Chapter 6: Business World

8K 93 0
                                    

Destiny is a word. Nageexist ba talaga yon?

Sa inyo? kasi sakin OO, maaaring hindi sa lahat ng bagay.. may mga ibang bagay na ikaw ang gagawa ng mismong future mo gaya ng education pero sa love ,, heart beats for someone,, kilala mo man o hindi.... kaibigan mo man o hindi.. kahit sa iba,, kapatid mo o kaaway................

**************************************************************************

"THUNDER?!/JIA?!" nagulat ako dahil iisa lamang pala ang aming pupuntahan. Hay! ang buhay nga naman...

Nasa gitna kami ng restaurant. Balita ko ay pagmamay-ari ito ng mga Villamor. Isang pang anim na taong lamesa ang naka-reserve para sa amin...

Elegante ang loob ng restaurant, may touch ng modern vintage. Magaling ang pagkakagawa ng interior designs. Isang malaking chandelier na parang snow flakes ang hugis ang nagbibigay ng liwanag sa buong kainan at mga ilaw na nakalagay sa puting salamin ang nakadigkit sa pader ang nagsisilbing tagapag-ilaw naman sa mga kumakain sa gilid. Mayroon ding mga musikero na nagbibigay ng payapang tunog. Buffet ang nakalagay sa gilid nito. Halatang masasarap ang nakahain dito dahil pag pasok mo palang ay matatakam ka na sa amoy ng mga ito.

Tumayo si Thunder at pinagtulak ako ng upuan. Gentleman ba talaga?, o baka nasa harap lang kami ng parents niya?

magkatabi sina mommy at daddy. katapat naman nila ay kami ni Thunder habang magkatapat naman ang mag-asawang Villamor..

"Mr. and Mrs. Villamor, Janice Elizabeth, my daughter" wika ni mommy...

"Ang ganda mo naman iha,, bakit nga pala kayo nalate ng pagdating. At mukhang pinaghandaan ang suot, katerno ng kay Thunder," sabi ni Mrs. Villamor..

"Ang totoo po niyan, magkasama po kami ni Thunder kanina. Nabasa po kami ng ulan kaya sabay na po kami bumili, nakakahiya nga po sa anak nyo, nilibre pa niya ako nito.."

"HIMALA!!, ano ang nakain mo Thunder at nanlibre ka? Kami nga simula pagkalabas mo sa bahay-bata ko ay hindi mo kami mabigyan kahit isang kendi,, tapos siya nabilhan mo ng ganyan? *hmmmmp*" ang cute nila mag-ina,,

"Oo nga pala Ma,, bigyan nyo po ako ng panibagong allowance para ngayong linggo..." nahihiyang sabi ni Thunder..

"Ha?! inano mo ang 500, 000..? bumili ka ba ng house and lot?" nabigla naman ako sa reaksyon ng mommy niya... pang isang buwan ko iyong allowance,, tapos sa kanya isang linggo?!

"Iyon po ang pinambili ko ng damit ni Jia at itong suot ko..." paliwanag nya...

"Ahhh,,,sige papadala ko nalang sayo bukas.."

Natahimik kami ng .. biglang may dumaang anghel... este waiter pala na dala ang pagkain...

Kanina pa ako gutom na gutom nung nasa mall palang kami, kaso nahihiya ako kay Thunder magsabi kasi siya na nga ang bumili ng damit ko.. ngayon ko lang nalaman na mahal pala talaga ako ni Thunder... este.. mahal pala talaga yung damit na binili sa akin ni Thunder....

kaldereta, bulalo, cordon bleu, kare-kare, chicken adobo at ham ang mga inilapag sa table namin...

Baboy ba kami at ganyan karami ang pagkain na inorder nila? nakaka-disapoint naman.... hmmmpp

Halatang nabasa ni Mr. Villamor ang nasa isip ko.."Dinamihan ko na ang pagkain kasi hindi ko alam kung ano ang gusto niyong kainin.." sabi naman ni Sir Villamor na kakagaling lang sa CR.... ahhhh ganun naman pala....

Natapos na namin ang main course,, ready for dessert na... kahit ang dami kong nakain, hindi parin ako busog kasi hindi ako nabubusog sa sabay-sabay na pagkain mula appetizer hanggang dessert...

His Pervert Girlfriend [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon