CHAPTER 17
3rd person POV
" parang nagulat ka yata?? "
she said while flipping her hair...
" Sophia.."
" oh, i forgot.. ahmm hindi ako ang iniisip mong ako!! .. what i mean is hindi ako si sophia pero pwede na rin.. hihihihi "
" Kung gayon sino ka?? , at bakit ka nanggugulo dito?? ano ba talaga ang kailangan nyo sa akin?? "
" Kami wala.. pero yung ama namin meron! "
" Sino ang tinutukoy mo? "
Nagsimulang maglakad paikot kay sophia ang babae hinanda naman ni eureka ang kanyang sarili sa maaring mangyari..
" Malalaman mo rin eureka.. pero hindi ako namdito para kunin ka, nandito ako para... "
hindi inasahan ni eureka ang nangyari may bigla nalang lumipad patungo sa kanya isang lamesa agad nyang iniharang ang mga kamay nya..
*boogshh*
tunog ng pagtama ng lamesa sa mga kamay nya..
" papatayin kita eureka.. ng dahil sayo nagdurusa ngayon ang kapatid ko, ng dahil sayo nakakulong sya doon ni hindi ko sya magawang tulungan.. araw araw , gabi gabi naririnig ko ang hinaing nya sa labas ng silid na iyon.. at IKAW , IKAW EUREKA ANG MAY KASALANAN SA NANGYARI.."
hindi magawang makapagsalita ni eureka o maka atake man lang.. sunod sunod ang pagtama ng mga bagay sa kanya, lamesa, upuan, plato , bato at mga kutsara at tinidor.. mas naging mahirap pa ito dahil nanggagaling sa kung saang deriksyon ang mga iyon..
" Hindi mo ba ako aatakihin?? hahaha kawawa ka naman.. "
parang hindi nauubos ang mga bagay na iyon..Hindi na nya matiis ang nangyayari.. Gumagamit ng telekenisis ang kalaban nya , nararamdaman nya ito dahil pareho silang may ganoong kapangyarihan.. Tumalon sya ng pagkataas taas upang mailagan ang mga bagay na iyon..
" akala mo ba makakatakas ka?? "
may bagay na naman galing sa taas ang tumama kay eureka natamaan sya nito sa may tiyan na dahilan ng pagkatalsik nya... Punit punit na ang damit nya halos makita na ang dibdib nito at ang laylayan din ng dress nya ay punit punit na.. pero hindi nya iyon inintindi ang pinagtataka nya bakit hanggang ngayon hindi parin lumalabas ang mga tao galing sa loob upang tingnan ang nangyayari gayong napakalakas ng mga nagagawa nilang ingay..
" Its an illusion.. akala ng mga tao walang nangyayari dito sa labas.. so ano tutunganga ka nalang dyan?? bago ko ulit makalimutan , magpapakilala ako.. IM project 8 but you can call me scarlet... Ako ang kambal ni sophia .. at ako ang tatapos sa yo, wala na akong pakialam kung magalit si papa sa akin o kung isumbong man ako ng taong nagmamasid sa atin ngayon sa kanya ang mahalaga makapaghiganti ako sayo.. "
Nagtaka si eureka.. napakunot sya ng noo sinong nagmamasid?? wala naman syang nararamdaman na ibang presensya bukod sa kanya at kay scarlet!..
" grabe.. kaya pala sya ang inutusan ni papa na magbantay at magmasid sayo kasi napakagaling nyang magtago ng presensya.. hahaha kawawa ka eureka.. oo ikaw ang una pero wag kang kampante.. siguro nga mas malakas ka, sabihin nalang nating hamak na mas malakas ka kaysa sa kanya... pero iba sya eureka, isang bagay na wala sayo pero nasa kanya"
" What do you mean?? "
" Nandyan lang sya sa paligid eureka pinagmamasdan ka.. hahahahaha at ngayon makikita nya kung paano kita papatayin.."
mabilis na naglaho si scalet pero nasusundan sya ng tingin ni eureka.. umayos sya ng tayo at tumalon sa isang napakataas na puno sa labas ng bahay nila cherrel ,may papalapit na naman sa kanya at ngayon isang malaking sanga na ng puno..
May nakita syang malaking tumpok ng malalaking bato sa labas ng bahay nila cherrel.. she concentrate and control it.. kaya bago pa tumama sa kanya ang mga sanga ng puno ay iniharang na nya ang mga bato medyo malakas ang pwersa na nanggaling sa kapangyarihan ni scarlet kaya medyo napaatras sya at lumipat sa kabilang puno.. puro matataas na puno ang nasa pinakalikod ng bahay nina cherrel at nagmistula na itong gubat
Nagpatuloy sila sa kanilang labanan.. pareho silang malakas at madiskarte.. Napatigil si eureka sa pag ataki.. kinalma nya ang kanyang sarili at pumikit..
" oh, suko ka na?? "
gusto nyang malaman kung hanggang saan ang abot ng kanyang kapangyarihan sa pagkontrol ng mga bagay bagay..huminga sya ng malalim at pumikit..
" sabihin mo lang kung susuko ka na ah.. para hindi ko na papatagalin pa ang paghihirap mo.."
iminulat nya ang kanyang mga mata.. parang kumislap ang kanyang mga mata.
" Hindi ako kailanman sumuko sa isang laban... if i say i'll win, I really win.."
" talaga lang huh.. haaaaaaaaa"
nagpalutang si scarlet ng malalaking debris , sanga at bato.. ibinuhos nya ang lakas at ibinato lahat ito kay eureka.. pero hindi gumalaw si eureka, kunting kunti nalang at matatamaan na sya nito.. itinutok nya ang kanyang palad sa harapan.. Malapit na itong tumama sa kanya ng biglang..
BINABASA MO ANG
PROJECT EUREKA
Science Fictionit is all about a girl named EUREKA DWAINE who died when she was 8 years old because of leukemia.. but scientist "Mr. Gregg" help her.. inject her a virus called DNEXEVOLUTION... nabuhay syang muli , ngunit hindi na sya yung bata na katul...