Mali! Hindi ko na gusto nararamdaman ko!

22.6K 771 63
                                    

Maraming salamat sa estudyante kong si Christsomel. :) Pinasaya mo araw ko kanina dahil sa kakulitan mong bata ka! Hahaha!

Chriden PoV

Flashback (continuation)

Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para itanong sa kanya yun. Bumibilis yata ang tibok ng puso ko at lalo yatang nanginig ang katawan ko.

Wala akong narinig na kahit anong sagot kay Francisco. Mabilis siyang tumayo at umalis sa tabi ko. Gusto ko siyang pigilan. Gusto ko siyang habulin pero nanaig sa isipan ko ang manatili na lamang sa kinalalagyan ko.

Ano ba kasing pumasok sa utak ko at tinanong ko yun. Baka isipin tuloy niya na may gusto ako sa kanya at naisip niyang nag-aassume ako sa isasagot niya. Nahihiya tuloy ako! Pahamak tong bibig na to eh!

Nagulat nalang ako nung biglang may sumagi sa braso kong malamig na bagay. Bote pala. Bote ng alak na dinampi sakin ni Francisco para malaman niyang nandon na ulit siya.
Tinanggap ko iyon.

"Ayoko na ulit maririnig ang bagay na tinanong mo kanina. Ayokong makarinig ng bagay na hindi komportable sa pandinig ko" mahinahong sabi niya kasunod nun ang pag-inom niya sa hawak niyang bote ng alak.

Gusto ko pa sana siyang tanungin pero mas pinili kong itikom nalang ang aking bibig. Naramdaman ko nalang na unti-unting may kamay na pumatong sakin balikat at dahan-dahan na kinabig ang aking katawan palapit sa katawan niya.

End of Flashback

"Kunwari ka pang bakla ka!" Biro saken ng bespren ko.
Naubos ang oras namin sa kwentuhan hanggang sa tumunog na ang bell na hudyat ng oras na para bumalik sa klase.

Lutang ata ang isipan ko sa loob ng classroom. Hindi napasok sa sa utak ko ang mga sinasabi ni Maam Constitution. Hindi ko na tanda pangalan niya pero Polsci namin siya. Baket constitution? Haaay. Nakakaurat kasi dahil araw araw kong naririnig ang salitang constitution sa kanya. Pinag-recite pa nga ako ng preamble niyan eh! Pakiramdam ko nun ay nasa korte ako at isang witness.

Maya't maya ay napapasilip ako sa bintana. May kung ano kasing nagbubulong sakin na baka sakaling makita ko ang impakto kaya panay ang silip ko dun. Hindi ko na nga maintindihan ang nangyayari saken eh. Kaiba na ako.

Napabalik lingon ako sa bintana nung mamataan ko ang lalaking kanina pa hinahanap ng paningin ko. Si Francisco kasama ang mga kaibigan niya.

Ano ba tong nararamdaman ko? Bigla nalang parang ma-excite akong matapos ang subject na ito.

"Excuse me po Maam, pwede po kay Chriden?" Narinig kong sabi nung lalake mula sa pintuan. Tumango si Maam Constitution at tumingin saken.
Tumayo ako at agad na nagpunta sa kinaroroonan nung taong naghahanap saken.

"May nagpapabigay sayo neto" sabi niya sabay abot saken ng bulaklak at chocolate.
"Teka... Sino nagpa-" hindi ko na naituloy pa ang itatanong ko nung biglang nalang siyang tumakbo pababa ng hagdan.

Bumalik ako sa loob ng room na pinagtitinginan. May mga nang-aasar at may mga tinging nagtataka.

Sino kaya ang nagpabigay neto? Isa lang naman talaga ang tumatakbo sa isipan ko. Ang lalakeng siraulo. Si Francisco.

"Oh bat namumula ka?" Puna saken ni Sheryl habang nag-aayos na ako ng gamit. Tapos na kase ang klase namin at uwian na. Maaga ngayon kasi thursday. Motivation day! Hahaha!

Hindi ko na pinansin ang mapang-asar na tanong saken ni Sheryl. Bumaba na ako. Gusto kong pasalamatan si Francisco sa pagbibigay niya saken nito.

Napansin kong nag-uusap silang magkakaibigan at mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. Hindi naman sa pagiging usisero/usisera at lihim akong lumapiy sa kanila ng hindi nila napapansin.

"Oh anong nangyari sanyo kanina? Naka-score ka ba?" Nakangising tanong ni Allen kay Francisco.
"Nalaseng ako kagabi kaya hindi ako nakapasok kaninang umaga! Anong score ang ponagsasasabe mo!?" Sagot ni Francisco na mulhang iritable.
"Kunwari ka pa! Diba iniwan namin kayong magkatabi sa kama? Nilock pa nga niyong si Kerby yung pintuan nyo eh" pang-aasar ulit ni Allen.

Aba! Tama ba ang naririnig ko? Iniwan silang magkatabi sa kama at nilock? Tangna naman oh! Baket ganito bigla ang tibok ng puso ko? Baket parang biglang may tumusok sa dibdib ko?

"Nakailan kayo?" Nakangising tanong ni Allen.

Ayoko na! Ayokong marinig yung bagay na pwedeng isagot nitong Francisco na ito! Naglakad na ako palabas ng gate. Hindi ko sila pinansin.

"Uy! Den!" Bati sakin ni Allen.
Hindi ko siya pinansin bagkus nagpatuloy ako sa paglalakad. Gustong-gusto na marating ng paa ko ang gate palabas para makasakay na agad ako ng sasakyan pauwe.

"Hoy! Saan ka pupunta!?" Narinig kong sigaw ng impakto.

Nanggigitil ako! Nabubwiset ako! Beastmode na ako!!!! Kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"DOON! MAGLALASENG AT MAGHAHANAP NG KATABI SA KAMA TAPOS MAGPAPALOCK SA KWARTO!!!!" Malakas na sigaw ko. Hindi ko alam kung bakit iyon ang lumabas sa walang modong bibig ko. Ramdam ko ang init sa mukha ko dahil sa hiyang nararamdaman ko dahil nakita kong nakatuon lahat ng mga mata ng taong nadadaan ko saken.

Mabilis akong tumakbo. Ayoko marinig ang isasagot ni Francisco. Ngayon ko lang naisip na mali pala ang ginawa ko. Una, mali ang makinig sa usapan ng ibang tao. Pangalawa, mali yung pagsigaw ko sa kanya. Pangatlo.... Mali.. Mali na tong nararamdaman ko. Hindi ko na gusto ito.

Pagkatapos namin kumain nila mama at kapatid ko ay dumiretso na ako sa terrace namin. Gusto ko kasi mawala yung kakaibang nararamdam ko sa twing naiisip ko ang ginawa ko.

"Mike, Robert tra nomo tau! Dla nlng kau ng pulutan my alak na d2" text ko sa dalawa kong kaibigan. Silang dalawa madalas ang nakakainuman ko twing walang pasok at bakasyon. Malapit lang din naman ang bahay nila dito samin.

Wala pang 20mins ay magkasunod silang dumating na may dalang chichirya at ibang maaring gawing pulutan.

Nagsimula ng paikutin ni Mike ang tagay. Kwentuhan at kapontoyan nanaman ang pinag-uusapan kaya tuwang-tuwa ako sa dalawang to eh.

"Den yung cp mo kanina pa ring ng ring. Wala ka bang balak sagutin?" Sabi ni Robert habang nakaturo sa cp ko na nakapatong sa speaker.

Tiningnan ko iyon.

Impakto calling...

Ni-reject ko ang tawag.

Anong akala niya saken!? EASY TO GET!

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon