Epilogue

5.6K 48 22
                                    

Nathan's POV

Kasagsagan ng init ngayon. Kaka-Pasko pa lamang pero ang init na ka agad. Tinutulungan ko ngayon si Mang Rene na magpastol ng kanyang kambing.

Hinubad ko ang pangitaas ko dahil sa init at pawis. Paniguradong malagkit na naman ako pagkatapos nito.

Napalingon ako sa kanan ko at may babaeng nakatingin sa akin. Ang kanyang buhok ay umaalon pababa hanggang baywang habang. Maputi ang kanyang kutis.

Hindi ko maiwasang tumtig sa kanya. Naginit kaagad ang katawan ko. Hindi ito mula sa araw. Mula ito sa loob ko.

Naglakas siya paalis. She is slender and tall. Kumikinang ang buhok niya lalo na't nasisinagan ng araw. Umiling na lamang ako at mas pinagtuunan ang kambing.

Gabi noon. Mamaya na ang kasiyahan sa plaza. Nagsuot ako ng longsleeves at tinupi hanggang siko. Kasabay ko sina Amber at Lecia papunta doon.

"Fid, napatawag ka?" Nasaan na ba siya? Paniguradong nadoon na naman iyon kasama si Nereen.

"Nandito na ako sa plaza. Bilisan mo. Ngayon na ang chance mo lil bro!" Narinig ko siyang tumawa. Naikwento ko kasi sa kanya ang babaeng nakita ko kahapon.

Kinabahan akong naglakad. Maging ang dalawa kong kasama ay nagtaka dahil malamig ang simoy ng hangin pero pinagpapawisan ako ng maiigi.

Nasa plaza na kami. Tumalikod ako at dinial ang numero ni Fidelity.

"Nandito na ako sa tarangka. Mamaya na kami papasok." Maingay ang background. Baka nagsisimula na ang programme.

"Sige, pupuntahan ko lamang si Nereen. Dyan ka lamang. Good luck, Nathan." Doon ay tumawa na naman siya.

Halos kalahating oras ay wala pa rin si Fidelity! Nasaan na ba ang kapatid ko? Baka naman kasi niloloko lamang ano noon.

Muli kong dinial ang numero niya. Walang sumasagot. Ang naririnig ko lamang ay ang ugong at ang telephone machine.

"Nathan" kinulbit ako ni Amber
Humarap ako sa kanila at nakita ko agad si Fidelity na malaki ang ngisi. Katabi niya ang babaeng nakita ko kahapon.

Naramdaman ko muli ang parehong init noong nakita ko siya. Walang pagbabago ang nararamdaman ko.

Mabilis kong tinahak ang gubat. She is in danger. Wala akong pakialam sa biglaan kong pagsugod. Wala ito sa plano pero hindi ko hahayaan na may mangyaring masama kay Jia.

Iniwasan ko ang mga estudyante. Para nga yatang hindi na nila ako makita. Ang paligid ay malabo na din dahil sa bilis ng takbo ko.

His Pervert Girlfriend [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon