Naniniwala na ako sa spark :)

22K 729 21
                                    

Pinagod ako sa hagaran namin ng mga stujante q. Hahaha! Ang saya. :) ako lagi pinag-iinitang habulin! Takteng mga yan! Nasira tuloy sapatos ko.

First PoV ko ito. Excited na ako. :)

Jerome Kier Rodriguez PoV

Hindi ko alam kung bakit ang bilis ng tibok ng puso ko. Ramdam na ramdam ko ang malambot na labi ni Den na nakakubli sa labi ko. Magkapatong ang labi namin.

Pakiramdam ko ay wala akong lakas para tanggalin iyon. Ang sarap sa pakiramdam. Yung pakiramdam na bigla ko nalang nakita ang hinaharap ko kasama siya.

"I'm sorry..." Sabi niya matapos niyang alisin ang pagkakalapat ng labi niya. Mabilis siyang tumakbo palabas ng kinalalagyan namin.

Natigilan ako nung makita ko kung sino ang taong nasa harapan ko. Si Paul at may kasamang babae. Nakatitig siya sakin. Yung tingin na parang binabasa niya ang nilalaman ng isipan ko.

Siguro nagtataka kayo kung bakit nandito ako ngayon. Ganito kasi yun.

Flashback (Pagkatapos kong ihatid si Den sa bahay nila)

"Uy Jerome!" Tawag sakin ni Robert.
"Ou pre! Musta ba?"

Matagal na kaming magkakilala ni Robert. Naging classmate ko siya nung highschool. Palagi ko nga siyang kasama sa kalokohan eh. Pilyo rin kasi itong taong ito.

"Upo muna tayo" yaya niya sakin.

Naupo kami sa tapat ng isang tindahan. (Norvie's Store) inabutan niya ako ng isang boteng RH at tinanggap ko naman iyon.

"Ba't ka naman napadpad dito?" Tanong niya sakin habang kumakain ng boy bawang.
"Hinatid ko lang si Den. Galing nag-mall kasi kami kaya eto ginabi" sagot ko naman sa kanya.

Nagpatuloy kami sa kwentuhan hanggang sa umabot kami sa pangatlong bote ng RH.

"Kung di ako nagkakamali, kaibigan mo yung si Paul diba?"
"Oo pre. Bakit? Binubully karin ba nung lokong yun? Hahahaha" sagot ko sa kanya.
"Hindi pre. Nakainuman kasi namin siya at sinabi niyang nanliligaw siya kay Den. Hindi nga ak-"
"Seryoso ka ba? Palagi ba siyang napunta dito? Kailan siya huling nagpunta? " putol ko sa sinasabi niya.

"Teka boy.. Easy. Isa-isa lang tanong"

Sinabi niya sakin ang nangyari. Totoo pala ang hinala ko na nililigawan ni Paul si Den. Wala naman akong dapat ipag-alala kasi sinabi rin ni Paul na pinagpapanggap niya lang na syota niya si Den para hindi siya ireto ng ireto ng kanyang kapatid.

Aaminin ko sanyo pero wag kayong maingay ha. Unang beses ko palang nakita si Den ay nagustuhan ko na siya. Ewan ko ba. Kahit ako nagtataka sa sarili ko eh. Bakit sa dinami-dami pa ng babaeng pwede kong magustuhan ay si Den pa at hindi pa babae.

Nung una hindi ko magawang yayain siya lumabas kasi nahihiya ako at bago palang ako sa ganitong sitwasyon. Pero napagdisisyunan ko na kailangan gawin ko ang dapat para maramdaman niya yung nararamdaman ko.

Naikwento ni Robert sakin na may barkada gala sila sa EK. Niyakag niya ako at sinabi kong baka mauna na ako don kasi pupunta rin kaming magkakaibigan don.

End of Flashback

Hanggang ngayon ay lulan parin ng isipan ko ang nangyari samin ni Den. Napapangiti ako sa twing naiisip ko yung nangyari. Ang baduy o korni pero totoo. Siguro nabigla lang siya kanina kaya tumakbo siya. Parang nawala ngang bigla ang sakit na nararamdaman niya sa paa niya eh.

Naniniwala narin ako sa sinasabi nilang spark. Oo! Promise! Nung magdikit yung mga labi namin kanina ay nakaramdam ako na parang may dumaloy na kuryente sa katawan ko. Yung pakiramdam na hindi ko maintindihan at hindi ko maipaliwanag. Tapos yung tibok ng puso ko, naririnig ko. Yung ang bilis bilis at parang may naglalaro ng basket sa loob ng dibdib ko. Ganung-ganon ang nararamdaman ko.

Natigil ang pag-iimagine ko nung nakita ko si Paul na naglalakad at parang may hinahanap. Sinundan ko siya ng tingin. Tama! Si Den ang hinahanap niya. Ang ibig sabihin silang dalawa ang magkasama at hindi yung babaeng kayakap niya kanina.

Aba! Teka, parang hindi maganda ang tinatakbo ng isipan ko. Nag-o-overacting na yata masyado ang puso ko at sinasabing nakakaramdam na ako ng selos.

Palihim ko siyang sinundan. Nakita kong naupo siya sa kinalalagyan ni Den at ng isang bata. Hindi ko kilala yung bata pero parang hawig niya si Den.

Walang nagsasalita sa kanila kasi hindi nabuka ang bawat bibig nila at hindi sila nagtitinginang dalawa. Sa bata lang nakatuon ang atensyon ni Den na patuloy sa pagkain ng cotton candy.

"Jerome anong ginawa mo diyan?" Sita sakin ni Robert. Bigla akong nakaramdam ng hiya nung mapagtanto ko kung ano ang itsura ko.

Nakatago ako sa likod ng isang puno at nakatuon ang direksyon kay Den at kasama nito.

"Ah wala. Medyo napagod lang kaya naisipan kong magpahinga dito. Tara dun tayo!" Yaya ko sa kanya para mawala na sa isip niya ang nakita niya.

Sana hindi niya napansin sila Paul na nasa kabilang side ng kalsada. Ano ba yan! Nakakaparanoid pakiramdam ko sa mga tingin ni Robert ay nababasa niya ang nasa isipan ko..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Ako na o-order" narinig kong sabi ni Paul kay Den. Hindi sumagot si Den at pakiramdam ko ay may malalim siyang iniisip. Nakatitig ako sa kanya. Tulala siguro ang tamang term sa dapat kong sabihin. Ewan ko ba anong klaseng gayuma kaya ang ginamit sakin ng taong ito at gustong-gusto kong napapalapit sa kanya.

Bigla siyang tumingin sakin. Hindi ko na nagawang alisin ang pagkakatitig ko sa kanya. Nginitian niya ako at ibinalik niya ang tingin sa kanyang cellphone.

Kunin mo na number niya!

Sabi ng isipan ko. Tama! Kukunin ko ang number niya para makakatext ko siya sa tuwing hindi kami magkasama.

"Den pwede ko ba-"
"Kapag kulang pa sabihin mo lang sakin" biglang singit ni Paul dahilan para maputol ang dapat kong sasabihin.

Nagsimula na kaming kumain. Kwentuhan at lokohan ang nangyari samin. Napansin kong iba ang tingin ni Hannah kay Paul. Kung hindi ako nagkakamali siya yung kasama ni Paul kanina sa loob ng horror house.

Naramdaman kong biglang nag-init ang mukha ko nung maalala ko iyon. Yun yung oras na nagdikit ng hindi inaasahan ang mga labi namin ni Den.

Kinikilig ako. Ang saya ko.

"Papa P may girlfriend ka na?" Malanding tanong ni Hannah kay Paul na naging dahilan ng biglang pagtahimik naming lahat.

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon