Chapter 1:Meet me! (part one)

20.7K 162 4
                                    

Thunder's POV

*kriiiiiiiing kriiiiiiiiing*

Napabangon ako ng biglang tumunog ang alarm clock ko, excited ako dahil first day of school namin ngayon. Sa wakas college na ako. Business Administration ang kinuha kong course.

Business Ad ang pinakuha sakin ni dad para daw mabilis akong matuto sa paghandle ng mga business namin. Anak ako ng mga Villamor, ang tinaguriang The Diamonds. Mayaman kami, marami kaming pagmamay-aring kumpanya hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong Asia.

Sinimulan ko na ang aking morning rituals. Maligo, magtoothbrush, at magpapahid ng kung anu-ano, syempre kelangan pogi ka pagpasok.

Pagbaba ko sa hagdan ay dumiretso na ako sa kusina para kumain

"Good morning, Ma!" bati ko kay mama. Hinalikan ko siya sa pisngi.

"Good morning din, Thunder. Umupo ka na at kumain, baka malate ka pa pagpasok"

"Ma, si manang po?" kanina ko pa kasi hindi makita si manang. Sya yung tagaluto namin dito. Kumuha na si Daddy ng tagaluto, baka daw kasi masunog yung kusina namin dahil sa mga pag-eexperiment ni Mommy.

"Ahh, umalis kagabi, nanghingi ng day-off. Ikakasal kasi yung anak nya." paliwanag sakin ni Mama. Sino kaya nagluto? Ahhh baka si Ate Deling.

Tinangal ko ang taklob ng pagkain at tumambad sa akin ang, ANO TO?! may bacon na pala na kulay itim?!.. Hala! kawawang mga hotdogs, hati ang kulay, black and pink?!.. at omelet..errrrr...... BLACK AMERICAN ata ang lahi...

Napalunok nalang ako. Nag-overtime yata ang simbahang katolika, masyado naman yatang masipag at mas napahaba ang pagpepenitensya ko. Kakatapos lang ng mahal na araw nung isang buwan, ahh. Pinilit kong ngumiti at kumain, magtatampo kasi si Mama pag hindi ako kumain.

minadali ko ang pagkain at nagtoothbrush ulit.

Pagkatapos kong maghanda muli ay nagpaalam na ako kay Mama

----------

sa school....

mga 20 minutes na ako naghihintay dito sa parking lot,, mapapatay ko yung mga kabarkada ko ehhhh.. pano ba naman ang usapan ay 7:30 nandito na, ehhh 7:50 wala pa rin sila...

10 minutes na lang at iiwan ko na ang mga ito. May klase pa kasi kami ng 8:00..

7:59 na at..

"Thunder!" sigaw nina Marco at Ren.. Kukutusan ko talaga tong mga 'to.

"Namuti na yung mga mata ko kahihintay sa inyo!" sigaw ko sa kanila sabay batok..Napakamot nalang sa ulo yung dalawa..

Tumingin ako sa orasan , 8:05 na?!

"Tara na nga! Late na tayo ng 5 minutes. Bagal nyo kasing maglakad" reklamo ko sa kanila

Habang naglalakad kami, sa loob ng hallway, nakasalubong namin sina Miyo at Alex, kabarkada din namin.

kaming lima ay may grupo ang Refresh, kung may F4 may F5 din at kami yun,, F5 ay Refresh diba?? magkakaiba kami ng ugali pero kahit ganon parang magkakapatid na ang turingan namin..

Si Marco ay tahimik palagi pero pag nagsalita yan, kapupulutan mo talaga ng aral. Kung hindi nga yan kasali sa grupo namin, baka nerdy boy na yan ehhh... siya si TORPE BOY,

Si Ren naman ang kasalungat ni Marco, maingay at makulit. Kapag wala kami sa mood sya ang nagjojoke.. Natatawa kami hindi dahil sa joke kundi dahil walang nagrereact pag katapos ng monologue nya...

Si Miyo ay ang Cassanova boy sa aming lima. Halos lahat na ata ng magagandang babae sa dati naming school ay nadate na nya. 2 weeks na yata ang pinakamatagal na naging girlfriend nya.

Si Alex naman ay ang pinakabata sa amin, December ang birthday nya, kami namang lahat ay November. Ewan ko ba kung excited ang parents naming apat o mabagal lang talaga gumawa ang parents ni Alex.

Ako naman si Thunder, ang leader ng groupo. Sa bahay namin sila lagi tumatambay o kaya sa aming garden. The Badboy ang turing sa akin, nambubully kami ng kapwa namin estudyante pero hindi ito umaabot sa demandahan o sakitan

Magkakakilala kami mula pagkabata, magkakaibigan kasi ang mga magulang namin. Maraming gustong sumama sa aming grupo kaso hindi pede, mula pagkabata ay lagi na kaming magkakasama kaya kilalang kilala na namin ang isa't isa...

Nasa tapat na kami ng classroom.....

Inunahan na ako ni Ren magbukas ng pinto, nakaagaw na naman kami ng atensyon.

Laking gulat naming lima, ...........PATAY!!!

His Pervert Girlfriend [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon