CHAPTER 7

243 9 0
                                    

Chapter 7

3rd person POV

Hindi alam ni eureka kung paano nya malalaman man lang kung nasaan si sophia dahil nga sa kakayahan nito ...

habang patuloy nyang hinahanap si sophia hindi nya namalayan na may hawak na pala itong kutsilyo kaya bago pa nya maiwasan yun ay nadaplisan na sya sa braso..

" wow, a fresh blood from the project number 1.. hahahaha masarap siguro kung lahat ng dugo mo mapunta sa akin.. "

sabi nito habang dinidilaan ang dugong nasa kutsilyo nito.. nagtataka si eureka dahil mabagal ang paghilom ng sugat nya, pag nasusugatan sya ng ganito ay dapat maghilom ito agad.. pero ngayon mukhang matatagalan pa..

" May espesyal na gamot ang nilagay dito sa dagger na ito na nagpapabagal sa pag hilom ng sugat ng mga katulad natin.."

napakunot ang noo nya?? gamot?? anong klaseng tao ba sila?? meron din kayang katulad ni mr. gregg??

" what do you mean?? sino ba talaga ang nagpadala sayo dito?? "

" Sa akin?? wala ... actually nandito ako para patayin ka, alam mo nagtataka nga ako eh.. Kami may pakiramdam pero kami pa yung hindi perpekto , at ikaw tong manhid ang gusto nya dahil magiging perpekto ka na!! hahh.. bakit ka ba nila pinag aagawan ih mukha ka ngang robot.."

bakit may mga nararamdamang poot , at inggit ang babaeng to gayong ang sabi nya kanina ay pareho lang sila.. naitanong ni eureka sa sarili nya, hindi nya parin maintindihan ang lahat!!

Napahawak sya sa sugat nya at naghanda .. nawala na naman sa paningin nya ang babae.. hindi pa naman sya nakakapwesto para sumangga ay natamaan na naman sya ng dagger na hawak ni sophia..

" Ugh.."

" tsk.. yan lang ba ang kaya mo?? akala ko ba malakas ka.. ni pag ilag sa ataki ko hindi mo magawa hahahaha "

hindi nya alam kung paano nya malalaman kung nasaan si sophia habang nagsasalita ito.. Ipinikit nya ang kanyang mga mata , pinalakas ang pandinig at pakiramdam..

Napamulat sya ng mata ng may marinig na munting ingay ba parang pagaspas sa hangin.. ng tingnan nya ito sa likod ay napagtanto nyang tama ang hinala nya..

" Ano susuko ka naba?? "

" Mukha ba akong susuko?? "

napataas lang ng kilay si sophia habang naglalaho , pinikit ulit bi eureka ang kanyang mga mata habang pinapakiramdaman ang paligid..

Isang pagaspas.. Sa kanan!

Mabilis nyang nailagan ang atake ni sophia.. ngayon alam na nya kung paano ito malalabanan.. nagulat naman si sophia dahil nailagan sya ni eureka sa pag atake nito..

Nawala ulit si sophia ..

Isang tunog uli ngayon naman sa likod.. Nailagan ulit nya ito..

Naiinis na si sophia dahil naiiwasan na sya ni eureka at nakapikit pa ito.. parang nainsulto naman sya sa paraan ng pakikipaglaban ni eureka..

" Grrrr.. sisiguraduhin kung matatamaan ka na.. "

Naglaho ulit sya pero sa pagkakataong ito ay medyo malayo sya sa pwesto ni eureka..

Mahinang tunog ang nadinig ni eureka.. At sandali lang iyon, wala na syang ibang nadinig.. binuksan nya ang kanyang mga mata pero hindi nya parin makita si sophia.. Hindi nagtagal ay may naramdaman syang pwersa na parang nakapalibot sa kanya.. KaHit saan sya lumingon ay wala syang makitang kahit anino man lang ni sophia..

" Hindi ka na makakatakas ngayon.."

Unti unting lumalakas ang pwersang nararamdam nya.. palapit ng palapit.. Anong nangyayari?? naitanong nya sa sarili...

" Papatayin kita eureka... "

May lumabas na napakalaking mga bola na nakapalibot kay eureka ngunit hindi ito nakikita ni eureka si sophia lamang ang nakakakita nito.. Iniwasiwas nya ang kanyang kamay at ang mga bola ay nagpaikot ikot kay eureka , Pagkatapos ay Sabay sabay itong bumulusok patungo kay eureka na kasalukuyang nakatayo sa gitna at pinakiramdaman ang paligid..

Tumama ito sa gawi ni eureka at nakalikha ng napakalakas na tunog ngunit ang nakakarinig lang nito ay sina Eureka .. may ginawa si sophia para hindi sila makagawa ng kahit na anong bakas para mapansin sila na naglalaban ..Illusion para sa mga estudyante at iba pa..

" hahh.. wala ka palang binatbat.. "

wika ni sophia, syempre hindi pa ito ang tamang panahon para makaalam ang mundo tungkol sa mga katulad nila!

bumaba si sophia sa lugar na pinag tataguan nya kanina , sisiguraduhin nyang walang bakas ng pagkabuhay ang natira kay eureka..

" hmm, mukhang hindi ka nga ganoon kalakas.."

akma na sana syang lumapit doon sa kinalalagyan ni eureka ng may biglang maramdam syang bagay na papalit , muntik na syang matamaan nito pero nakailag sya ..

" Ouch!"

she touch her left shoulder... Blood ! nadaplisan pala sya nito!

ng tingnan nya ang tumamang bagay sa kanya na ngayon ay nakatusok sa semento, nagulat sya .. isa iyong stick ng kahoy nagmukha itong kutsilyo dahil sa lakas ng pagka bulusok nito kanina.. napatingin sya harapan nya para siguraduhin na nandoom ang katawan ni eureka pero nagkamali sya.. wala ito doon isang wasak na sahig lang ang nakita nya.

" Peste..."

and again may naramdaman syang papalapit ulit but now , hindi nalang ito sa isang direksyon .. mayroon sa kanan, meron rin sa kaliwa sa harapan at sa likod.. hindi nya inaasahan ang ganito .. tumalon sya ng pagkataas taas..

" ano bang nangyayari nasaan ba ang babaeng--- "

bago pa nya matapos ang kanyang sasabihin ay bigla na lang may dumamba sa kanya.. Sabay suntok sa mukha nito at isang napakalakas na sipa sa tiyan na dahilan ng pagkabulusok nito pababa..

" Hindi mo ako madaling mapapatay sophia.. "

" Talaga?? "

at bago sya ulit makasugod kay eureka ay bigla nalang itong nawalan ng lakas at natumaba..

" anong ginawa mo sa akin.. "

" i used your weapon on you..."

napatingin sya sa may gilid upang makita na wala na pala doon yung dagger nya..

" may isa kang hindi alam tungkol sa dagger na yan... actually may nakita na akong ganyan din ang itsura sa laboratory ni mr. gregg but i didnt expect na ganyan pala ang epekto ng chemical na hinahalo nya doon.. katulad na katulad din nyan nung mga nasa laboratoryo nya.. i wonder sino nga kaya ang nagpadala sayo dito?? "

" Wala kang kahit na anong malalaman sa akin.. your just a pathetic, loser ,stupid project .. your a mistake... "

" talaga?? well let's prove it.. "

Akmang susugod na sya kay sophia ng may biglang sumulpot na sobrang liwanag..



PROJECT EUREKATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon