CHAPTER 9

197 7 0
                                        


CHAPTER 9

Cherrel POV

hai guyz.. what's up, Kilala nyo naman siguro ako diba?? hihihi ako ang new friend ng napakagandang si eureka hihihihi ang cool nya talaga kaya naman gustong gusto ko sya..

Naglalakad ako ngayon sa hallway papunta sa room kasi naman may klase ulit kami for the second period.. Ng sa di kalayuan ay nakita ko si eureka na naglalakad.. agad akong tumakbo papalapit sa kanya..

" Hey , euri!! .. "

isinukbit ko ang kamay ko sa braso nya , pero katulad kanina sobrang lamig parin ng kamay nya at braso agad kong tinanggal ang kamay ko sa pagkakayapos sa kanya hindi ko masyadong gusto ito.. ang lamig nya kasi parang patay.. Saan kaya pinaglihi ito sa Ice cream??

" uhm.. euri, bakit hindi ka na bumalik kanina sa canteen ?? "

" May dinaanan kasi ako sa garden.. "

isa pa ito sa medyo ayaw ko sa kanya .. ang tipid nya kasi magsalita.. ang daldal ko pa naman.. pero kahit ganyan sya gusto ko parin maging kaibigan nya.

Ng Makarating kami sa room ay ganun parin si eureka magkatabi kami sa upuan pero feeling ko parang may sarili syang mundo na para bang iniisip nya na sya lang mag isa ang nandirito .. kulang sya sa social development..

Pero may napansin ako sa may balikat nya punit ito na para bang nadaplisan ng kung anong matulis..

at may kaunti pa itong dugo..

Gusto ko sana syang tanungin kaso im scared baka bigla nya akong pagalitan or whatever..

" Ahm euri, gusto mo ba ulit sumabay sa akin mamaya punta tayo sa bahay.. ^_^ "

Tinignan nya lang ako ng seryoso ..

" Im so sorry pero hindi ako pwede may kailangan pa kasi akong gawin.."

nginitian ko nalang sya at itinuon ang atensyon ko sa harap dahil dumating na yung teacher namin..


PROJECT EUREKATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon