DARK MONARCH HEAD QUARTER.
CLEEVEN SHAWN
Nagulat kaming lahat sa malakas ng pagkalabog ng pinto. Natatakot tuloy ako kung sino ang nasa likod nito. But because I have good looks among this assholes. Ako na lang magbubukas.
"Yes? Need anything. This is Cleeven the great, the handsome guy ready to rescue you. What's your-" di ko natuloy ang sasabihin ko na itulak ako nito. Napakunot tuloy ang noo ko. Sino ba ang babaeng ito at may lakas loob syang tanggihan ang kagwapuhan ko?
"Where's Third?" malamig ang boses nito na akala mo galit. Napanguso ako at hinarap sya.
"Chill, baby. Nandito ka sa teritoryo namin. Kaya chill, di kami pumapatol sa chickababes." ngumisi ako.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko na tinutok nya sa akin ang hawak nyang baril. Dammit, wala talagang epekto ang kagwapuhan ko sa babaeng amazona na 'to. Baka nga di ito chix dahil nakataklob ang mukha nya. Baka nga nasa low average.
"Anong kailangan mo? At sino ka ba?" nakahinga ako ng maluwag ng hinila ako papalayo ni Daison sa babaeng ito. Kaya sa kanya nakatutok 'yung baril.
Napatingin naman ako sa mga tropa ko. At ang mga gago, easy lang.
"Sagutin nyo muna ako. Where's Third?" mas nagulat ako ng sipain nya sa mismong harap ni Daison ang center table at tumalsik ito sa LED TV.
Oh no, girl. You don't know, how Daison wrath is.
Tumayo narin sa kinauupuan si Zelo at humarap sa babae. Nakakunot ang noo nito at parang pinag-aaralan ang katauhan ng babaeng nasa harap namin.
"Who are you then?"
Nakita ko ang paghigpit nya sa hawak nyang baril parang anumang oras ipuputok na nya ito. Kaya nagsalita na ako. Iba na kasi ang aura nya, parang kaharap ko na si Kamatayan.
"Where is Third!" mariin na aniya.
"Nasa-"
Biglang niluwa sa opisina nya si Third at may hawak itong champagne. Wait, bakit champagne? Tarantado, dapat baril. Demonyo 'yung sumalakay sa amin dito ah.
"Third." nabigla kami na naging mahinahon ang boses ng babae. Nawala rin 'yung aura na nakakatakot. Bakit kay Third lang tumiklop 'to? Tangina, mas gwapo kaya ako kesa dyan.
"Welcome to my arms again," lumawak ang ngiti ng loko, "Samantha."
Lahat kami napanganga. Wait, si Samantha 'to?
_
TRISTAN KURT
Checkmate.
Umaliwalas ang ngiti ko. My intuitions are perfect. Alam ko na, alam na lahat ni Samantha. Matalino sya kaya sigurado kay Third sya didiretso pagkatapos nya malaman ang lahat.
Nilaro-laro ko sa aking palad ang mahalagang piece ng chess. Ang Queen. Binayaran ko ng mas doble ang inupahang inbestigador ni Samantha para ibigay lahat ang impormasyon tungkol sa mga Empires para bigyan sya ng daan para mas lalo syang manghinala. Ngayon, sigurado ako sa mangyayari. Sya mismo ang tatapos sa lahat. Puputulin nya ang tali ng mga taong nasa likod nito at magiging mas pabor iyon sa akin. Dahil makikilala ko na ang lahat ng Empires. Lahat ng katauhan nila.
"Nakakainis kang bata ka!" nagulat ako na batukan ako ng malakas ni Sabrina.
"Bakit?"
BINABASA MO ANG
Married To A Gangster's King
AcciónNothing less and nothing more. She's Samantha Cortez and destined to be married to a gangster's king.