SAMANTHA
Ang bigat ng bawat paghinga ko na di nya talaga ako pinapansin. Oo, kasalanan ko naman talaga. I'm just curious that time kaya sinundan ko sya pero masisi nya ba ako kung bakit ako ganito? Nagtataka lang naman ako kung bakit lagi syang umuuwi ng ganoong oras? Is there something wrong? I'm his wife by the way.
Kumakain ako mag-isa ngayon dito sa mesa at hindi sya kasalo. Inutusan ko si Lily, yung pinaka-batang katulong dito sa amin na tawagin nya si Sunget but instead na makita kong palabas na sya sa elevator. I see Lily with her scared written all over her face. Sinigawan pala sya nito at sinabing isisisante daw sya nito kapag nagpumilit sya. Nalungkot ako ng dahil doon. Ang bigat sa pakiramdam, di kasi ako sanay na may nagagalit sa akin. Para kasing di ako makahinga ng maayos.
"Let me help you." nginitian ko si Lily na nagdidilig ng kakaibang halaman sa may bandang dulo ng garden.
"Naku, Ma'am. Wag na po baka mapagalitan ako ni Sir." natatarantang tugon nito na parang di sya mapakali.
"No, it's ok." kukunin ko na sana yung hose na tinabig nya yung kamay ko na ikinagulat ko.
"Pasensya na po, Ma'am." napangiwi ako sa ginawa nya.
"No, it's ok. I'm sorry. Ang kulit ko kasi." tumalikod na ako sa kanya at pumasok na sa loob ng mansion.
"Manang, pwedeng pakidalhan ng pagkain si Flint? Di pa kasi sya kumakain."
"Ma'am, pasensya na po. Nagsabi kasi sya sa amin na wag na syang guluhin." napanguso ako. Pinanindigan nya talaga ang galit nya sa akin kasi pati katulong namin tinataboy nya. Hayy, ang hirap mong intindihin Sunget!
Umakyat na ako papunta sa kwarto nya at kinatok ito ng ilang beses na bigla syang sumigaw "Fuck! How many times do I said, don't disturb me?! Damn, I'm in rest!" galit ang boses nya kaya sinenyasan ko si Manang na kunin yung spare key.
"Ito na po, Ma'am." binigay nya sa akin yung spare key "Thanks." ngumiti ako sa kanya.
Nang mabuksan ko yung pinto ay nakita kong nakadapang nakahiga si Sunget habang nakatakip ang unan sa ulunan nya. Umupo ako sa may kama na katabi nya at nilapit ko ang mukha ko sa nakapikit nyang mata. "Flint," I called him with sweet voice.
Naramdaman ko ang mainit nyang hininga na tumatama sa mukha ko. "Hoy." bulong ko sa kanya at pinagmasdan ko lang sya na natutulog. Napaka-peaceful ng mukha nya. Ang aliwalas at hindi mo aakalaing isa itong masungit na lalaki dahil sa maamo nyang mukha.
"Flint." tinapik ko yung pisngi nya pero walang epekto! Aish, tulog mantika. Halikan ko kaya ito? Napalunok ako ng mahagip ko ang mapula nyang labi. Ohmy! Ohmy! Pigilan mo yung sarili mo Samantha!
Dahil di parin sya nagigising. Humiga ako sa tabi nya at niyakap ito "Ang sunget mo talaga." napanguso ako.
Hinila na rin ako ng antok at tuluyan na nakatulog sa tabi nya.
"Uhm.." bigla akong inalimpungatan dahil kumakalam ang tiyan ko. I blink my eyes twice bago ako humarap sa katabi ko. I smiled that I realize na nakayakap na sya ngayon sa bewang ko kaya siniksik ko ang sarili ko sa matipuno nyang dibdib at inaamoy-amoy sya. My goody good! Ang bango bango ni Sunget! Can I keep him forever?
Lub...dub...
Lub....dub...
Napalunok ako ng di sinasadya, ang lakas ng tibok ng puso nya na tila na nagiging musika sa pandinig ko. Napapikit ulit ako at dinaramdam yung bawat pintig ng puso nya.
"Ugh, Samantha." he called me huskily.
"Hmm?"
"Wake up.."
Mas siniksik ko ang sarili ko sa kanya "Gising na ako."
Nagitla ako na bigla nyang inalis ang pagkakayakap nya sa bewang ko atsaka sya tumayo. "Flint..."
"What are you doing here, Samantha?" iritableng tanong nya habang ang mga mata ay sobrang lamig na nakatingin sa akin.
I sighed deeply bago ako umupo sa kama nya and I give him a sorry smile, "I just wanna say sorry."
Iniwas nya ang mata nya sa akin at nakita kong namula ang tenga nya "Get out of my room. I'm gonna take a bath first." tumalikod na sya sa akin at pumasok sa loob ng banyo. Napanguso ako dahil iyan na naman yung ugali nya, short tempered monster.
Inayos ko ang buhok ko bago ako tumayo, I just leave a post it note to his study table before I leave at his room. I wish, I can have his forgiveness.
'Goodmorning, my husband. Sorry if I disobey you. I were just curious that time, I wanna know why did you go back at home at midnight strike?' - Samantha
_
After kong magluto, inihanda ko na yung mga pagkain sa mesa at inaabangan kong bumaba si Sunget galing sa elevator pero mga 5 minutes muna bago sya dumating. He's wearing a pormal three piece suit habang inis na inaayos nya yung necktie nya. Halatang iritableng-iritable sya sa ganoong suot kaya nilapitan ko sya.
"Hindi kasi ganyan ang pag-aayos nyan." saad ko at inayos ang necktie nya. Medyo naiilang na naman ako sa tingin nya sa akin parang gusto akong lamunin ng abo nyang mata. "Saan na naman ang punta mo at ganyan ang suot mo, Flint?" nakangiting tanong ko sa kanya habang pinaplantsa ko ang suit nya gamit ang palad ko.
"Tss, none of your business." napahagikhik naman ako. "Why?" inis na tanong nya.
"Bati na tayo? Di ka na galit?" sabay sundot sa braso nya.
"Tss," sinungitan nya ako sabay lakad papunta sa mesa.
"I will serve your food, Kamahalan." nakangiting sambit ko habang nilalagyan ko ng pagkain ang pinggan nya. "And then, this is your coffee." inilapag ko sa mesa yung kape na tinimpla ko.
"Tss," ang hilig nya talagang mag-ganyan.
Lumawak ang ngiti ko sa labi ng mamula sya sa ginagawa ko. Tama yan Sunget! Lalo ko yan papapulahin mamaya. Get ready!
Pagkatapos naming kumain, dumiretso na sya sa may grahe kaya sinundan ko sya.
"Hey!" tawag ko.
Biglang nangunot ang noo nya habang nakatingin sa akin pero nginitian ko lang sya ng ubod ng tamis. "I wanna say goodbye to you, my husband." agad akong lumapit sa kanya at tumingkayad. I kiss him on his lips quickly.
Namangha naman ko na makita kong di lang tenga nya ang namumula kundi buong mukha nya. Oh yes! Sabi ko na nga ba mas mamumula sya sa gagawin ko.
Di ako nakatiis na kurutin sya sa pisngi, "Fuck it, Samantha! Ouch!" sinamaan nya ako ng tingin na pakawalan ko ang pisngi nya.
"Sorry, ang cute mo eh." hinaplos ko ang pisngi nya at marahan na hinalikan. "I will pay for my debts." ikinawit ko ang braso ko sa batok nya at tinitigan sya diretso sa mata, "I'm sorry, Flint." I tease him at nakita kong napangisi sya sa ginagawa ko.
"Good, do me a favor." siniil nya agad ako ng halik sa labi. Ohmygod, bati na kami! Samantha For The Win!
BINABASA MO ANG
Married To A Gangster's King
ActionNothing less and nothing more. She's Samantha Cortez and destined to be married to a gangster's king.