CHAPTER 45

72 5 0
                                    


May ibinigay din ako sa kanya na dalawang baril at mga bala, At isang dagger.

" Grabe, paano ko ito madadala?? "

inihagis ko sa kanya ang isang parang vest, na pwedeng kabitan ng mga baril sa likod .. malalaki kasi yung mga baril kaya kailangan sa likod ilagay, isinuot ko din yung akin..

Tinitigan ako ni riston..

" aalis ka ng ganyan?? "

tinignan ko ang sarili ko, ano namang mali dito?? nakadress ako na above the knee tapos yung vest ay isinuot ko, okey lang naman yung suot ko ah.. komportable ako at bumagay naman yung kulay ng vest sa dress ko kaya no worries..

" I mean.. okey lang yung dress pero aalis kang naka heels?? baka matapilok ka nyan! hahaha "

" sino nagsabing mag heheels ako?? "

tumaas ang kaliwang kilay nya sa sinabi ko. hinalungkat ko yung isang cabinet.

Actually nandito kami ngayon sa loob ng isang kwarto , ito yung kwartong tinutuluyan ko noon habang nandito ako sa lab ni mr. gregg.

" gottcha.. "

nakita ko ang black leather boots na ginagamit ko, 3 inches below the knee ang haba nito. at may heel na 1 inch kaya hindi sya mahirap dalhin.

" Ow sabi ko nga may reserba ka.. "

medyo natatawa sya, ang engot ni riston ngayon.. pinapagaan nya ang nararamdam ko ngayong gabi.

I really want to thank him dahil sa lahat ng ginagawa nya para sa akin.

" Halika na nga riston, may pupuntahan pa tayo.. "

" Ayieee eureka.. I de date mo na ba ako?? kilig naman, saan tayo mag de date.. "

" Sa impyerno.."

" Ito naman di mabiro!! pero mag promise ka naman na pagkatapos nito at okay na ang lahat ide date mo ako.."

I raise my eyebrow..

" At bakit naman kita ide date?? bakit ako ang magyayaya?? lalaki ba ako?? "

" kasi gwapo ako.."

huh??

".ewan ko sayo..halika ka na nga.. "

nauna akong lumabas ng kwarto at dumiretso na palabas ng building na yun nakasunod sa akin si riston. kailangan kong magmadali , hindi ko alam kong ano nang nangyayari kina mama at sina cherrel.. pag nalaman ko na sinaktan nila sina mama at mga kaibigan ko, magbabayad sila.. papatayin ko talaga sila.

" Riston.. "

Napalingon si riston sa akin. i handed him the key..

" Alam mo naman siguro papunta sa address na yun diba?? "

he nodded.

" mauna na akong pumunta doon, mas matatagalan kasi pag sumakay pa ako.. "

" sige naiintindihan kita.. magkita nalang tayo doon. "

Pinaandar na nya ang kotse ako naman nagsimula na akong tumalon , sa building , mga puno.. pero dahil sa bilis ko para lang akong hangin na dumadaan na walang bakas na naiiwan.

3rd person POV

Nakarating na si eureka sa sinabing address , mas nauna syang dumating keysa kay riston.

Ng makarating sya doon ay napatindig balahibo sya ng tumama sa kanyang balat ang malamig na hangin na umiihip..

Ang tahimik ng paligid ang maririnig mo lang ay ang mga pagaspas ng dahon mula sa mga puno dahil sa pag ihip ng hangin.

PROJECT EUREKATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon