Tanong na hindi kailangan marinig!

18.4K 671 31
                                    

Crazy little thing called Love

Chriden PoV

Last day na namin ngayon. Kaya dapat sulitin ko na ang gala. Mamayang gabi kasi ay bibiyahe na muli kami pabalik samin. Kailangan na kasi mag-enroll para sa second sem. Takte! Pasok nanaman!

Sama-sama ngayon kaming gumagala ng mga kaibigan ko. May kanya-kanya nga kaming dalang monopad. Hahaha! Yung saken hiniram ko lang sa pinsan.

"Groupie tayo!"

Naggitgitan kami marapos namin marinig kay Ian yun.

Siguradong marami akong ma-i-upload sa fb. Sana marami mag-likes.

Napatigil ako nung may napansin akong isang tao na nakasando. Parang ang tumi ng katawan niya pero halatang makinis at maganda ang hubog. Nakasuot ng fitted shorts at may bag sa kanyang tabi.

At blindfold siya. Teka? Blindfold? Bakit nakablindfold siya?

"Huwag ka basta-basta lalapit sa mga ganyan, baka kung anong sakit ang makuha mo" mahinang bulong kasin ni Lexter.

Takteng to! Napakayabang! Porket ganoon ang itsura may saket na agad?

Nakita ko ang grupo nila Francisco sa di kalayuan. Mukhang may pinagtitripan sila. Tawa sila ng tawa bukod kay Jerome na nakatayo lang sa likuran nila.

Nakita kong lumapit si Brille sa taong nakatayo sa gitna. Naglagay siya ng pera sa bulsa ng taong iyon. Wala akong nakitang naging reaksyon nung lalaking nakatayo bagkus nakadipa parin ang kanyang dalawang kamay.

Nung malapit na kami dun sa lalaki ay nabasa ko ang nakasulat dun sa board na nasa harapan niya.

"Do you trust me? I need love - Hug is free"

Natigilan ako panandali nung nabasa ko iyon.

"Tara na Den!" Sabay hila sakin ni Kenneth.

Tinanggal ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Kenneth. Nilapitan ko yung taong nakadipa.

Niyapos ko siya. Niyapos din niya ako.

"Sana makatulong ito" mahinang bulong ko sa kanya habang nakayapos ako sa kanya.

Wala akong narinig na kahit ano mula sa kanya. Dahan-dahan kong tinanggal ang pagkakakuyabit ng kamay sa kanyang katawan at mabilis na akong tumalikod.

Pagharap ko sa mga kaibigan ko ay nakita ko silang nakatingin lang sakin. Para bang gulat na gulat sila sa nakita nila. Ganoon rin ang grupo nila Francisco.

Nakita ko ring naningkit ang mga mata ni Francisco pero hindi ko na iyon pinansin. Mga wala silang modo! Hindi pera ang kailangan ng tao - kailangan niya ng karamay. Yun ang intindi ko sa nakasulat sa board na nakalagay sa harapan niya.

"Den tara na! Baka hindi natin abutan yung parade" sigaw ni Lexter sakin.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Oh bakit ayaw mu lumapit? Ayaw mo ba makita ang mga murion?" Sabi ni Kenneth.

"Ayoko! Ayoko sa higante! Dito nalang muna ako" sagot ko naman sa kanya.

Ewan ko ba. Kapag nakakakita ako ng higante ay parang nakakaramdam ako ng kaba. Yiiiiie! Ayoko talaga! Ang weird ko noh? Pero totoo. Takot talaga ako. Pati nga sa mga clowns at mascot takot ako eh.

Mabilis lumipas ang maghapon. Kaya eto na kami ngayon nakasakay sa barko pabalik samin. Dapat nga kanina pa kaming after lunch nandito kaso mas maganda daw bumiyahe ng gabi para mas feel daw yung ambiance ng barko. Ganon? May pa-ambiance ambiance pang nalalaman ang mga abnormal na ito!

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon