Not Edited.
SYRA
"Welcome to your hell, Miss."
Napalunok agad ako, di ko alam ang gagawin ko habang nakatutok ang katana nya sa pulso ng leeg ko. Tumingin lang ako sa kanya at bakas sa mukha nya ang pagkagusto na patayin ako.
Wala na ba sasaklap dito?
"Matagal mamatay ang masamang damo."
Tinaasan ko sya ng kilay. Tama, di dapat ako matakot sa kanya. Kung pagbabasehan ng lakas at bilis. Walang-wala sya. Oo, ang lahat ng underlings ni Dionysus ay matalino pero sa close combat, wala sila. Di sa lahat ng oras kailangan ng talino, minsan kailangan mo din ng lakas at bilis.
Ngumisi lang sya at idiniin ang dulo ng katana sa leeg ko na unti-unting umaagos ang dugo ko mula sa leeg ko hanggang papunta sa blade ng katana nya.
"Kung wala kang gagawin. Baka mapatay talaga kita."
"Who would say na papayag akong patayin mo ako?"
This time ako na ang napangisi at sya naman ang namutla.
Habang abala sya sa pagdiin ng dulo ng katana sa leeg ko. Sinamantala ko na ang pagkakataon na kunin sa likod ko ang katana ko at tinutok ito sa tagiliran na hindi nya napapansin. Once na gumalaw sya tagos sa laman ang katana ko.
"Kung sa close combat. Una pa lang talo ka na."
Mabilis kaming naghiwalay sa isa't isa habang hawak namin ang sarili naming katana. Mabuti na lang nandito kami sa Underground battle field at open ang hangin dito. At wala rin gangsters ang nakapaligid sa amin.
Tumatama sa mukha ko ang malakas na hangin at lumipad ang mahaba kong buhok na humahampas sa likod ko.
Nagpakiramdaman lang kami habang nakatitig kami sa isat isa. Siguro, naghahanap din sya ng pagkakataon na humanap ng tiyempo para sumugod. Pero iba ang akin.
Sya lang ang hinihintay ko. Like the predator waiting for her prey. Tinaasan ko sya ng kilay sa pamamagitan nun, alam nyang hinahamon ko sya. Pero nag-aalangan sya kung susugod ba sya o hindi. Mukhang nakukuha nya ang logic ko huh?
Mukhang mahirap talagang patumbahin ang isang 'to.
_
THIRD PERSON
Nag-aalangan sya kung papasok ba sya o hindi. Baka kasi kapag pumasok sya, bumungad sa kanya ito at isang malakas na batok ang matanggap nya. Nakaka-alog pa man sa utak ang batok nito.
"Woah, enter or I will die?" biro nya sa sarili nya.
Nagkibit balikat na lang sya at pinihit nya ang seradura pero napatigil sya bigla. Napakamot sya sa kanyang batok. Ayaw nya na atang tumuloy.
"Kung papasok ka, pumasok ka na."
Napatalon sya sa gulat dahil sa pagsulpot nito sa likod nya. Ito na nga ang sinasabi nya, dapat pumasok na sya para di nya na maabutan ang babaeng ito sa labas. Ayaw nyang makatanggap ng malakas na batok na manggaling dito.
"Kung minanalas nga naman." napabuga sya ng hangin sa kawalan kaya nakatanggap sya ng malakas na batok na galing dito.
"Kung pumunta ka lang dito para asarin ako. Pwes, lumayas ka dito!" sabay tulak sa kanya.
Sa lahat ng utos ni Zeus sa kanya, ito ang napaka-ayaw nya. Ayaw nya makita ang babaeng ito, dahil ilang beses na bang napahamak ang junjun nya dito? In million times na ata? O higit pa.
BINABASA MO ANG
Married To A Gangster's King
ActionNothing less and nothing more. She's Samantha Cortez and destined to be married to a gangster's king.