Gusto ko na umuwe.

11.3K 415 15
                                    

You are Gold - always believing your soul.

Chriden PoV

Ilang oras na nakakalipas pero hindi parin nabalik si Paul dito. Kung anu-ano tuloy pumapasok sa isipan ko.

Baka pinakilala na siya ng lolo niya sa kung kanino?

Bakit ba kasi hindi ko magawang aminin sa kanya itong nararamdaman ko!

Bakit ba kasi nag-aalinlangan pa ako sa nararamdaman ko?

Oo na! Inaamin ko na. Mahal ko talaga si Francisco. Masama ba yun? Kaya naman ayokong sabihin sa kanya kasi baka biglang mag-iba ang ihip ng hangin at sabihin niyang naguluhan lang siya sa nararamdaman niya.

Baka kapag sinabi ko ay iba ang isagot niya.

Ayoko na kasi masaktan.

Ayoko na maulit yung pakiramdam na gusto kong matulog pero hindi ako makatulog dahil sa paulit-ulit na sakit na nararamdaman ko.

Ayoko na maulit yung hindi ako makakain dahil wala akong ibang iniisip kundi siya.

Ayoko na maulit yung nahihirapan akong harapin ang buong maghapon dahil hindi ko siya kasama.

Ayoko na maulit yun.
Ayoko.
Kaya nga mas okay na sakin yung ganito lang kami. Yung hindi ko sinasabi sa kanya para kahit na anong mangyari ay wala akong expectation.

Naalala ulit tuloy kung paano kami nagkakilala. Kung hindi ako pumila ng maaga sa registration dati ay hindi ko siya makikilala. Dapat ko pa ngang ipagpasalamat na binangga niya ako, dahil dun nagkaroon ako ng pagkakataon para mapalapit sa kanya.

Kahit barumbado yang abnormal na yan mahal na mahal ko yan. Kayapos ko nga palagi sa kwarto ko yung binigay niyang stufftoy sakin eh. Hindi ko talaga nilalabahan. Ayoko mawala yung naiwang scent ng kamay niya dun.

Haaay... Francisco. Sana ganito palagi tayo. Ayoko mawala ka. Iniisip ko palang na mawawala ka naninikip na agad ang dibdib ko.

Kanina nga lang nung nadulas ako sa batis gustong gusto ko isigaw ang pangalan mo. Gusto kong ikaw ang bumuhat sakin. Gusto ko ikaw ang tumulong sakin. Gusto ko ikaw - yung ikaw palagi.

Kung alam mo lang Francisco kung gaano kita kamahal.

Tangina! Kung kailan nanaman na may makikilala ka nanamang bago saka ko nanaman marerealize itong nararamdaman ko para sayo.

Hindi ko na namamalayan na nagdadaloy na pala ang luha ko mula sa mga mata ko. Napapangiti ako habang naiyak. Abnormal ako no?

Sa sobrang tagal ni Francisco ay unti-unti na akong nilamon ng dilim.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Maaga akong nagising.
Maaga rin akong nakaramdam ng pagkalungkot dahil wala sa tabi ko si Francisco.

Hindi pa kaya siya nabalik simula kagabi?

Ano kaya ang nangyari kagabi?

"Den mag-ayos ka na. Lilibutin natin ang lupain ni Lolo" sabi ni Luis pagkapasok sa kwarto.

"Luis nasa-"

"Sige Den. Bilisan mo ha." Sabi ni Luis dahilan ng pagkakaputol ng itatanong ko.

Bakit ganoon si Luis?
Kaiba.
Parang balisa o hindi mapakali. Ang bilis pa magsalita.

Nag-ayos na ako agad. Gusto kong makita si Francisco. Gusto ko siyang kausapin at tanungin kung ano ang napag-usapan nila ng lolo niya.

Habang nililibot namin ang lupain ng lolo ni Francisco ay nakakaramdam ako ng hindi tama. Parang may kakaiba. Hindi ako masyadong kinakausap ni Paul ganoon din si Luis.

Nasa isang malaking sasakyan kami na open ang magkabilang gilid para kitang-kita ang paligid.

Walang nagsasalita samin dalawa ni Francisco. Balot kami ng katahimikan. Ang dami nanaman pumapasok sa isipan ko. Tangina! Ayoko ng ganito. Bumibilis ang tibok ng puso ko dahil sa dami ng iniisip ko.

Hindi na ako bumaba ng sasakyan nung pinapakita ng lolo ni Francisco ang farm nila. Nakita ko rin na pinakilala ng lolo niya ang mga trabahador niya sa kanila.

Nakita ko rin si Rico. Trabahador pala nila si Rico. Gustuhin ko man bumaba ay hindi ko na ginawa. Wala narin akong gana eh. Parang hinihila na ako ng paa ko pauwe. Pauwe sa Tanza. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako.

Gusto ko na umuwe.

Gusto ko mag-inom.

Gusto ko ng kausap.

Gusto kong umiyak.

Hanggang sa makarating kami pabalik ng mansyon ay wala akong naririnig na salita galing kay Francisco. Hindi niya ako kinakausap.

Ano bang nangyayari?

Meron bang hindi ko alam?

"Sir kakain na daw po" tawag sakin ng isa sa nga katulong nila habang nasa garden ako.

Ayoko sana sumabay sa pagkain kaso parang kabastusan naman kung hindi ako pupunta. Nakakahiya naman kasi sabit lang ako dito.

Nag-lead ng prayer si Mama ni Francisco at pagtapos nun ay nagsimula na kaming kumain.

Nagkukwentuhan ang papa at lolo ni Francisco tungkol sa mga lupain nila. Tapos yung iba hindi ko na naiintindihan. Ewan ko ba. Wala talaga ako sa sarili ko. Pakiramdam ko kasi parang may hindi magandang nangyayari o mangyayari.

"Nga pala Paul. Gusto ko this month maayos na yung pinag-usapan natin. Ayoko ng pagtagalin pa iyon. Para sa ikabubuti mo yon" sabi ng Lolo ni Francisco.

Bigla akong natigilan. Yung imbis na isusubo ko nalang ang laman ng kutsara ay napatigil pa sa tapat ng labi ko.

Tama ba ang narinig ko?
Hindi naman ako ganoong katanga para hindi ko magets ang ibig iparating ng kanyang lolo. Tiningnan kong maigi si Francisco. Gusto kong marinig sa kanya na ayaw niya. Gusto kong marinig na ayaw niya ang gustong mangyari ng lolo niya.

Tiningnan ko rin ang reaksyon ng papa at mama ni Francisco. Wala. Yung parang wala silang pwedeng isagot kundi oo.

Tiningnan ko rin ang mga kapatid ni Francisco. Ganoon din. Lalong tumahimik ang paligid dahil sa sinabi ng Lolo niya.

"Hmm.. Excuse me po. Mag-CR lang po" paalam ko sa kanila.

Hindi ko na kasi kayang pigilan pa ang pagpatak ng mga luha ko. Tangina! Ito nga ba ang sinasabi ko eh! Kaya ayokong panindigan na mahal ko si Francisco! Kaya ayoko siyang mahalin eh!

Hindi na ako bumalik sa hapag-kainan. Nagdiretso na ako sa loob ng kwarto namin ni Francisco at doon ko tinuloy ang pagbuhos ng luha ko.

Gusto ko na umuwe...
Ayoko na dito...
Nahihirapan na naman ako...

"Den baka sa kabilang kwarto ako matulog. Nagpapasama kasi si Lolo sakin" plain tone na sabi sakin ni Francisco.

Tatanungin ko na sana siya pero mabilis din siyang umalis.

Malinaw na sakin ang lahat.
Alam ko na ang pinag-usapan nila ng lolo niya.
Ganoon nalang niya ako kadali sinuko? Tangina naman Francisco oh!

Pinuntahan ko si Luis. Tama naman ang hinala ko kung saan ko siya makikita.

"Luis patext naman. Kukumustahin ko lang sila Mama" sabi ko kay Luis habang nakaupo sa bermuda.

Inabot naman kaagad sakin ni Luis ang cellphone niya. Mabilis kong kinuha iyon.

"Jerome, Den ito. Pwede mo ba ako sunduin sa pier dito sa Baguio? Aantayin kita hanggang bukas ng umaga dun. Pupunta na ako ngayon. Wag na wag kang magrereply. Pls. Salamat!"

Mabilis ko yun nisend kay Jerome. Memorize ko naman ang number niya. Wala na talaga akong mahihingian ng tulong ngayon kungdi siya.

Author: pengeng comment at votes. :)

Ang Manliligaw Kong Bully (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon