Thunder's POV
Naunahan na ako ni Ren magbukas ng pinto, nakaagaw na naman kami ng atensyon.
Laking gulat naming lima, ...........PATAY!!!
"Villamor! Montreal! Fuentabella! Cruz! Fierre!! hindi dahil kayo ang may-ari ng Johnsson University ehh pwede na kayong ma-late!" sigaw ni Mr. Alonzo, ang striktong professor ng unibersidad. Nakilala namin siya dahil naging tutor namin siya noong highschool kami.
Kahit pulang-pula na sa galit si Mr. Alonzo ay may nagawa pang sumigaw.
'I love you Marco'
'Date me, Ren'
'Marry me Miyo'
'Be my boyfriend Alex'
'Be mine, Thunder'
Ilan lamang iyan sa mga narinig namin. Dahil pogi ako..
napahampas nalang si Mr. Alonza dahil sa ingay..
"Ano tatayo lang kayo dyan?" nakataas na kilay na tanong ni prof.
"Sorry po" sabi ni Alex at Marco
"Sa susunod ayoko na ng late, umupo na kayo kahit saan hindi uso sa akin ang sitting arrangement"-Mr. Alonzo
Nakakita ako ng 3 bakanteng upuan sa hulihang hilera ng mga upuan at 2 naman sa unahan nito.
"Doon ako sa may bintana!" sabi ni Ren
"Katabi ko si Ren ha?!" sabi ni Alex.
"Dun kami sa unahan ni Maico" sabi naman ni Miyo.
"Sige, wala na naman akong choice" matamlay na sagot ko.
Tumakbo naman sila papunta sa kanya kanyang silya.. Naglabas sina Marco at Miyo ng notebook. Si Ren naman ay earphones,,...... buti na lang at nasa pinakadulo siya nakaupo..
Nasa gitna ng pagtuturo si Mr. Alonzo ng mapatingin ako sa katabi ko sa kanan. Isang babaeng maputi at maganda, mukha siyang babaeng mahinhin kung hindi lamang nakabukaka..
*dug dug*
*dug dug*
ano ba sasabihin ko?
'Ms. what's your name?' para naman ang kapal ng mukha ko
'hi ms. beautiful' Para naman akong sinaunang tao, nasa modernong panahon na tayo ineng..
'Ms. beautiful *wink' Para naman akong maniac pag ganun
'What's your name?' parang walang galang ahh
Hala bahala na nga..
*ehem* nagclear-throat muna ako
"Mi-......"
*riiiiiiiiinggggg* anu ba 'yan bad timing
hindi na ako nakapagsalita dahil nagring na yung bell at nagsilabasan na sila para magrecess...
napakamot na lang ako sa ulo..
naglalakad kami ngayon papuntang cafeteria. Pinagtitinginan kami ng ibang estudyante. Yung iba naman ay nagpapacute.. May nakita pa nga akong isang babae nakalipbite tapos parang nangseseduce, pero dahil sa iniisip ko hindi ko na masyadong pinansin..
Sa hindi inaasahang pangyayari, nabangga ko ang isang babaeng may dalang na cappucino, hindi ko siya masisisi dahil ako din naman ang may kasalanan, hindi ako tumitingin sa daan sa lalim ng iniisip ko... natapon tuloy sa akin. mukha tuloy akong mahirap na nakatira sa ilalim ng tulay, magsasakang nag-araro ng isang kilometrong palayan.... o batang naghagisan ng putik...
Si Ren na ang bumasag ng katahimikan..
"Hoy Thunder, anong nangyari sayo? Para namang pinagbagsakan ng langit at lupa yang mukha mo!" sabi ni Ren ng natatawa."wait, matagal ka na palang ganyan"dadag niya habang pupunta sa pila ng bilihan ng pagkain. Humiwalay si Miyo para maghanap ng bakanteng lamesa....
"Oo nga Thunder, kanina pa malalim ang iniisip ahhh..." sabi ni Marco habang bumibili ng pagkain.
"Anung iniisip mo?, yung ballpen mo na naubos ang tinta dahil sa kakasipsip mo dahil ayaw lumabas nung ink, ........ or yung sasakyan mo na nanakawan ng gulong sa divisoria at na tiyempohan ng budol-budol gang?..... yung upuan mo na lumilindol dahil sa kauuga at kulang nalang ng tsunami para maging japan?....... yung damit mo na parang hinugot sa puwet ng kalabaw, nakaladkad ng aso, na payid ng hangin, nasingahan ng sipon, at pinampunas ng salamin ng sasakyang naglakbay sa putikan bago bumalik sa cabinet mo? o yung pagkain mo kaninang umaga na pinagtatiyagaang kainin ng mga uod sa basurahan dahil sunog o di kaya naman hilaw??.... siguro naman may tama ako dun" nakisali naman si Alex na kakabili lang ng pagkain. Nanlaki ang mata ko ng 3 burger, 1 large fries at 1 jumbo lomi.. parang pang isang araw ko na yun ahhh...
"Hindi ano? Sino?!" sagot ni Marco habang naghihintay ng turn nya sa pagorder ng pagkain.
"W-wala" sabi ko. Ayokong sabihin sa kanila yung nangyari kanina at lolokohin lang nila ako, naturingang badboy nahiya sa isang babae kanina?! ngayon lang ito nangyari ahhh...
Bumili na din ako ng pagkain ko.. isang pizzang kasing laki yata ng piso sa liit at shake na puro tubig sa labnaw...
May narinig akong pag-uusap, mukha silang koreana..
"Sa tingin mo sino ang mas maswerte, lalaki o babae?" sabi nung isang koreanang may salamin at nakataas ang buhok..
"Lalaki.. syempre" sagot noong kasama nya..
"Bakit naman?"
"Kasi ang lalaki biniyayan ng isang hotdog at 2 itlog, ehhh ang babae tinapa na nga lang hinati pa sa gitna... ahahahaha" natatawang paliwanag nya...
bumalik na ako sa lamesang kinaroroonan nila..
Tahimik lang akong kumain habang iniisip yung babae..
Bakit ba ako nagkakaganito?
Kakaiba yung tibok ng puso ko?
siguro naninibago lang ako...
. haaayyyyst.. makapagconcentrate na nga lang baka mamaya magutom pa ako....
Kailangan kong magready ng speech mamaya, paniguradong walang katapusang pagpapakilala mamaya, bago ata ang aming professor sa Algebra...
Natahimik ang lahat ng tao dahil sa isang pigura na naglalakad papunta sa direksyon namin....
Hala?!......... nagulat din ang kasama ko sa nakita nila........ BAKIT NANDITO SIYA?!
-----------------
BINABASA MO ANG
His Pervert Girlfriend [COMPLETED]
ChickLitBroom and dustpan. Spoon and fork. Pencil and eraser. Their relationship can't be seperated. A conceited jerk named Thunder met his match, a perfect goddess named Jia. They lived happily and yeah---- full of lust. One day, fate played on their lives...