Sayo - baliw ang utak ko at buong sistema ko.
Paul Francisco PoV
"Nung nainlove sa iisang babae si Paul at si Jerome..."
Biglang nanariwa sa alaala ko ang lahat nung narinig ko iyon.
Flashback
Nasa isang bar kaming magkakaibigan ngayon. Birthday kasi ni Louie. Isa sa mga malapit naming kaibigan.
"My treat" mayabang na sabi ni Louie.
Kasama ko ngayon sila Matthew, Michael, Bingbong, Jerome at si Louie.
Sanay na ako sa ganitong klase ng inuman. Madalas kasi kaming napunta sa ibang bar para magpalipas ng oras.
Habang nagkukwentuhan kami ay nakuha ng isang napakagandang boses ang atensyon ko. (pls play Search for your love - three lights)
Ang ganda ng boses niya. Hindi ako nakatiis. Nilingon ko ang pinanggagalingan ng boses.
Hindi ko ma-explain pero parang unti-unting may nabubuong imahe sa isipan ko at parang nadadama ko ang ipinapahiwatig ng kanyang kinakanta.
"Oy Paul! Okay ka lang?" Sabay tapik sakin ni Michael.
"Type mo no? Ang ganda no?" Dugtong niya.
Hindi ako nakasagot pa at pinagpatuloy ko na ang pag-inom sa hawak kong bote ng alak.
Ilang araw ang lumipas. Laman parin ng isipan ko ang taong nakanta sa bar nung birthday ni Louie. Hindi nga halos ako makatulog tuwing gabi kakaisip sa kanya.
Ano kayang pangalan niya?
Saan kaya siya nakatira?Hindi na ako nakatiis. Pinuntahan ko yung bar. Gusto kong malaman ang pangalan niya. Gusto kong marinig muli ang boses niya.
"Sir ano pong order niyo?" Tanong sakin ng isang waiter na lumapit sakin.
Sinabi ko ang order ko. Hihintayin ko nalang na makita ko sa stage ang taong hinihintay ko.
Nakakatatlong bote na ako ng stallion pero hindi ko parin naririnig ang boses na inaantay ko - boses na gusto kong marinig.
"Isang bucket pa nga" muling sabi ko sa waiter.
Muling naglapag ng alak sa harapan ko ang waiter.
Aktong iaangat ko ang isang bote nung narinig kong muli ang boses na matagal ko na ulit gustong marinig.
Tangina! Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko. Patuloy ko lang siyang tinitingnan at pinapakinggan sa pagkanta. Hindi ko na nga halos mainom ang hawak hawak kong alak.
Nakailang kanta siya. Nakailang minuto rin akong nakatunganga sa kanya.
Bumaba siya ng stage. Kitang kita ko ang ngi sa kanyang mga labi. Ang sarap tingnan.
Tama! Sasalubungin ko siya. Kakausapin ko siya.
Dahan-dahan akong naglalad papunta sa kanya. Bumibilis ang tibok ng dibdib ko.
Malapit na ako sa kanya.
Ano ang sasabihin ko?
Ano gagawin ko?"Hi!" Bati ko sa kanya matapos niyang bumaba ng stage.
"Hi!" Ganting tugon niya sakin.
Tangna! Ang ganda niya!
"Pwede ba kita makau-"
"Hi! Kanina ka pa?" Bati niya sa isang taong papalapit sa kanya.
"Ayos lang. Tara.."
Tama ba ang nakikita ko? Si Jerome?
"Oy! Paul, namdito ka rin pala. Kasama mo ba tropa?" Nakangiting tanong sakin ni Jerome.
"Ah..Hindi. Napadaan lang ako. Naboboring kasi ako sa bahay" sagot ko naman sa kanya.
"Sige Paul. Alis na muna kami"
End of flashback
"Shot mo na pre" sabi sakin ni Allen.
Inabot ko ang basong may lamang alak at mabilis kong ininom iyon.
Katabi ko si Rachel. Ewan ko ba sa babaeng ito kung anu-ano ang pumapasok sa isipan. Daming gustong gawin.
Katulad kanina. Hindi kami nakasama sa pagpunta sa farm. Tinanong ko siya kung bakit. Pero ang sagot niya ay napakasimple.
"Hayaan mong isipin nila ang gusto nilang isipin - makakatulong sayo yun"
Yan ang sagot niya. Ang gulo no?
"Oh ikaw na Rachel" sabi naman ni Allen.
"Wala na bang itataas pa ito?" Tukoy niya sa basong hawak niya. Kasunod nun ay ang pagtawa niya."Eh kayo naman Jerome anong lagay niyo ni Den?" Diretsong tanong ni Allen kay Jerome habang nakaakbay kay Den.
Tangina! Ang sakit sa mata ng dalawang ito ah! Kung naglalabas lang ng apoy ang mga mata ko ay kanina pa tinupok ng apoy itong si Jerome!
Alam naman niyang sakin si Den eh!
Lagi nalang ba siya ang mananalo pagdating sa ganitong sitwasyon?Dati nagparaya na ako. Pero sa pagkakataong ito hindi na ako papayag! Kailangan ipaglaban ko na ang nararamdaman ko. Hindi dapat ako magpatalo at hinding hindi ako magpapatalo!
"Hoy Allen iayos mo ang tanong mo ah!" Sagot ni Den habang panay ang kain ng mangga.
"Oy Jerome sagutin mo yung tanong!" Singit naman ni Kerby.
"Kapag hindi mo sinagot yan iisipin ko na may pag-asa pa ako kay Den!" Sabi naman ni Brille habang ngasab ngasab ang mangga.
Tangnang to ah! Tataluhin pa ako!
"Ganito kasi yan guys..." Putol ni Jerome. Inangat niya ang basong may lanang alak ay kumuha ng manggang pulutan.
"Mahal ko si Den. Ginagawa ko pa ang lahat para makuha ko ang puso niya. Nililigawan ko palang siya" sagot ni Jerome.
"Ayieeeeeee!" Irit ni Kerby.
"Oy oy! Garabe kayo ah! Normal lang naman yon diba?" Nakangiting sabi ko Den.
Normal? Tangna! Den? Sa tingin mo normal ba ang nangyayari ngayon? Hindi! Hindi ko gusto to! Baka makapatay ako ng kaibigan ko sa unang pagkakataon!
"Kayo naman Rachel, musta ang lagay niyo ni Paul?" Tanong naman ni Allen kay Rachel.
"Kami? Ahh.. Okay naman. Nanliligaw siya. Pero, hindi naman dapat pang pagtagalin pa. Gusto ko naman siya" nakangiting sagot ni Rachel.
Takteng babaeng ito! Ano ba ang gusto nitong palabasin! Tiningnan niya ako. Kumindat siya.
"Paul wala ka ng ibang hahanapin pa diyan kay Rachel! Maganda, matalino at mayaman!" Singit muli ni Kerby.
"Ayos yan Paul!. Bagay kayo" nakangiti namang komento ni Jerome.
Tiningnan ko ang reaksyon ni Den. Nakangiti lang siya.
"Oo nga Paul! Sa tingin ko bagay kayo ni Rachel. Mayaman, matalino saka maganda. Sa tingin ko wala ka ng ibang hahanapin pa sa kanya" dugtong ni Den sa kanyang sinabi.
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)
RomanceAno nga ba ang maaring mangyari kung ang taong gustong manligaw sayo ay isang seloso, mayabang, at isang bully. Pero isa naman siyang ubod ng yaman at sikat na lalake. Hahayaan mo ba siyang makuha ka sa paraang maharas at sapilitan? Ako nga pala si...