Gusto kong magpa-lobotomy!

22.5K 729 58
                                    

Nakakapagoooood! :( hayy... Gusto ko ng marshmallow. May Fieldtrip kami - EK! Hahaha! Walang kasawa-sawa!

Chriden PoV

Impakto calling...

Impakto calling...

Hindi ko talaga iyon sinasagot. Hindi ko rin kase alam kung ano ang sasabihin ko.

Bakit ba kasi hindi ko napigilan ang sarili kong magsalita ng ganun.

Nasasaktan ba ako sa narinig kong usapan nila? Na may...may... Leche! Wala naman talaga akong pakialam kahit sino pa ang kasama niya! Saka bakit ako magagalit? Hindi ko naman siya boyfriend!

Walangyang yan! May nalalaman pang pabigay-bigay ng bulaklak at chocolates! Lulunin niya!

"Sino bang kausap mo!?" Puna saken ni Mike.
"Huh?"
"Ang lakas kaya ng bibig mo! Sino bang nagbigay ng bulaklak?" Singit naman ni Robert.

Iniba ko nalang ang usapan. Ayoko kasi talagang pag-usapan pa eh. Nagpatuloy ang walang kwenta naming inuman at kwentuhan. Naikwento ni Mike na magkakaroon ng paliga ng basketball dito sa barangay namin. Tamang-tama! Sigurado akong malilibang ako dun! Hahaha! Alaman na!

Nagkwento naman si Robert tungkol sa pinaplanong gimik ng tropa. Gusto nilang mag-EK at sinasama kami. Sinabi kong pag-iisipan ko. Ang totoo niyan ay wala akong pera pambayad sa entrance. Hahaha! Syempre kapag nagpunta don dapat mat extrang pera din - pano kapag nagutom? Pano kapag may nagustuhan? Oh diba? Ayoko naman maging muntanga dun at mangabang sa mga kasama ko!

"Den may bisita ka" sabi ni mama.

Tatayo na sana ako para puntahan kung sino mang nilalang na yon pero hindi na pala kailangan. Nagdiretso na siyang pumasok ay naupo sa bakanteng upuan sa tabi ko. Nakita kong nagtinginan ang dalawa kong kaibigan at sabay na tumingin sakin na para bang nagtatanong.

Ano ba dapat kong sabihin sa impaktong to? Kailangan ko bang humingi ng sorry? Aba hindi ata! Bakit ako hihingi sa kanya ng sorry? Ako ba ang may ginawang mali? Ako ba ang nagtaksil? Dejokelang. Over na ata. Hahaha!

"Napadaan ka?" Tanging nasabi ko lang sa kanya.
Tiningnan niya lang ako pero hindi siya nagsasalita. Inabutan siya ng tagay ni Mike at tinanggap naman niya iyon. Hindi ako komportable sa ganitong sitwasyon namin. Hindi ako sana'y ng ganito si Francisco.

Nagpatuloy ang inuman namin na hindi kami nag-uusap ni Francisco. Nakipagkilala na sila Mike sa kanya. Napansin yata nilang meron kaming hindi pagkakaintindihang dalawa.

"Tol sama ka nalang samin sa EK. Sasama rin kasi itong si Den" walang pakundangang yaya ni Robert kay Impakto.

Aba! Hindi man lang nag-isip ang mongoloid at agad na um-oo sa sinabing pagyaya ni Robert.

"Oh ayan Den sasama daw tong kaibigan mo. Wala ka ng problema. Di ka na ma-o-op. Pang-entrance nalang ang problema mo! Hahaha!" Dagdag pa ni Robert.

Yung totoo Robert! Hindi mo ba napapansin ang sitwasyon!? Manhid ka ba? Loko to ah! Magsama-sama kayong mga unggoy!

Hindi ako umimik sa sinabi ni Robert. Ininom ko nalang yung tagay na inabot saken ni Mike at dinampot ko ang tumunog kong cellphone.

Sender: 0926-xxx-xxxx
Sana nagustuhan mo yung flowers and chocolates.

Ha? Ibig sabihin hindi si Francisco ang nagbigay nun saken? Sabagay. Bakit nga naman ako bibigyan ng bulaklak ng taong kalabaw na ito!

Ayy sori ndi aq nkapagpakilala. Jerome to.

Reply niya sa tanong ko. Tinanong ko kasi kung sino siya. Nawala bigla ang badmood ko nung malaman kong galing pala sa kanya yung bulaklak. Nagkwentuhan kami sa text ng kung anu-ano. Hanggang sa tinanong niya ulit ako.

Ndi mu pa cnsagot ng maayos yung tnong q dti. My boyfriend ka na ba ulit?

Natigilan ako sa pagpindot sa cellphone ko nung mabasa ko iyon. Eto nanaman ako. Hindi ko nanaman malaman kung ano ang isasagot ko sa kanya.

"Den mamaya ka na nga makipagtext ng makipagtext. Nagkukwentuhan tayo eh" sita sakin ni Mike. Kaya inilapag ko ang cellphone ko sa speaker at tinuon ko muli ang atensyon ko sa kanila.

"Magkaklase ba kayo ni Den? Unang beses kasi niyan mag-imbita ng bisita dito sa kanila bukod samin eh" tanong ni Mike kay Francisco.

"Nanliligaw ako kay Den"

Muntik ko ng maibuga ang iniinom kong tagay nung marinig ko iyon kay Francisco. Maging ang dalawa kong kaibigan ay sabay na napatingin sa kanya at lumipat sakin.

Putakte! Ano ba namang klaseng tao ito! Hindi na nahiya para sa sarili niya! Hindi ko tuloy malaman kung paanong pagpapalusot ang sasabihin ko sa dalawang kaibigan ko.

"Bakit ba lagi mo akong itinatanggi Den? Talaga bang ayaw mo saken?"

Teka.. Ano tong biglang naramdaman ko? Baket parang kinikiliti ang puso ko? Kilig na ba ang tawag dito? Sa simpleng tanong niyang iyon - dapat na ba talaga akong kiligin.

At isa pa yung tono ng pananalita ni Francisco. Kakaiba. Baket ganito ang taong ito? Ah tama! Naalala ko na ang sinabi ni Maam Barron samin sa Theories of Peraonality. Bipolar ang tawag sa taong ganito.

"May kukunin lang ako sa sasakyan ko" paalam ni Francisco samin.

Hindi ako nakatiis. Gusto ko siyang kausapin. Nagpaalam lang din ako sa mga kaibigan ko na mag-CR lang ako pero ang totoong layunin ko ay ang sundan si Francisco.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Pwedeng patabi?" Sabi ko sa kanya habang nakasandal siya sa likuran ng sasakyan niya at may hawak na sigarilyo.

Hindi pa man siya nagsasalita ay tumabi na ako dun. Napakaraming bumabagabag sa isipan ko pero iisa lang ang natuklasan ko. Nahuhulog na nga ako sa taong ito. Kaya siguro tama na ang naisip kong disisyon kanina habang papauwe ako ng bahay. Gusto ko na itigil namin ang pagpapanggap ko bilang syota niya. Mas masasaktan lang kasi ako kapag hinayaan ko pa ang sarili ko na lalong mahulog sa kanya.

At isa pa, alam ko rin naman na napaka-imposible na magustuhan niya talaga ako. Sobrang yaman niya, nasa kanya na nga halos lahat eh samantalang ako, ni walang pang-entrance sa EK. Haha naisip ko parin yun. Wala eh. Gulong-gulo na ang puso ko. Nakakalito pala kapag inlababo.

"Francisco...pwede ba tayong mag-usap ng seryoso?" Mahinahong sabi ko sa kanya. Alam ko kasing wala siyang balak magsalita dahil sa sunod sunod na paghithit niya ng sigarilyo.

"Siguraduhin mo lang na magugustuhan ko yang sasabihin mo" diretsong sagot niya pero hindi parin siya natingin sakin.

"Ganito kase... Pwede bang... Ano.. Pwede bang.."

Takte! Baket nahihirapan akong magsalita? Baket parang may patuloy na nagtatambol sa dibdib ko. Mali ba tong gagawin ko?

"Pwe..de bang...-"
"Pwede bang ano!? Ideretso mo nga ang dila mo!" Naiinis na pagputol sakin ni Francisco

"Nahihirapan na kasi ak Francisco... Parang mali na itong nangyayari sakin..." Lakas loob kong sabi sa kanya.

"Ano bang problema Chriden! Ano bang mali ang sinasabi mo!?"

Yan! Bumalik nanaman ang pagiging anti-social niya! Pakshet naman oh! Kung kailan nagkakalakas loob na ako.

"Sabihin mo nga sakin Den, ano bang problema? Ano yung mali?" Sunod niyang sabi nung hindi na ako makahanap ng salitang sasabihin ko sa kanya.

"Mali na to Francisco! Mali na tong nararamdaman ko! Totoong nagseselos na ako! Ayoko sa nararamdaman ko!"

Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para sabihin ko sa kanya yan. Pagkatapos ko isiwalat ang nararamdaman ko ay tumakbo ako pabalik ng bahay. Iniwanan ko siyang nakatayo ay halatang nabigla sa sinabi ko.

Sa pagkakataong ito alam ko na galit na galit siya saken. Bakit ba kasi hindi pa ako nakuntento nalang sa pagpanggap na syota niya at ienjoy nalang iyon.

Bakit ba kasi nagkaroon pa ng diperensya ang Limbic System ko at hypothalamus pa ang napuruhan! Badtrip naman oh!

Gusto kong magpa-lobotomy!!!!

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon