EPILOGUE

144 12 4
                                    


Nagising si eureka.. inilibot nya ang kanyang tingin sa buong kwarto..

" Riston... "

bulong nya sa lalaking katabi nya ngayon sa higaan.

Iminulat ni riston ang kanyang mga mata.. Nginitian niya si eureka at hinalikan ito sa noo.

" Goodmorning Eureka.. kumusta ang tulog mo? "

" :-) okay lang.. basta't alam ko na nasa tabi kita ay okay lang.."

Hindi mapigilan ni riston ang mapaluha.. 5 araw na simula noong nilabanan ni eureka si leo , 5 araw na rin nyang iniinda ang nararamdaman nya...

Masakit para sa kanya ang nakikita si eureka na nasasaktan at alam nito na wala syang magagawa para dito.

Hindi na bumalik pa sa dati ang kulay ng mga mata ni eureka.

Maraming nangyayari sa kanya..

Dahil sa lakas ng kapangyarihan nito ay hindi na nya ito makontrol, Sa mga oras na nangyayari ang mga bagay na iyon ay ikinukulong nila sa kwartong ito si eureka..

Dinesenyo ito ni mr.gregg para lang talaga kay eureka..

Habang nasa loob ng kwartong ito si eureka. Lahat sila ay dinig na dinig ang paghihirap ni eureka dahil sa nararamdaman nya, Nalaman narin nila cherrel ang tungkol sa tunay na pagkatao ni eureka, Tanggap naman nila ito , Dinadalaw nila si eureka pag may oras sila..

Si michael naman ay comatose at dito rin sya sa lab ni mr. gregg...

Unti-unting pinapatay si eureka ng kapangyarihan nya.

Sinubukan narin ni mr. gregg ang lahat para matulungan si eureka sa lalong madaling panahon..

Pero Hindi nya nagawa..

Simula ng mangyari ito kay eureka ay palagi na syang tinatabihan ni riston pag natutulog ito..

" Umiiyak ka na naman!! -3- "

She pout. Mas lalong naiyak si riston , She really look pale and weak. Ibang iba sa nakasanayan nyang eureka.

" Hoy ano ba, magdadrama ka na naman.. "

" Masaya lang ako at nandito ka sa tabi ko ngayon kinikilig tuloy ako.. kaya ayan naluluha ako.. Tears of Joy ito.. "

" Tss.. ewan ko sa iyo..Nagugutom na ako riston.. "

" O sige halika na.. punta na tayo sa baba.. "

" Maghihilamos muna ako riston.. "

" Okay ^_^ "

Tatayo na sana si eureka ng bigla syang mapaupo..

* blaaghgagh *

Dali daling nilapitan sya ni riston..

" Eureka.. "

Nakayuko si eureka.. akala ni riston umiiyak ito.. Pero nakangiti sya ng tumingin ito sa kanya..

" Mukhang Nauna ng Sumuko yung mga paa ko.. hahahaha Naku naman Paano na ako makakasipa kay michael at kay lawrence.. tsk. b-bakit ba sumuko na kayo mga paa ko . binubigyan nyo ng mas malaking trabaho itong si riston. ang dami ko ng utang sa kanya.. baka hindi ko na mabarayan.. hahaha "

tumatawa sya , pero halatang nasasaktan sya..

Naikuyom ni riston ang kanyang mga kamay.. Binuhat nya si eureka..

" Hoy, a-ano ba riston..hindi naman ako sobrang baldado kailangan ko lang ng---- "

" Ssshh... Ako na ang magiging paa mo simula ngayon, Alam kong nasasaktan ka.. Ilabas mo lang eureka.. Magiging matapang ako pangako!! "

PROJECT EUREKATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon