Can you do me a favor? -Lolo

10.1K 372 17
                                    

Angel of mine.

Paul Francisco PoV

Sana tama itong ginagawa ko. Sana hindi ko pagsisihan ito.

Flashback

"Sir pinapatawag po kayo ng lolo nyo"

Mabilis akong lumabas ng kwarto at nagtungo kay Lolo.

"Maupo ka" seryosong sabi ni Lolo habang hawak hawak ang kanyang tabako.

Takte! Kinakabahan ako. Parang alam ko na kasi ang pag-uusapan namin ni Lolo. Hindi naman ako tanga para hindi makuha ang ibig niyang sabihin sa mga kinikilos at pahiwatig niya.

"Binatang binata ka na Paul Francisco ah!" -Lolo.

Wala akong maisagot sa kanyang sinabi. Tahimik lang akong nakaupo at nag-aantay ng kanyang mga sasabihin pa.

"Kumusta na ang mga kaibigan mo?"

"Okay naman po Lolo. Ganoon parin. Madalas parin po kami magkasama sa school at sa mga gimikan."

"Yung bang kasama mo ngayon, Den nga ba pangalan? Kaibigan mo rin yun diba?" Diretsong tanong ni Lolo sakin matapos humithit ng hawak niyang tabako.

Kaibigan ko? Si Den! Hindi lolo! Si Den ang pinaka-importanteng tao sa buhay ko ngayon lolo!

"Opo." Tipid kong sagot.

Wala naman kasi akong ibang choice. Kailangan ipagkaila ko ang nararamdaman ko para sa kanya dahil si Lolo ang kausap ko. Alam ko ang ugali ni Lolo.

"Kwentuhan mo nga ako tungkol sa kanya. San siya nakatira? Ano trabaho ng magulang niya? Basta tungkol lahat sa kanya" muling sagot ni lolo.

Ano nga ba ang ikukwento ko? Kailangan ko bang magsinungaling kay Lolo?

Bahagya akong napaisip.
Parang wala akong lakas ng kalooban para gumawa ng kwento para lang maibida ko si Den kay Lolo.

Bahala na.

"Ahh.. Nakilala ko po si Den sa school, nagkataon po kasing may nakainitan ako ng ulo. Bigla po niya kaming inawat at sinigawan niya po ako. Sabi niya sakin bastos daw ako.." Bahagya akong napatigil dahil sa napapangiti ako sa kinukwento ko. Sariwa pa kasi lahat sa isipan ko ang mga nangyari samin ni Den.

"Sir coffee po" biglang sabi ng katulong matapos ilapag ang kape sa mini table na nasa harapan ko.

"Pagkatapos ng insidenteng iyon Lo, naging madalas na ang pagtatagpo namin. Napakasungit nga niyan eh!" Napatigil ako dahil sa pagtawa ko ng malakas.

"Tapos biglang dumating si Ate Taniya sa school at katulad ng dati ay kung kani-kanino ako nirereto. Hanggang sa bigla ko nalang nahablot ang kamay ni Den at bigla ko siyang hinalikan..."

Bigla akong napatigil sa pagkukwento ko nung marealize kong si Lolo nga pala ang kausap ko. Takte! Hindi ko napigilan ang sarili ko sa pagkukwento. Pati yung bagay na iyon ay naikwento ko.

"And then what happened?" Tanong ni Lolo.

Hindi ako makatingin sa kanya. Hindi ko magawang makita ang mukha niya dahil alam kong hindi maganda ang pustura nito.

Hindi ako nagpahalata kay Lolo. Ikinuwento ko sa kanya lahat. Lahat lahat. Pati yung nangyari kay Jerome.

Hindi ko na nga rin napansin na sa tuwing kinukwento ko ang tungkol kay Den ay napapangiti ako.

Hindi ko rin kasi mapigilan ang kiligin. Ewan ko ba. Ang saya sa pakiramdam kapag naikukwento ko ang mga pinagdaanan namin ni Den.

"Can you do me a favor?" Diretsong tanong sakin ni Lolo.

Tangina! Eto na! Ramdam ko na yung hindi magandang sasabihin ni Lolo. Iba na kasi ang tono ng pananalita niya.

Nagsimula ng magkomento si Lolo. Nakikinig lang akonsa kanya. Sa lahat ng sinasabi niya.

"Lolo!!!?" Gulat kong reaksyon.

"Bakit? Ayaw mo ba!?" Pagalit niyang sagot sakin.

Takte naman oh! Napakaraming pwedeng gawin o ipagawa sakin yun pa! Hindi ko naman kayang iwasan si Den eh! Mahal na mahal ko siya!

Pero wala akong magagawa. Si Lolo ang nagsabi at humiling ng pabor. Wala akong kakayahan para pangunahan si Lolo sa mga bagay na gusto niyang gawin.

"Sige na. Dun ka sa kabilang kwarto matulog. Ayokong magkatabi kayo ni Den!" Sabi ni Lolo at mabilis na akong lumabas ng kwarto niya.

End of Flashback

Nandito na ngayon ako sa bahay namin sa Cavite. Hindi ko narin kasi magawang itext o tawagan si Den dahil iyon ang bilin sakin ni Lolo. Kpag daw nalaman niyang sumuway ako malilintikan daw ako sa kanya.

Bago kami mag-usap ni Lolo ay naisipan ko ng tawagan si Jerome. Sinabi kong sumunod siya samin sa baguio dahil alam kong maiisipan ni Den na umalis ng bahay at alam kong siya ang unang kokontakin ni Den. Masakit man para sakin pero wala akong magawa. Iniisip ko lang ang kalagayan ni Den.

Isang linggo nalang. Isang linggo nalang ang sinabi sakin ni Lolo.

Ano kaya ang mangyayari!?

Sana maging masaya ako.

author: sori. Late update. First week po ksi ng school. Dami nag-eenroll.

Pengeng comments and votes.

Malapit na book 2 :)
Ayieee! Di nko makapag-intay. :)

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon