SAMANTHA
Pagkadating namin sa bahay ay inalalayan nya ako pababa ng kotse kaya takang tumingin ako sa kanya. Kanina napaka-ungentleman nya ngayon-Nevermind. Kunot noo syang napatingin sa akin pero ngumiti na lang ako at niyakap sya sa braso papasok ng gate.
"Ma!" katok ko sa pintuan namin. After a few seconds, nakita kong si Papa ang nagbukas. Nakapajamang itim lang ito habang walang suot na pang-itaas. Itong si Papa lagi nagpapagwapo.
"Huh? Anak, sino 'yang kasama mo?" takang tanong ni Papa.
Tumingin naman ako kay sunget pero blanko ang ekspresyon nya. Umangat ang gilid nang labi nya bago sya magsalita na ikinagulat ni Papa.
"I'm her husband." tinanggal nya yung kamay ko na nakayakap sa braso nya pero nagulat ako ng bigla nya na lang hinawakan ang kamay ko at pinagsiklop ito. Naramdaman kong nag-init ang pisngi ko. I gulped so hard. What is this?
"A-asawa? Wait, MAY ASAWA KA NA ANAK?" nakakangang sabi ni Papa habang nakatingin sa kamay naming magkahawak. In a few minutes na pagtitig ay bigla syang natauhan at tiim bagang ito nakatingin kay sunget kaya napalunok muli ako.
"Ano ba yan, Sam. Ang ingay mo." narinig ko ang saad ni Mama sa likod ni Papa. "O? Nakauwi ka na pala, anak," ngumiti sya ng bahagya at tumingin sya kay sunget. "Sino sya, anak? Ang gwapo naman."
Fake smile form onto my lips at tumikhim muna ako bago nagsalita. "Ma, uhm. Si-"
"I'm Third Havergal and I'm her husband." he said expressionless.
Nanlaki ang mata ko na biglang napahawak sa dibdib si Mama at biglang hinimatay. Gosh, ganito ba ka O.A sila?!
"Aira!" sigaw ni Papa sabay buhat kay mama. "Mag-uusap tayo, Rhian." walang emosyon na sabi sa akin ni Papa habang nakatingin kay sunget. Parang may kuryente ang dumadaloy sa pagtitigan nila.
"Pa!" bulyaw ko kaya napatingin sa akin si Papa ng ilang segundo bago pumasok sa loob.
Bumaling ako kay sunget na ngayon wala pa ring emosyon ang dumadaloy sa kanyang mukha. Hayts, he's really emotionless, harsh and rude. Can I punch him? Di wag na. Sayang ang gwapo nyang mukha.
"Uhm, pasok na tayo?" tumitig na sa akin si sunget and I saw him smirked. Ngumiwi ako.
Pagkatapos ng pangyayari sa labas ng bahay ay agad akong pumasok sa kwarto para magbihis ng damit pero syempre naligo muna ako. Ang baho ko na kaya at umaalingasaw ang putok ko sa kili-kili but I have solution for that, DEODORANT! Yeah boy!
Nagtapis na ako pagkatapos ko maligo at lumabas ng banyo. Naabutan ko sila Mama at Papa na kinakausap ng masinsinan si Sunget. Mukhang seryoso sila pero mukhang may bakas na pagkatakot sa kanilang mukha pero si sunget ay mababakas sa kanya ang walang bahid ng takot o alinlangan parang confident sya. I shook my head and I start to walk away from them na biglang tinawag ako ni Papa.
"Halika dito, Rhian." yeah, right. Tinatawag nila akong Rhian kasi daw ang ganda ng name ko na kuha sa isang artista na idolo ni Papa. Oo ni papa lang pero si Mama malaking HINDI! Inis sya sa pangalan na iyon pero di kalaunan nasanay na sya. Ewan ko ba, ayaw nya sa pangalan na iyon. Samantalang ayun ang binigay nila sa akin. Eng-eng lang diba?
"Why?" I asked him.
Lumingon sa direksyon ko si sunget and I saw him gulped so hard and his adams apple looks attractive! Wow, hot! Bigla tuloy uminit.
"Ohmy! Magbihis ka nga, anak! Bakit ka ba nakatapis?! Hala, doon magbihis ka muna!" napakamot ako sa ulo bago pumasok sa kwarto. Kanina tinatawag ako tapos-ewan.
BINABASA MO ANG
Married To A Gangster's King
AcciónNothing less and nothing more. She's Samantha Cortez and destined to be married to a gangster's king.