Kabanata 33: Manipulative Minds (Flashbacks)

11.1K 258 319
                                    

Not Edited.

SAMANTHA

Sa sinabi iyon ni Jiro ay napatahimik na lang ako. Ngayon ang concert ng isang Kpop group? It's friday and I'm sure, mamayang gabi pa ang umpisa nito. Napangiti ako, so pwede pa akong makahabol. Ang kaso, wala akong ticket at 'yun ang problema. Napanguso ako at napatingin ulit kay Jiro na nakasimangot habang pinaglalaruan ang tulis ng ballpen.

Magsasalita na sana ako ng marinig ko ang isang nakakabinging katahimikan at tanging yapak ng sapatos papasok sa loob.

"Andyan na pala sya." wika ni Jiro habang nakatingin rin sya dito.

Napasinghap ako nung tumingin ito sa kinalulugaran ko at tumango ito. Lumapat muli ang sapatos nya sa sahig at tumungo sa bakanteng upuan na nasa likod. Kitang-kita ko sa mga mata ng mga kaklase ko ang paghanga mula rito.

"Justine." bulong ko.

Nagulat ako nung maramdaman ko ang mainit na hininga ni Jiro malapit sa tenga ko. What he's doing?

"He's one and a half hour late. Mabuti na lang, kakatapos lang ng Chem."

Di na lang ako nagsalita. I keep silence. Habang nakamasid kay Justine na ginagamot ang sugat nya sa braso. Napabuntong hininga na lang ako. Saan kaya sya nagpunta kanina? I shrugged. Don't you think, isa rin itong secretive mission na itatago sa akin?

Lahat na lang ba dapat di ko malaman?

After the last subject at wala na kaming classes sa hapon. Napagdesisyunan kong pumunta sa bench kung saan ko nakita si Clark pero mukhang umuwi na or what. Napanguso ako dahil doon. Wala na kasi akong kasama at papaubos na rin ang mga estudyante dito. Agad rin umalis si Jiro, may na se-sense syang kakaiba na di ko alam at si Justine naman, dinala ko sa clinic para ipagamot ang malalim na sugat nya sa braso. So, last choice pumunta ako sa soccer field and thanks god, may practice game ang mga soccer players. Umupo ako sa bench, mukhang wala 'yung highschooler dito.

Nakita ko ang ace player na napasulyap sa akin. Wala syang emosyon. Sayang. Maganda sana sya eh. Mukha nga lang, masungit. Umiwas sya ng tingin at malakas na sinipa ang bola ng soccer. At literal na napanganga ako dahil sa impact na malakas na pagsipa nya pati 'yung blocker sumama sa pagtalsik. She's unbelievable. Pero ang nakakapagtaka, muli syang sumulyap sa akin at nag-smirk. Kakaiba huh?

"Ice cream?" automatic umikot ang ulo ko patingin kay Tristan na literal na kumakain ng ice cream habang nakalahad ang isang cone ng ice cream sa harapan ko, agad ko naman ito tinanggap.

I smiled, "Thanks for this!" masiglang tugon ko. He give me an innocent smile at umupo na rin sya sa tabi ko, "Tapos na ba ang classes mo at lagi kang nandito?" biglang kong naitanong.

Nakapagtataka kasi na ang isang katulad nyang highschool student ay laging nandito sa division ng college.

Ngumiti naman sya sa akin. Di ko maiwasan na hindi ma-cute-an sa kanya. God! He's innocent smile na pati mata nya, sumasama sa kanyang pagngiti. Sayang nga lang, ilang taon ang tanda ko sa kanya.

"Nope."

Napatigil ako sa pagkain ng ice cream, "What? You mean, nag-cutting ka?"

He shrugged his shoulders at marahan na kinain uli ang ice cream. Nakatuon ang kanyang buong atensyon sa panonood ng practice game.

Napakagat ako sa ibabang labi ko at pinagmasdan ang mga soccer players. Kung kanina, medyo weird ang kilos nung ace player. Ngayon, parang normal lang. She's playing serious at mukhang wala syang ginawa kanina.

"May bodyguard kang kasama kanina?"

Napalingon ako sa kanya. Ubos na ang ice cream na kanina-kanina lang ay kinakain nya. Ngumuso ako at bahagya kong inubos ang cone na natitira sa ice cream.

Married To A Gangster's KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon