The one that you love
Chriden PoV
Nakakapagod ang biyahe pero sulit naman. Nag-enjoy talaga ako dun. At isa pa, ang dami kong uweng mangga! Hahaha! Ang saraaap!
Nakita na kaya ni Jerome yung nilagay ko sa bag niya? Hindi ko kasi maibigay ng personal sa kanya. Nakakahiya. Sana maappreciate niya.
Pagkatapos ng klase namin kay Mam Alvero ay nagpunta na kami ni Sheryl sa cafeteria. Tutal vacant naman kaya pwede kaming tumambay na muna at kumain.
Habang naglalakad kami pababang hagdan ay biglang may nakabangga sakin at na-out-of-balance ako kaya napaupo ako sa sahig.
Mabilis kong kinapa ang likuran ko para i-check kung tama ba ang hinala ko.Napamura nalang ako nung nakumpirma kong tama ang hinala ko. Basag ang cellphone ko. Buset na lalakeng iyon! Hindi ba niya alam na hindi pa ako tapos sa binabasa ko sa wattpad!? Hindi ba niya alam na ilang chapters nalang ay matatapos ko na iyon! Buset! Pwede naman sa ibang araw niya ako banggain bakit ngayon pa! Hindi pa niya pinatapos sakin ang binabasa ko!
Hanggang sa makaupo kami dito sa cafeteria ay buset na buset parin ako!
Binati ako nila Brille pero tiningnan ko lamang sila. Wala ako sa mood makipagbiruan. Napansin ko kasing nakangisi si Brille kaya pinangunahan ko na ng hindi magandang pustura."Hey! Eto oh!" Sabi ng pinakapamilyar na boses na lalaki sakin. Kasunod nun ay ang paglapag niya ng marshmallows. Teka!? Marshmallows!? Makita ko palang ang pagkain na ito naglalaway na ako. Shit! Kailangan ko munang pigilan ang sarili ko para naman hindi obvious at para hindi rin ako mapahiya.
Paano kaya nalaman ng taong iyon ang paborito ko?
Hindi ron nagtagal ay umalis na ang magkakaibigan. Naiwan kaming dalawa ni Sheryl.
"Oh! Kunwari ka pa! Lamunin mo na yan! Kanina pa palunok lunok yang leeg mo!" Biglang sabi ni Sheryl habang panay ang kalikot sa kanyang cellphone.
"Ayaw mo?" Tanong ko kay Sheryl habang sinisimulan ko na ang pagkain sa marshmallow.
"Halatang ayaw mo akong bigyan ah! Imbis na gusto ang ialok mo sakin ay ayaw talaga ang sinabi mo! Mahirinan ka sana!" Pabalang na sagot niya.
Hindi ko na napansin na nawala na ang badmood ko. Hindi narin namin napansin ni Sheryl na hindi na pala kami nakapasok sa next subject namin dahil sa daming kalokohan na ginagawa ni Sheryl. Abnormal talaga itong babaeng ito eh!
Napagpasyahan naming hindi na pumasok at nagpunta nalang kami sa tambayan namin sa likod ng school. Dun sa pinag-iinuman namin dati. Naupo kaming dalawa at umorder ng san mig light at ihaw ihaw.
"Den pwede ba akong magtanong sayo?" -Sheryl.
"Aba! Nagtatanong ka na nga eh nagpapaalam ka pa! Saka kung itatanong mo sakin kung sino ang nagnakaw ng bagong keyboard ni Maam, sasagutin na kita agad! Hindi ako!" Mahabang sagot ko sa kanya sabay angat sa bote.
"Tangnamo! Ako nagnakaw nun! Sira kasi keyboard sa bahay namin!" Bulyaw niya sakin pagkatapos ay sabay kaming tumawa.
"Seryoso yung tanong ko" muling sabi niya at halata ang pagkaseryoso sa kanyang mukha.
"Oh ano yun? Siguraduhin mong hindi kalokohan yan ha!" Paniniguro ko sa kanya.
"Paano mo malalaman kung sino talaga ang tinitibok ng puso mo?" Tanong niya sa napakaseryosong mukha.
Napatigil ako sa narinig kong iyon sa kanya. Nailapag ko ang dapat sanang tutunggaing kong bote.
Napaisip ako.
Ewan ko ba pero parang gusto ko rin biglang itanong iyon kay Sheryl.
Gusto ko rin makarinig ng sagot.
Gusto ko rin magtanong.Paano nga ba malalaman kung sino?
"Oh bakit bigla ka nalang natanga diyan? Teka kuha pa ako ng san mig" ani ni Sheryl.
Bigla kasi akong natulala.
Pakiramdam ko ba ay gusto ko rin malaman ang kasagutan sa tanong na iyon.Nakabalik agad si Sheryl. May dala itong apat na bote ng san mig at anim na stick ng marlboro.
Kumuha ako ng isang stick at mabilis ko itong sinindihan.
"Bakit She? Ano ba problema?" Pagbabalik ko ng tanong sa kanya. Wala kasi talaga akong maisip na isagot sa kanya.
"Ganito kasi yun..." Panimula niya.
"May boyfriend ako ngayon, malambing siya. Maalalahanin, maasikaso, yung tipong lahat ng hahanapin mo sa isang lalaki ay nasa kanya na. Magkasama kami palagi, naibibigay niya ang mga gusto ko. Kahiy nga hindi ko gusto binibigay niya parin sakin..." Mahabang kwento niya. Tumigil siya para inumin ang nasa harap niyanh alak.
"Oh eh ano namang problema mo dun? Choosy ka pa?" Pang-aasar ko sa kanya.
"Tangnamo! Patapusin mo muna ang kwento ko bago ka magsalita!" Sabi niya sakin. Napatawa nga ako eh. Seryoso talaga ang babaeng ito.
"Pero kahit na ganoon kami ay pakiramdam ko ay may kulang... Yung pakiramdam na hindi ako kuntento. Hindi ako masaya. Tapos may ibang taong pumapasok palagi sa isipan ko. Hindi ko naman masabi kung gusto ko ba yung taong iyon kasi wala naman kami. Magkaibigan lang kami." Dugtong niya sa kanyang sinasabi.
Takte! Bakit ganito? Bakit parang alam ko ang pakiramdam na nararamdaman ni Sheryl?
"Sa tingin mo? Ano gagawin ko?" Muling tanong sakin ni She.
"You know She all you have to do is..."
"Tangnamo! Wag mo ako english-in! Wala akonh maiintindihan! Tagalugin mo!" Bulyaw niya sakin.
Napatawa tuloy ako ng bigla sa sinabi niya."Alam mo She, ang kailangan mo lang gawin ay ang maging tapat. Sabihin mo ang totoo sa boyfriend mo. Maging patas ka. Huwag mo rin lokohin ang sarili mo. Pakiramdaman mong mabuti kung sino at ano ba talaga ang gusto mo.. Walang masama sa pagsasabi ng totoo. Gawin mo ang mga bagay na alam mong makakapagpasaya sayo. Kapag nagawa mo iyon, sigurado ako magiging masaya ka at malalaman mo kung sino ba talaga ang nilalaman ng puso mo" mahabang sabi ko sa kanya. Hindi ko alam kung saan ko kinuha ang mga sinabi ko. Kusang nalang lumabas sa bibig ko.
"Pak na pak ka talaga! Bigyan ng jacket at 5 thousand pesos! Kasama ng cherry mobile!" Nakakagulat na sigaw ni She. Kahit kailan talaga hindi na marunong mahiya itong babaeng ito.
Nagpatuloy kami sa pag-iinom. Hindi naman kami naglalasing. Nagpapalipas lang ng oras at alam ko ginawa lang ni She iyon para mapag-usapan namin ang problema niya.
"Oh pano Den? Kitakits nalang. Ingat ka pag-uwe" paalam sakin ni Sheryl matapos sumakay ng bus pauwe. Kumaway na ako sa kanya.
Hindi nagtagal ay may tumigil na sasakyan sa harap ko. May naalala tuloy akong bigla. Dito rin kasi nangyari yun dati.
"Hindi ka raw masusundo ni Jerome. Tinawagan niya ako at pinakiusapan para sunduin ka"
"Ha?" Takang sagot ko.
"Sakay na. Sigurado ako trapik na sa tejero ngayon" nakangiting sabi sakin ni Paul.
Author: malapit na matapos ang book 1. :) ihihiwalay ko pa po ba ang book two o continue nalang? :)
Hit like/comment po. Salamat! :)
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)
RomanceAno nga ba ang maaring mangyari kung ang taong gustong manligaw sayo ay isang seloso, mayabang, at isang bully. Pero isa naman siyang ubod ng yaman at sikat na lalake. Hahayaan mo ba siyang makuha ka sa paraang maharas at sapilitan? Ako nga pala si...