Kabanata 32: Confusing As Hell

12.4K 315 366
                                    

Not Edited.


SAMANTHA

Marahan kong iminulat ang aking mata, bumungad sa akin ang puting kisame. I blinked my eyes twice at ipinilig ang ulo ko. Nasan ako? Anong nangyari?

Napasinghap ako ng manakit ang buong katawan ko lalo na ang tagiliran at braso ko. Pero pilit ko parin itinatayo ang sarili ko at inaalala ang nangyari.

But my head spin at lalo pang sumasakit ang katawan ko dahil pilit ko inaalala ang nangyari. Nang medyo naka-recover na ako. Umupo ako sa puting kama at inayos ang mga apparatus na nakakabit sa iba't ibang katawan ko. Nagtatakang napatingin ulit ako sa paligid. Why I'm here and then, bakit sobrang sakit ng katawan ko?

I gasped for air and I motioned my hand at nakita ko ang daming benda nito. Gosh, ano ba talaga ang nangyari?

Ang naalala ko lang, kausap ko si Jiro at sinabi nyang ngayon ang concert ng mga BTS pero bakit nakarating ako dito.

"Ouch!" napa-igting ako sa sakit ng igalaw ko ang kanang kamay ko. Parang may nabaling ugat dito.

Huminga ako ng malalim at pilit na inaalalayan ang kanang kamay ko. Masakit na nga ang katawan ko, gutom pa ako. Hayts, nasan na kaya sila Sunget?

Nanginig ang labi ko. Diba nila alam ang nangyari sa akin at bakit wala rin sa tabi ko ang body guard ko? Nasan na sila?

"1 week ng di nagigising si Sam."

"She's not recover because what happens."

Narinig ko ang boses ni Syra at Clark sa labas ng kwartong ito pero wait, 1 week? ONE WEEK AKONG TULOG?!

"This is insane, Clark. Nababaliw na ako sa nangyayari ngayon. Akala ko si Sam ang target ng mga Empires pero bakit sya tinulungan ni Apollo at Dionysus?" Syra

"Yeah, si Aphrodite lang ang gustong pumatay sa kanya pati na rin si Hephaestus." Clark

"Si Melissa Steal lang ang may alam pero in comatose din sya."

I gawking in a minute. In comatose? Melissa Steal? Empires? Aphrodite at Hephaestus? Gusto kong maiyak sa mga tanong na iyan.

Ano ba kasi ang nangyari?!

Nanginginig ang kamay ko. Ang sakit ng katawan ko, idagdag pa ang ulo ko. It's very insane and stupid! Nakakabaliw. Mababaliw na ako sa nangyayari.

Di naman ganito ang buhay ko ah? Maayos naman ako dati pero nung simula magkakilala kami ni Sunget, bakit naging ganito?

Nanikip bigla ang dibdib ko. I missed Papa, Mama and Kuya. Sana kung nandito lang sila, magiging ok ang lahat.

"Kahit halos malumpo na si Ken, sige parin ang pambabae nya. Kailan kaya 'yun titino."

"Huh?"

"I saw him na hinahalikan 'yung nurse. Ang landi, letse. Tutuluyan ko na 'yun."

"Hahaha! Easy lang, Syra."

"Tsk."

Biglang bumukas ang pinto at nakita kong nakahawak sa tiyan si Clark habang natatawa habang si Syra nakabusangot ang mukha.

Nanlulumong tinitigan ko lang sila, napahinto sila saglit at tinitigan ako.

"Sam!" sigaw ni Syra at marahan akong niyakap.

"Are you ok? May masakit ba sayo? Gusto mong tumawag ako ng nurse, doctor? Gutom ka ba? Nauuhaw? Or gusto mo ng hangin? Masakit pa rin ba ang katawan mo?" naguguluhan ako sa sunod-sunod na tanong ni Syra.

Married To A Gangster's KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon