DAISON
Nagkatinginan kaming lima. Wala si Third ngayon at di ko gustong alamin kung nasaan sya ngayon. Simula nung bumalik sya rito galing Japan wala na syang initindi kundi si Samantha. Minsan ko narin sya nasuntok dahil mas iniintindi nya ang babae na iyon kesa problema na dinala ng kakambal nya. Malaking naging pinsala sa amin iyon dahil sa pagsira nya sa pangalan ni Third.
"Anong plano?" walang ganang tanong ni Heriston.
Napabuntong hininga ako. Sa totoo lang, wala kaming matinong plano sa ngayon. Kundi ang mag-isip ng magandang ideya, kahit wala rito ang pinaka-leader namin.
"Tinatamad akong mag-isip ngayon. Mas maganda, handa na tayong mag-usap at may nakalatag na." Zelo
Napahilamos ako sa aking mukha. Fuck. Di ko na alam ang pwede kong gawin. Nawawalan na ako ng gana sa grupo na 'to.
"May bisita tayo."
Napalingon ako kay Arklein na nakatayo sa harapan ng pinto. Niluwa sa aming pinto ang hindi pamilyar na mukha. Wala itong ekspresyon at may kakaibang aura ang nababalot rito.
"Foe or Ally?" rinig kong sambit ni Cleeven sa tabi ko.
"I don't know, what do you call for me but I'm not your foe or even the ally."
Ibinulsa nya ang kanyang kamay at malamig nya akong tinitigan.
"Anong kailangan mo at sino ka?" Heriston
Kinilabutan ako sa pagngisi nya, "I planning to do something and I need you guys. Chom to-wa-ju-shil ssu i-ssŭ-shi-na-yo?" (Can you help me?)
Napakunot ang noo ko. Di kami madaling lokohin o madaling mapaniwala. We've been trained well with how many years. Napagkit ang aking labi. You shoud stay where you stand, boy. You can't fool me around even my gang.
"Alam kong di kayo naniniwala. I was there for 1 and half weeks. Di ako pumunta dito para sa wala. At di nyo magugustuhan malaman kung sino ako." lumakad sya papalapit sa amin.
"Who's this fuck, Arklien?! May kinalaman ka ba dito?" galit na sigaw ko.
Nagkibit balikat sa akin si Ark at nagtungo sa kusina.
"Akala ni Third di ko malalaman na pinasusubaybayan nya kami sa isa pa nyang tauhan." umupo sya sa aming harapan at may nilabas na isang pen recorder, "I will help you but you need to help me first."
Kung ganon, ang lahat na naman na ito may kinalaman kay Samantha. Dammit. Samantha again. Napakuyom ako.
"Deal." sagot ko na ikinagitla nila. Napangisi naman ang kausap ko.
"Deal then."
_
SAMANTHA
Nadischarge na ako ngayong araw. Malaki ang aking ngiti habang inuunat ko ang aking braso. Wala na akong maramdaman sa aking katawan maliban sa iilang pasa ko sa aking tagiliran at braso. Napanguso ako ng maalala ko ang nangyari ng nakaraan ng ilang mga araw. Pagkatapos ng kanyang sinabi, wala syang ibang ginawa kundi ang yakapin ako at halikan ako sa aking sentido. Mainit sa pakiramdam at feeling ko ang saya ko. Hanggang makaramdam ako ng antok at nakatulog ako sa kanyang mga bisig.
Pagmulat ko ng aking mata. Wala na sya. Kundi ang naabutan ko roon ay si Clark na nakatulog sa aking tabi. Kailan na naman kaya magpapakita sa akin si Sunget?
"Welcome home, Sam!" masayang yinakap ako ni Syra. Napangiti ako ng makita ko ang mga katulong namin sa bahay kabilang sila Manang, Lily at Manong.
BINABASA MO ANG
Married To A Gangster's King
ActionNothing less and nothing more. She's Samantha Cortez and destined to be married to a gangster's king.