Praktis

19.2K 692 20
                                    

Gagong gupit ako ngayon! Hahaha!

Chriden PoV

Ano kaya nakain ng Jerome na iyon at biglang nagkaganoon? Balak niya yata akong pagtripan sa wedding booth. Pero infairness ah medyo kinikilig ako nun. Hahaha! Talande ang peg ko.

Nandito na kami sa venue ng practice namin ng mga kaibigan ko. NakapagMash-up na kasi ng kanta si Kenneth kaya steps nalang ang kulang.

"Dance evolution tayo" sabi ni Kenneth samin habang isa-isa kaming inilalagay sa pwesto.

"Pagpapasok na tayo galing sa backstage ay diyan tayo pupunta" dugtong niya sa kanya sinasabi.

Pinakinig niya samin ang pinaka-unang tugtog ng sasayawin namin. Beautiful life.

Tinuro niya samin ang steps at nakuha naman agad namin iyon kasi madali lang. Pangalawa niyang itinuro ay ang Dying inside pagkatapos ay ang sayaw ng larusso.

Pinaraktis muna namin iyong tatlong sayaw na iyon hanggang sa ma-memorize namin ang mga steps. Akala ko madali lang, mahirap pala kapag iba-iba ang sinasayaw. Nakakapagod.

"Water break. 10mins" sigaw ni Kenneth samin.

Dapat pag-igihan kong mabuti ito kasi ako ang nakaisip neto. Ito lang din kasi ang talent na meron ako bukod sa kagandahan ko. Hahaha!

"Den oh!" Sabay abot sakin ng tubig ni Kenneth.
"Salamat" tipid kong sabi sa kanya.

"Naisip kong ikaw ang gawing highlights ng dance group natin kasi ikaw ang nakaisip" sabi niya sakin habang magkatapat kaming naka-indiang upo. Indian talaga! Hahaha!

"Ayy! Baka matalo tayo kapag ako nilagay mo dun"
"Basta. Magtiwala ka lang. Gagawin natin ang best natin para manalo tayo" nakangiti niyang sabi sakin.

Inabot kami ng 10pm sa praktis. Grabe nakakapagod. Pero ayos na yung tatlong kanta na sasayawin namin. Almost perfect na. Hahaha! Ang saya! Mananalo kami! Kapit lang! Hahaha!

Naghiwa-hiwalay na kami. Magkakaiba kasi kami ng daan pauwe. Bago ako tuluyang maglakad ay tiningnan ko mung ang cellphone ko na nakalagay sa bulsa ng bag ko.

49missed calls.
34text messages

Wow ha! Dami!

Mabilis kong tiningnan yung missed calls ko. Baka kasi emergency at galing sa bahay ang tawag. Malay ko ba kung nasusunog na ang bahay namin tapos wala akong kaalam-alam.

Potek! Si Francisco lahat ng laman ng call register. 49 talaga at siya talaga. Pati yung mga messages ko sa kanya nanggaling. Takteng lalaking ito!

Sumakay na ako ng baby bus pauwe. Pagod na pagod na kasi ako at gusto ko na ihiga ang katawan ko sa kama. Nakakapagod kasi yung praktis namin.

"Eto pong bayad" sabi ko sa nasakyan kong tricycle driver nung bumaba na ako sa umboy.

Hayy salamat! Eto na ako sa tapat ng bahay namin. Tinatawag na ako ng espiritu ng higaan ko. Sleeping beauty ang peg ko sigurado.

"Ma! Diretso na ako sa kwarto pagod na pagod ho ka-"

Halos manlaki ang mata ko nung nakita ko kung sino ang taong nasa loob ng pamamahay NAMIN! Capslak pa yan para dama!

"Akala ko wala ka ng balak umuwe? Saan ka galing?" Sabi niya sakin pero hindi tumitingin sa kinalalagyan ko. Nakatuon ang mata niya sa video game na nilalaro nila ng kapatid ko.

Teka? Kelan pa kami nagkaroon ng video game? Naririnig ko ngang tuwang-tuwa ang kapatid ko. Naruto shippuden pa ang nilalaro nila.

"Bakit nandito ka? Gabing gabi na ah!" Tanging nasabi ko lang sa kanya.
"Parang ako dapat magtanong sayo niyan - bakit ngayon ka lang umuwe? Gabing-gabi na ah!" Sagot naman niya sakin.

"Galing ako sa prak- ah nag-ayos pa kasi kami ng gamit at nagkayakagan tumambay sa tapat ng school" pagpapalusot ko sa kanya. Ayoko kasi malaman niya na sasali kami sa dance competition.

Ay teka! Bakit kailangan ko sumagot sa tanong niya? Tatay ko ba siya!

"Magpalit ka na ng damit. Kakain tayo sa labas. Huwag mo ng subukan kumontra nakapagpaalam na kami ni Chrien kay mama" mahabang sabi niya.

"Kuya bilisan mo magbihis ah!" Sigaw ni Chrien habang nakatuon ang atensyon sa paglalaro ng video game.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Kumain kami sa Mcdo. Puro laruan nga ang dala ni Chrien. Hindi na inintindi ang pagkain. Batang to talaga! At ang impakto nakikibata at nakikipaglaro pa sa loob ng Mcdo.

"Salamat. Sige na umuwe ka na" paalam ko kay Francisco nung nasa tapat na kami ng bahay namin. Karga ko ang kapatid ko dahil nakatulog sa sobrang excite sa paglalaro.

"Isasama nga pala kita sa bakasyon namin. Nakapag-paalam na ako kay mama mo at pumayag na siya" seryosong sabi niya.

"Ha?" Reaksyon ko sa sinabi niya.
"Ayoko ng ulitin ang sinabi ko" -Francisco.

"Teka teka! Excuse me nga Ginoong Francisco! May sarili kaming planong magbakasyon, kaya hindi ako sasama sanyo" sarkastikong sabi ko.

Potek na lalaki to! Nagpapagod nga kami para matuloy ang pagbabakasyon namin ng mga kaibigan ko tapos sa kanya wala lang kung magyaya! Iba talaga ang mayaman!

"E di hindi ka sasama sa kanila. Sakin ka sasama! No choice ka na!" Pabalang niyang sabi.

"Hindi ako pwede sumama sayo Francisco. Ang totoo niyan sumali kami sa competition para matuloy ang bakasyon namin. Ayoko naman masayang yung effort ng mga kaibigan ko. Kapag nanalo kami - tuloy kami. At dahil 100% kaming sure na mananalo kami - tuloy na tuloy kami" mahabang sabi ko sa kanya.

"Saang competition?" Suplado niyang tanong.
"Sa school. Dance and singing competition"
"Deal tayo!" - Francisco.

"Kapag nanalo kayo - papayagan kitang hindi sumama saken. Kapag natalo kayo - sasama ka saken! Wag mo ng subukan kumontra - ipapagiba ko yung venue kapag hindi ka pumayag!" Nakangising sabi niya.

Aba! Anong akala netong taong ito? Wala akong talent? Nakita ko na ang mga group na makakalaban namin. Di hamak na mas magaling kaming sumayaw dun!

"Deal!" Matapang na sabi ko sa kanya.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Apat na araw na sunid sunod ang praktis namin ng mga kaibigan ko. Nakakapagod na masaya. Nadagdagan ang sayaw namin ng mga bagong kanta.
Teach me how to dougie
Twerk it like miley
Nae nae dance
At yung ibang dance evo pa since 80's 90's at present.

Nagkaroon narin kami ng entrance at mga position. Parang ako pa nga yata ang pinakamahirap ang steps. Pero ok lang! Kailangan manalo!

Tingnan nalang natin Francisco! Magbakasyon kang impakto ka na wala ako! Hahahahaha!

-----------
Thanks sa mga patuloy na nagbabasa :)

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon