CHAPTER 47

50 5 0
                                        

.. walang makitang pintuan palabas ng kwartong yun si eureka. At kahit anong gawin nyang pagsuntok o pagsipa dito ay wala parin itong silbi, kasi sa tuwing pinapatamaan nya ito ay naglalabas ito ng kakaibang tunog na nagpapakasakit sa teynga nya..

pero pinagpatuloy nya parin ang pagsuntok at pag sipa dito dahil nararamdaman nyang medyo nagkakaroon na ito ng pinsala.

" Itigil mo na nga yan, sinasayang mo lang ang lakas mo dyan.."

Napalingon sya dahil sa boses na kanyang narinig.

"Riston .."

mAy speaker doon na dahilan kung bakit naririnig nya si riston..

Biglang umilaw ang buong paligid at may bumukas na pintuan.

" Lumabas ka na dyan eureka dahil parating na sila. "

Nagmadaling lumabas si eureka sa kwartong yun..

Lumabas narin si riston sa control room.

Tumakbo si riston papunta sa direksyon kung saan naroon si eureka.

" Riston , nandito ako.. "

" Eureka.. mabuti naman at okay ka lang.."

Napayakap sya kay eureka , ganun din si eureka sa kanya ..

" Anong nangyari sa iyo at bakit marami kang sugat?? "

" Mahabang kwento :-) , saan ka pupunta ngayon?? "

Nakatitig si eureka kay riston isa lang ang naiisip nyang puntahan..

" Pupuntahan ko si leo, ikaw ng bahala kina mama at sa iba.. Magtutuos kaming dalawa ng leo na iyon.."

" Pero eureka.."

" Sige na riston, mas mapapanatag ako kung alam ko na nandyan ka para iligtas sila .. ako na ang bahala sa sarili ko kaya sige na, iligtas mo sila" Aalis na sana si eureka ng bigla syang hinawakan ni riston sa kamay. Napatigil sya at napatingin kay riston.. "

" Ipangako mo sa akin eureka, na magiging ligtas ka at babalik ka... "

Hindi maipaliwanag ni eureka ang kanyang nararamdaman ang bilis ng tibok ng puso nya, Hindi nya maipapangako na hindi sya masasaktan.. hindi rin nya masisiguro na makakabalik pa ba sya, Isa lang ang nasa isip nya ngayon ang mailigtas ang mga taong mahal nya lalong lalo na ang lalaking nasa harap nya ngayon..

Hinigpitan ni eureka ang hawak nya sa kamay ni riston , lumapit sya dito ..

Kunting distansya nalang ang namamagitan sa kanilang mga mukha nginitian nya ito ng napakatamis at..

*tsup*

She kiss his cheek, Sabay sabing..

" I try ^_^ "

hindi nakagalaw si riston sa kinatatayuan nya..

Nakatingin lang sya ngayon sa tumatakbong paalis.. na si eureka.

" 0________0 "

****
patungo ngayon si eureka sa silid kung nasaan si leo..

Yeah she know where he is, habang tumatakbo kasi sya kanina may nakasalubong syang mga kawal at may itinira syang isang kawal na pinahirapan nya.. tinanong nya ito kung saan matatagpuan si leo at luckyly sinabi nito kung saan ito matatagpuan.

Pinalakas nya ang kanyang pakiramdam at inihanda ang sarili sa possibleng mangyari, Nasa teritoryo sya ng kalaban kaya marami ang pwedeng mangyari.

Habang papalapit sya sa kanyang destinasyon ay mas lalo syang nagtataka bakit hanggang ngayon wala paring sumasalubong sa kanyang mga kalaban?? Isa ba itong patibong?? Kung ganoon nga ay wala syang pakialam susuungin nya lahat, haharapin nya lahat kahit na anong mangyari.

Samantala, Patungo si riston ngayon kung saan matatagpuan sina cherrel at mga magulang ni eureka.

Nalaman nya kung saan sila matatagpuan dahil nakita nya ito control room.

Habang patungo sa kinaroroonan ng mg ito ay nagtataka sya, Wala man lang humaharang sa kanila.

Wala sa hinuha nya ang ganitong eksena. Ine expect nya na may haharang o makakalaban sya.. pero sa napapansin nya ay parang walang ka tao-tao doon.

Binaliwala nalang nya ito, nagmadali sya papunta sa storage room kung saan nandoon Sina cherrel at iba pa.

Wala muna syang dapat isipin kundi ang iligtas sila.

Nakarating sya sa storage room. Napakunot sya, Parang may mali.

Pati dito ay wala ring bantay.. Hindi mo mabubuksan ang pintuan dahil kailangan ng code.

Kinuha nya yung card na nasa bulsa nya. nakita nya ito kanina sa control room. He swipe it, at bumulas ang pinto... Naghalo halo ang emosyon nya, Saya dahil sa nakita na nya ang mga ito, Lungkot dahil sa nangyari sa kanila at galit dahil sa hindi makatarungang pagpapahirap nila leo sa mga ito.

Nakatali ang mga ito at hindi makapagsalita dahil sa mga takip sa bibig.. Takot na takot na tumingin si cherrel sa kanya.. Iling ito ng iling gustong magsalita pero hindi nito magawa. Hindi nya na ito matiis at pumasok na sya sa kwartong yun..

Tinanggal nya ang nakatakip sa bibig ni cherrel.. Agad itong nagsalita at halatang sobrang kinabahan ito at takot na takot.

" Hindi ka dapat pumunta dito.. Isa itong patibong , lumabas kana riston habang may oras pa.. Lumabas ka na.."

Nagulat si riston sa sinabi nito.. Hindi na sya nakapagsalita pa at agad na tumayo.. tumakbo sya papunta sa pinto ngunit bago pa sya makalabas ay sumara na ito ng tuluyan.. pinilit nyang sirain ito pero hindi nya nagawa, ginamit din nya ang card pero wala din itong naitulong sa kanila..

Doon lang nya napagtanto, ang Card na hawak nya, Ang Inpormasyon kung nasaan sina cherrel . Lahat ng yun ay isa lang patibong...

Hindi sya makapaniwala.. Biglang may lumabas na usok , unti unting napuno ng usok ang kwartong yun.. Unti unti din silang nakatulog ng masinghot nila ito..

[ A/N : Hey, guysssss.. HAPPY NEW YEARRRRRRRR!!! As a token.. mag uupdate ako ng Two chapters ngayon.. phewww grabe, thank you talaga sa lhat ng nagbabasa ng story na ito. sa nag add sa reading list nila.. sa nagvote.. sa inyong lahat huhuhuhu thank you talaga.. kahit walang kwenta ang story na ito ay pinag tyatyagaan nyo paring basahin.. lovelots.. XOXO ]

PROJECT EUREKATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon