Kabanata 6: Thunder

22.6K 599 21
                                    

SAMANTHA

Napakamot ako sa bandang ulo ko dahil sa kakulitan ng apat maliban sa dalawa. Di ko alam na ngayon din sila bibisita dito. Di tuloy ako nakapag-luto ng pagkain.

"Kamusta na kayo, Sam?" masayang bati sa akin ni Syra habang nakahawak sa dalawang kamay ko. Namula naman ako ng maalala ko yung kanina. Muntik na eh, nandoon na kaso biglang sumulpot sa isipan ko ang mukha nung mokong na iyon. Hayts.

"Oyy, namumula sya." sinundot nya ako sa may tagiliran "Ano may nabuo na ba?" bulong nya sa akin.

Nanlaki ang mata ko at di sinasadyang napasigaw "WALA NGA EH! SAYANG!"

Napahinto yung tatlo sa pagkukulitan dahil sa pagsigaw ko kaya marahan akong ngumiti sa kanila at nag peace-sign.

"Naku, girl! Iseduce mo yang asawa mo para may mabuo na kayo! Gusto ko ng magkaroon ng inaanak!" sabay hampas sa balikat ko.

"Sige, susubukan ko mamaya." ngiwing ngiti ang sinagot ko sa kanya.

"Tss, she's dumb to do it." biglang singit ni Thunder na nasa likod lang pala namin habang nakatayo sya at hawak ang laptop nya.

"Ewan ko sayo, Kidlat! Napaka KJ mo. Aish!" inirapan naman sya ni Syra pero itong si Thunder walang paki-alam at lumakad papaalis ng pwesto nya sa likod namin.

"Hmm, bakit pala Kidlat ang tawag nyo sa kanya? Diba, dapat kulog kasi tagalog iyon ng Thunder?" nagtatakang tanong ko.

Nginitian nya ako at kinurot ulit ako sa pisngi kaya napangiwi ako sa sakit! Ohmy! Bakit ang hilig nyang pagtripan ang pisngi ko? She's more beautiful than me. Bakit mas trip nya ang mukha ko?

"Kaya Kidlat ang tawag namin sa kanya kasi ang pangalan nya ay Thunder Storm Featherson kaya mas trip namin yung second name nya gawing tagalog at gawing palayaw nya. Ang cute diba?"

Tumango ako sa sinabi nya kaya pala ganun na lang kasungit kasi pinaglihi siguro sya sa panahon ng thunderstorm kaya parang galit sa mundo.

Nagkwentuhan muna kami ni Syra ng ilang minuto bago naming napagdesisyunan na magluto para sa hapunan. Gabi na rin kasi at medyo kumakalam ang sikmura ko. Di kasi ako nakakain ng maayos ng umagahan at tanghalian. Feeling ko nga tinitipid nila ako eh.

Nang makarating kami sa kusina ay di ko maiwasang di humanga. Kumpleto lahat ang mga appliances at talagang naka-organize ang bawat utensil.

"Buti na lang talaga ilang beses na punta na namin dito at hindi tayo maliligaw sa mansion nyo. Napakalaki kasi noh?" she giggled. I nodded. She's right, napakalaki ng mansion at siguradong magkanda ligaw ligaw ako dito dahil sa laki pero mabuti na lang nanghingi ako ng blueprint kanina kay Sunget at sinaulo ko.

"Oo nga pala, anong lulutuin natin?" she asking while she read her cooking book. Ako naman ay abala sa pag-aayos ng mga ingredients at ng mga gamit sa pagluluto.

"Home made foods. I think adobo is the best?" I requested kaya ngumiti sya ng bahagya sa akin at nag OK sign sa akin.

Mga isang oras na pagluluto ay inayos na namin yung hapag kainan at yung mga pagkain. Natatawa nga ako sa kanya dahil ang hilig nyang mag-organize pagdating sa mesa para ka talagang nasa five star hotel.

"Tenen! Tapos na! Tara tawagin na natin sila!" masayang wika ko sa kanya.

"Hey, guys! Kain na tayo! Si Sam yung nagluto!" nagsilingunan naman sila maliban kay Sunget na hindi ako pinansin at dinaanan lang ako para tuloy kinurot ang puso ko dun.

"Ang lungkot mo, Sam. May problema ba?" nag-aalalang tanong nya sa akin. Binigyan ko naman sya ng pekeng ngiti.

"Tss, I'm full." sabat ni Kulog. Oo, simula ngayon Kulog na ang tawag ko sa kanya para sa akin yung naiiba.

Married To A Gangster's KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon