CHAPTER 50

53 7 0
                                    


malamig! Yun ang nararamdaman ni eurEka..

Pero ang init ng pakiramdam nya para bang may kung anong bagay ang pumapasok sa loob ng katawan nya..

Isang imahe ang nakikita nya, its blurry.. Isang tao lang ang nakikita nya ng malinaw, isang batang babae na naglalaro at may kakaibang saya sa mga labi nito.

" Titoooo.... Willllll... Risy..... halika kayo dito!!! "

Napakasaya ng bata na iyon habang tinatawag nya sila. Papalapit ito sa bata at unti unti na nya itong nakikilala.. This scene is familiar,

" Ang picture.."

Naalala nya ang picture na nasa album, matagal na nyang gustong malaman kung sino ang mga taong iyon..

" Tito leo pwede po ba tayong magpakuha ng litrato.. "

Ngumiti yung lalaki na tinatawag nyang tito.. Yung batang babae ay sya, Yung lalaki naman na tinatawag nyang tito ay si leo,

" William... halika magpipicture taking tayo.. "

tinawag ni leo si william.. Si william, Sya yung batang katabi ko.. At ang william na ito ay si michael.

" Wow, sige papa.. sa gitna si eureka kasi sya ang babae hihihi "

" aba, dapat lang na gitna ako will.. Teyka sino ang kukuha ng picture?? "

biglang itinaas ng isang bata ang kanyang kamay.

" ako nalang.. "

" Huh?? hindi yun pwede, dapat kasali ka sa picturetaking namin Risy."

Ngumiti ang batang lalaki, napaka tahimik nito hindi katulad sa isang bata na si william na madaldal at makulit.

" Okay lang.. Ilalagay ko naman ang initial ko sa likod ng litrato, "

ngumiti nalang din ang batang eureka..

" Sige one, two , three , say cheese!! "

***

nilapitan ni eureka ang kaibigan nitong tinatawag nyang risy.

" Bakit ba ayaw mong magpakuha ng litrato kasama ko risy?? "

" wag mo sabi ako tawaging risy, pambabae yun eh.. at tyaka hindi naman sa ayaw kitang kasama sa picture.. "

" eh bakit hindi ka sumali sa amin kanina?? *pout* "

" Eureka, i want you to remember me by my name and my personality.. Gusto ko na itatak mo ako sa kakarampot mong utak hahaha.. Ano naman ang silbi ng picture kong sa darating na araw makakalimutan mo din ako, makakalimutan mo kung sino ang tunay na ako..Picture is just a thing but a memory is your whole. alalahanin mo ako sa kung anong nakikita mo,.. Look i put my initial, "

Tinignan ni eureka ang likod ng picture.

" Mr. R?? grabe ka talaga risy, Nanonosebleed na nga ako sa pinagsasabi mo tapos ganyan pa?? bakit R lang yung nilagay mo ,bakit hindi mo ilagay yung buo mong pangalan risy?? "

Napakunot ng noo ang batang lalaki.. Sa paningin ni eureka ay unti unti narin itong naging malinaw.

" I told you, Im not risy.. Im RISTON.. call me RISTON ,NOT RISY .. "

" hahaha ou na MR. RISTON.. hahahaha "

RIston?? Si Riston ang batang ito? Malinaw na sa paningin nya ang itsura nito.. Paano nangyaring sya si riston?? Magkapatid na sila??

" Riston , Eureka.. halina kayo at kakain na tayo.. "

" Yes dad.. "

" opo tito.. "

Daddy?? ama nya si leo?? Magkapatid si michael at si riston?? pero bakit hindi nya sinabi?? isang imahe na naman ang nakikita nya.. ngayon ay sarili na nya ang nasa harapan nya..Kakaiba, Parang wala itong puso kung pumatay at mangwasak .. Anong nangyayari sa kanya?? bakit ganito ang nakikita nya.. Mangyayari ba ito?? Ganito ba ang magiging kahihinatyan pag nailagay na sa kanya yung sinasabi ni leo na kulang sa kanya?? Kailanman hindi nya inisip ang ganitong bagay, Hindi sya ganoon kasama para pumatay ng inosenteng tao.. Mas lalo syang nagulantang at tumulo ang luha nya ng makita ang nakahandusay na katawan ng magulang nya , sina riston at sina cherrel.. wala na silang mga buhay.. How could she do this kind of thing..

Tumulo ang luha sa mga mata ni eureka.. Nasasaktan sya, Sa lahat ng ginawa nya ganito ba ang magiging kapalit?? talaga bang ginawa sya para sa sariling hangarin ng taong ito na masakop nya ang mundo? Patuloy lang sa pag sira at pagpatay ang eureka na nasa harapan nya.. hindi na nya ito kaya..Sinubukan nyang lumapit sa eureka na nasa harapan nya, pero may harang na pumigil sa kanya.. Ano ito?? pinagsusuntok nya ito pero hindi nya magawang wasakin..

" Tama na.. itigil mo na yan.. inosente sila!!"

Pinilit nyang isigaw iyon pero parang hindi sya nito naririnig at patuloy lang sa ginagawa nito.


" Itigil mo yaaaaaan.. pakiusap!! makinig kaaaa.. Itigil mo iyan.. "

hinahampas parin nya yung harang pero hindi nya parin mabasag ito.

Lumingon sa Ito sa kanya, Napatulala si eureka ng makita nya ang mga mata nito.. Purong pula ang kulay nito, Iba sa kulay ng mga mata nya ngayon.. pero may isa pa syang napansin, Lumuluha ito!! Iniabot nito ang kanyang kamay kay eureka..

Sinubukan ni eureka na hawakan ang kamay nito pero hindi nya magawa dahil unti unti na itong naglalaho..

" Sandali.. Sandali langggggg "

huli na ng makita nya ang sarili nyang nahuhulog sa isang malalim at madilim na bangin.

" Ahhhhhhhhhh.. "

*** Napamulat ng mga mata si eureka, She found herself inside the capsule, Napatingin sya kay leo na nasa harap ng malaking computer..

" magaling kunti nalang at makokompleto kana talaga.. "

"97% OF TRANSFER COMPLETE."

Transfer?? teyka wag mong sabihing?? Napatingin sya sa katabi nyang capsule , umiilaw ito.. Ganoon din sa kanya ..

Napahawak sya sa dibdib nya.. unti unti nyang nararamdaman na may pumapasok na kung ano sa kanya..

" Aahhh.. ayaw ko nito.. "

gusto nyang sabihin pero hindi nya magawa.. Ang tanging ginagawa lang nya ay ang saktan ang sarili nya..

" Wag.. Ayaw ko nito.. pakiusap.. "

"100% TRANSFER COMPLETE"

Parang nawala ng ulirat si eureka biglang nagdilim ang paligid nya ng sandali.. Ng mahimasmasan sya ay iba na ang pakiramdam nya.. Hindi nya makontrol ang sarili nya, Iba ang ginagawa ng katawan nya sa kung ano ang iniisip nya.. unang inilabas sa capsule si william o tawagin natin na si michael. inihiga ito ni leo sa isang kama , hindi parin ito gumigising !! Ng maihiga nya ito ay binuksan na nya ang capsule tube ni eureka..

" Nakakamangha.. isang bagong likha na dapat katakutan ng lahat, Napakaganda hahahaha "

Nagkatotoo ang nakita ni eureka kanina.. Naging kulay pula ang ang mga mata nya. Hindi na ba nya ito mapipigilan??

" Halika na eureka, simula ngayon tatawagin mo na akong PAPA.. "


" Opo PAPA.. "

PROJECT EUREKATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon