Love of my life.
Chriden PoV
Eto nanaman ako. Hindi nanaman ako makatulog. Paikot-ikot na uli ako dito sa higaan ko ay ayaw parin ako dalawin ng antok.
Hindi kasi mawala sa isipan ko ang sinabi ni Paul kanina.
Flashback
Sa pangalawang pagkakataon ay ipinakilala ako ni Paul sa kanyang magulang at sa kanyang mga kapatid. Katulad dati ay kwentuhan habang nasa harapan kami ng hapag-kainan.
"Ahmm nagpaplano kaming bisitahin ang lolo nila Paul. Why don't you come with us" nakangiting yaya sakin ng mama ni Paul.
"Ahmm.. Pasens-"
"Sasama siya Ma." Putol ni Paul sa sasabihin. Buset na lalaki ito ah! Pinapangunahan nanaman ako!"Mabuti kung ganon" mahinahong ani naman ng papa nila.
Jusko! Eto nanaman yung pakiramdam na sinisilihan ang pwet ko. Kapag talaga magulang ni Paul ang kaharap ko, nakakakaba. Parang mga strikto. Nakakatakot.
Matapos namin kumain ay dinala ako sa garden ni Paul. Naglalakad lakad. Sa totoo lang namiss ko tong lugar na ito.
Nung unang beses kasi akong magpunta dito ay ganito rin. Nagpunta rin ako dito sa garden. Gustong gusto ko kasi ang lugar na maraming puno at halaman. Nakakarelax.
"You like it?" Biglang tanong sakin ng kasama ko.
"Ako nga eh wag mong ma-english english! Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa mo kanina sa cafeteria!" Biglang sagot ko sa kanya.
"Bakit!? Anong masama sa ginawa ko?" Maang maangan na sagot niya.
Aba! Ako pa ang ginawang tanga ng taing ito! Tingin nya sakin! Akala niya hindi ko alam na gagamitin nanaman niya ako para hindi siya ireto ng ireto ni Ate Taniya! Utut nya pula!
"Bakit tingin mo ba hindi ko alam na katulad lang ng dati itong ginagawa mo! Ginagamit mo nanaman ako para hindi ka ireto ng ate mo sa mga kaibigan niya!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa sinabi kong yan.
"Katulad? Iba naman ang sinabi ko kanina ah!" Pabalang na sagot niya.
"Iba!!? Eh parehong pareho! Wag mo akong gawing tanga Francisco!" Galit na sabi ko sa kanya.
Napansin kong nagpapangiti ngiti siya matapos kong sabihin ang pangalan niya.
"Gusto mong malaman ang pinagkaiba ng sinabi ko dati at ngayon?" -Paul.
Hindi ako sumagot pero pinahiwatig ko sa kanyang gusto kong marinig ang sasabihin niya.
"Dati ang sinabi ko kay Ate Syota kita, kanina ang sinabi ko Boyfriend kita" seryosong sagot niya.
Abnormal pala itong lalaking ito! Eh pareho lang naman yun ah! Gagawin pa ako nitong tanga!
"This time - its different" mahinang sabi niya. Matapos nun ay niyapos niya ako. Mahigpit. Matagal.
"I Miss You So Much" mahinang bulong niya sakin.
End of Flashback
"Hoy Den! Wala ka bang balak gumising diyan! Kanina pa may nag-aantay sayo sa ibaba!" Gising sakin ni Mama.
Teka may pasok ako ngayon ah! Imposible namang si Sheryl ang nandito sa bahay.
"Ma sino daw?" Tanong ko habang kinukusot ko ang mata ko.
"Manliligaw mo daw!" Mabilis na sagot ng nanay ko. Pero sa pagkakataong ito ay malumanay ang pagkakasagot niya.
"Manliligaw?"
Jusko naman! Anong klaseng trip ito mama!
Mabilis akong lumabas ng kwarto ko.
Bigla nalang akong napatigil sa paglalakad nung nakita ko si Paul na nakaupo sa sofa namin."Oh bakit nandito ka?" Tanong ko sa kanya.
"Sinusundo kita" sarkastikong sagot niya.
"Sinusundo? Bakit lumpo ba ako? Lakad na! Kaya kong pumasok mag-isa!" Pabalang kong sagot sa kanya.
"Hindi ako aalis dito kapag hindi ka sumabay sakin" diretsong sabi niya sakin.
Ano bang klaseng tao ito!
Kagabi ang bait bait ngayon naman bumalik ang pagiging abnormal!"Sasabay ka rin pala" nakangisi niyang sabi nung nasa loob na kami ng kanyang sasakyan.
Bakit ba may mga ganitong klaseng tao? Yung hindi ko alam yung takbo ng isipan pa! Pabagu-bago!
"Sige! Papasok na ako!" Sabi ko sa kanya matapos namin bumaba ng sasakyan.
Habang naglalakad ako ay nakita ko si Jerome.
Ano ba ang dapat kong sabihin?
Ano ba ang dapat kong maging reaksyon?"Oy Den! Long time no see!" Bati sakin ni Jerome na parang walang nangyari.
"Oo nga eh. Tagal mong di nagpakita ah! Busy ka yata?" Nakangiting tanong ko sa kanya.
Napatigil kami sa paglalakad sa tabi ng bleachers dahil sa kwentuhan namin. Ayos itong pakiramdam na ito. Parang wala lang. Magaan ang pakiramdam ko ngayon. Ramdam ko rin iyon kay Jerome.
"Free ka ba mamaya? Treat kita." Nakangiti kong tanong kay Jerome.
"Tamang tama wa-"
"Akala ko ba papasok ka na? Bakit nandito ka pa!?" Biglang sabi ng taong masa likod ko.
"Hey Paul! Nandiyan ka pala" bati ni Jerome kay Paul.
"Eh bakit ba marunong ka pa sakin? Papasok ako kung anong oras ko gusto!" Sagot ko sa kanya. Kakabadtrip kase!
"Huwag mong antayin na buhatin pa kita hanggang sa room niyo!" Pagbabanta niya sakin. Hindi niya inintindi ang pagbati sa kanya ni Jerome.
"Mukha mo! Tara na nga Jerome! Agang aga masisira ang araw ko dito sa impaktong to!" -Ako
Magsasalita pa sana ako nung biglang naramdaman ko ang sarili ko na nakaangat na. Buhat buhay ako ni Paul.
"Ibaba mo ako! Ibaba mo ako!" Sigaw ko sa kanya. At si Jerome tawa lang ng tawa sakin.
"Huwag ka ngang maingay! Nakakarindi ka!" Sagot niya sakin habang patuloy na naglalakad habang buhat buhat ako.
"Ibaba mo ako Francisco! Humanda ka sakin!" Sigaw ko ulit sa kanya. Pero hindi niya ako iniintindi. Patuloy siya sa paglalakad papunta sa room ko.
"Abnormal kang impakto ka! Kapag ako nakababa dito lagot ka sakin!" Pagbabanta ko sa kanya.
Pumasok sa loob ng room namin si Paul habang buhay buhat niya ako. Nakita kong naagaw ng lahat ang atensyon ng mga kaklase ko dahil sa ginagawa ni Paul.
"Ibaba mo ako! Ibaba mo na ako!" Muling sigaw ko sa kanya.
Ibinaba niya ako sa tapat ng isang bakanteng upuan.
"Ayokong nagseselos ako! Sabay tayong uuwe mamayang hapon!" Sigaw niya sakin bago siya lumabas ng room namin.
Author: Mag-isa akong nagiinom ngayon. :) Loner ang peg ko.
Update pa po ba?
:)
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)
RomantikAno nga ba ang maaring mangyari kung ang taong gustong manligaw sayo ay isang seloso, mayabang, at isang bully. Pero isa naman siyang ubod ng yaman at sikat na lalake. Hahayaan mo ba siyang makuha ka sa paraang maharas at sapilitan? Ako nga pala si...