Thunder 15: Change

2.3K 33 0
                                    

Nakatitig lamang ako sa harapan ng table habang nagsasalita ang Marketing Manager ng Kumpanya ko.

The time ticks too slow. Nakakainip n sa loob ng conference hall.

"Let's go?" yaya sa akin ni Kenshin pagkatapos ng meeting. This day is a little bit long for me. Masyadong maraming papers.

Naglakad kami tungo sa parking lot. "Malelate na tayo. Drive fast" It was three in the afternoon. Mabuti na lamang at walang masyadong traffic dito sa US.

"Did you sign the papers about TMC proposal?" tanong niya habang nakatingin sa daan.

Bumuntong hininga ako.  "You know it is too hard to accept the partnership." Its been three years or so and still, I am this affected. Gustong makipagpartnership ng kumpanyang pinagtatrabahuhan niya.

Baka malate kami sa school na pupuntahan namin. It will start in an hour or less. Naging tahimik lamang ang byahe namin dahil na rin siguro sa pagod. Pagdating na lamang siguro namin sa school kami kakain.

Malakas na hiyawan ang narinig ko pagkababa pa lamang ng kotse. Maraming tao na din ang nanonood ng St. Claire Academy. Maraming naghihiyawan sa bawat taong sumasampa sa stage.

"Tara na, Jade. He is waiting for us" Wika ni Kenshin.

Habang naglalakad ako ay napatigil ako sa poster sa gate. Isang modelo ang nakasuot ng itim na shirt at jeans.

"Jade, tara na." napansin niya ang pagtigil ko at pagtitig din sa poster.

Napalunok ako ng mapansin ang natural niyang ngisi. Ang naiba nga lamang ay masnahulma ang kanyang muscle at ang kanyang pormal na buhok ay semi shaved na.

"Tara na, baka si Riley na ang kasunod na magpeperform." bumalik ako sa realidad at mabilis muling lumakad.

Nasa unahan ko ang kaibigan kong si Kenshin. He became my shoulder for three years. Hindi niya ako pinapabayaan habang ako ay nagmumukmok at umiiyak sa taong mahal ko.

Nakahiga ako sa kama habang pinapanood ang isang realiTV. Pinaulit ulit ko ang episode na ito habang umiiyak.

I miss him so much. Ilang buwan pa lamang ang nakakalipas pero hangang ngayon ay umiiyak pa rin ako.

I regret loving him for more than 100%, walang natira para mahalin ko din ang sarili ko.

Naging bulag ako sa katotohanang pinipilit kong maging masaya mula umpisa pero hindi ko Natapos hanggang dulo.

His Pervert Girlfriend [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon