Talaga? Si Jerome na mayaman nag-uulam ng ganito?
Nagpatuloy ang kwentuhan naming dalawa. Ang dami niyang kwento. Kinuwento niya yung mga nangyari sa kanya nung bata pa siya.
Hanggang sa naikwento niya yung girlfriend niya.
"Eh bakit kayo naghiwalay?" Mausisa kong tanong sa kanya.
Tumingin siya sakin. Seryoso.
"Diba nasabi ko na sayo yung dahilan..." Pagbabalik niya sa kanyang seryosong mukha.
Jusko! Bakit ba nangati ang bunganga ko sa pagtatanong.
"Nakipaghiwalay ako kasi gusto ko maging fair ako sa pagkagusto ko sayo." Seryosong dugtong niya sa kanyang sinasabi.
Natigilan ako. Wala akong masabi. Walang mailabas ang bibig ko na kahit na anong salita.
"Oh bakit parang nawala ka sa sarili mo? Hahaha! Nagiging tapat lang ako sa nararamdaman ko" nakangiting sabi niya.
Nginitian ko siya at nagpatuloy nanaman ang pagkukwento niya. Hindi talaga nauubusan ng kwento itong taong ito. Napapatawa nga ako sa bawat kwento niya eh.
Hindi namin napansin ang oras. Gabi na pala. Nagpasya na kaming umuwe. Hinatid ako ni Jerome sa bahay namin.
"Oh pano? Salamat Rome ah!" Nakangiting paalam ko sa kanya.
Nung aktong tatalikod na ako nung may narinig akong nagsalita.
"Uy Den! Kanina pa kita inaantay. Ayos may kasama ka pa. Boyfriend mo?"
Takte naman! Ang daming pagkakataon para umuwe ng bahay itong impaktong to oh!
"Ha? Ah.. Eh.. Hindi Kuya.. Kaibigan ko" sagot ko sa kanya. Si Kuya Bingbong. Ang nakakatanda kong pinsan.
"Oh pre uuwe ka na agad? Tara! Samahan mo muna ako. Shot tayo." Yaya niya kay Jerome.
Tumingin sakin si Jerome. Yung tingin na nagtatanong kung ano ang dapat niyang gawin.
"Ah eh.. Kuya malayo pa uuwian ni Jerome kaya -"
"Walang problema. Dito mo na siya patulugin. Maluwag naman ang kwarto mo diba?" Sagot ni Kuya.
Aktong magsasalita pa ako nung namalayan ko na nasa loob na pala si Jerome at kasabay na si Kuya. Langyang yan! Hindi man lang inantay ang sagot ko!
Pumasok na ako sa loob.
"Magpapalit muna ako ng damit.." Sabi ko.
Nung aktong aakyat na ako sa taas ay nakita kong nakatingin sakin si Jerome at nakangisi.
Author: whaaaah! Laseng na ata ako. :) hahaha! Nakakakilig itong scenario na ito. Naalala ko parin hanggang ngayon. :)
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)
RomanceAno nga ba ang maaring mangyari kung ang taong gustong manligaw sayo ay isang seloso, mayabang, at isang bully. Pero isa naman siyang ubod ng yaman at sikat na lalake. Hahayaan mo ba siyang makuha ka sa paraang maharas at sapilitan? Ako nga pala si...