Anything for love
Jerome Kier PoV
Mukhang alam na alam ni Paul ang kiliti ni Den ah. Naglapag kasi siya ng marshmallows sa table nila Den. Sa pagkakaalam ko kasi bukod sa mangga ay pinakapaborito talaga ni Den ang marshmallows.
Nandito ngayon kami sa kabilang dulo ng cafeteria. Kwentuhan at asaran kasama ang tropa. Napapansin ko rin na parang bumalik na yung dating ugali ni Paul. Hindi na malamig ang pakikitingo niya sakin.
"Oh tahimik ka diyan Jerome?" Puna sakin ni Allen.
"Ah wala. Bigla kasing nagtext si Daddy. May family dinner daw kami mamaya" pagpapalusot ko nalang sa kanya.
Muli akong tumingin sa kinaroroonan nila Den. Nakita kong kumakain na siya ng marshmallows at nakakatawa na habang kausap si Sheryl.
Kailan kaya siya ngingiti ng ako ang dahilan?
Hindi rin nagtagal ay nagsibalikan na kami sa kanya kanya naming classrooms.
Lulan ang isipan ko habang nasa loob ako ng classroom. Wala akong naiintindihan sa dinidiscuss ng prof. Si Den lang kasi ang laman ng utak ko. Gusto ko siyang mapasaya. Gusto ko siyang maging masaya na ako ang dahilan. Ganoon ko siya kamahal.
Hindi ko namalayan na natapos nalang ang aming klase ng ganoon nalang. Wala eh. Wala talaga ako sa sarili ko.
Habang naglalakad ako papuntang parking area ay kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa ko. Mabilis kong hinanap ang pangalan niya.
"Pre.." Sagot niya sa kabilang linya.
"Can you please do me a favor? Pakisundo na muna si Den. May importanteng lakad lang ako. Maraming salamat" sabi ko sa kanya. Hindi ko na siya pinagsalita pa.Matapos nun at mabilis ulit akong nagdial sa cellphone ko.
"Kerby, antayin mo ako diyan sanyo. Mag-iinom tayo" -ako.
"Ha? Bakit? Tek-" hindi ko na siya pinatapos magsalita at mabilis ko naring ini-off ang phone ko.
Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko pero gusto ko muna mag-isip. Gusto ko munang alamin kung ano ba talaga ang dapat kong gawin.
Mahal ko si Den. Totoo yun.
Kung bibigyan nga lang ako ng kahilingan sa pagkakataong ito ay hihilingin ko na sana ay magkasama na kami ni Den sa iisang bahay at magkasama kami habangbuhay. Ganoon ko siya kamahal. Sobra. Sobra sobra."Oh tol pabigla bigla ka naman!" Bati sakin ni Kerby.
Naupo na ako at nagsimula na kaming mag-inom. Kwentuhan. Pinipilit ko nalang huwag ipahalata sa kanya ang dahilan kung bakit bigla bigla akong nagyakag maginom.
"Gusto mong pag-usapan? Pwede kang magkwento sakin" seryong sabing bigla sakin ni Kerby.
Natigilan akong bigla sa sinabi niya. Ganoon ba ako ka-obvious?
"Tungkol ba ito kay Den?" Muling tanong niya sakin.
"Ano ka ba pre! Hahaha. Anong klaseng tanong ba yan" sabi ko nalang sa kanya.
"Kilala kita Jerome. Kaibigan kita. Pwede kang magkwento sakin." Muling sabi niya.
"Alam mo pre, this is the very first time na maramdaman ko ito. Yung pakiramdam na excited kang gumising ng maaga kasi alam mong makikita mo siya, yung excited ka sa bawat tunog ng cellphone mo kase alam mong text niya yun. Yung pakiramdam na lahat ng ginagawa mo ay may dahilan." Mahabang kwento kp sa kanya. Kinuha ko ang bote ng alak sa tapat ko at mabilis kong tinungga iyon.
"Hindi ko alam pero...pero napakasaya ko sa tuwing kasama ko siya. Korni man pero nagkakakulay ang mundo ko kapag kasama ko siya. I want to be with him. I can give up everything just for him" dugtong ko saking sinabi.
"So whats the problem?" Mahinahong tanong niya sakin.
"Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay may hindi tama. May kulang. May mali." Mabilis kong sagot sa kanya. Pinipilit kong pigilan ang sarili ko sa pag-iyak pero...pero wala akong nagawa. Kusang tumutulo ang mga luha ko. Nasasaktan ako sa bagay na hindi naman dapat makaapekto sakin.
Hindi pa ako lasing. Pero bakit nagiging emosyonal ako?
Ganito ba talaga kapag apektado ng pag-ibig?
Muli kong kinuha ang bag ko at kinuha ang papel na matagal ko ng tinago sa bulsa ng bag ko.
Binasa kong muli iyon.
Hey bro! Gulat ka no? Hahaha!
I just want you to know that I am happy to be one of your bestfriends. I always treated you as my brother, you know that. Kapag may kaaway ka - kaaway ko rin. Yung pagkain mo - pagkain ko rin. Yung kotse mo - kotse ko rin. Lahat ng bagay na pagmamay-ari mo - pagmamay-ari ko na rin. Lahat ng bagay na meron ako - pagmamay-ari mo narin. Ganoon tayong dalawa. Bestfriends eh. I trust you.
I just want you to know that I really do love Den. I can sacrifice all I have for him - everything. Hindi ko sinasabing ibigay mo siya sakin - I just want you to know that I will fight for him. He's my happiness. He's my life - he's my everything.
So, may the best man wins.
I just want to be fair with you.See you.
Paul.
Ewan ko ba pero habang binabasa ko muli ito ay naiimagine ko si Den. Naiimagine ko ang mukha niya - na masaya siya.
I just want to make him happy.
May laban ba ako?
Dapat ko ba siyang ipaglaban?"Love is happiness, right?" Nakangiting sabi ni Kerby.
"Make him happy. Kapag napasaya mo kasi ang isang tao ibig sabihin mahal mo siya - importante siya sayo. Fight for what you feel" dugtong niya.
Tama nga si Kerby. Kapag mahal mo ang isang tao wala kang ibang hahangarin sa kanya kundi ang pagiging masaya niya. Papasayahin kita Den. Ibibigay ko lahat para sayo - lahat lahat. Kahit ano.
Author: bukas na uli ako makakapag-update. Nilaseng ako ni Lloyd eh. Hahaha! Si Francisco? Ayun! Tulog! Hahahahaha! Si Jerome naman eto txt ng txt sken. Sabi ko pumunta siya dito para shot kami. :) papunta na daw. Ang bilis. Hahahaha!
Ready na kayo sa book 2? Dami na bagong character - pero si Jerome stay parin. :) mahal ako niyan ee. Hahahaha!
🤗🤗🤗
Pls. Vote and comment.. Pls pls pls :) thanks.
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)
RomanceAno nga ba ang maaring mangyari kung ang taong gustong manligaw sayo ay isang seloso, mayabang, at isang bully. Pero isa naman siyang ubod ng yaman at sikat na lalake. Hahayaan mo ba siyang makuha ka sa paraang maharas at sapilitan? Ako nga pala si...