Kabanata 15: The Reapers

17.8K 480 20
                                    

SOMEONE

Pinakalma ko ang sarili ko bago ako bumaling ng tingin sa isa kong pinagkakatiwalaan sa mga underlings ko.

"Iba din klase ang kapatid mo." ngumiti lang ako sa kanya at sinandal ko ang sarili ko sa kotse ko.

"I know."

"Are you sure na babalik ka na talaga? Malaking gulo 'yun, pare. All of this na ginagawa mong investigate sa kapatid mo ay uuwi ka na bigla? Baliw ka na talaga." tumawa pa ito ng bahagya at iniling-iling ang sarili nito.

"Ilang taon na rin ako nilayo ng magulang ko sa kanya kaya napadpad ako dito but not this time, I will get what is mine no matter what happens." pinigilan ko ang sarili ko na hindi magalit pero fuck! Hinahayaan ko na sya sa gusto nya pero not her! Not my girl!

"Tsk, bahala ka basta binalaan na kita sa maaring mangyari." tinapik nya ako sa balikat bago umalis sa pwesto ko.

Ngumiti ako ng bahagya bago ko kunin ang cellphone ko. Bumungad agad ang mukha nya sa screen ko. It's been a years bago ko kinuhanan sya ng stolen shot. Napabuga ako ng hangin, I promise, babawiin ko kung ano ang akin.

_

SAMANTHA

Lunch break kaya agad na akong hinila ni Britney papuntang cafeteria. Ang dami ngang babae na nakatingin sa amin habang nakataas ang kilay. Sabi na nga ba eh. Basta private school puro brat. Hayy, magpalipat na lang kaya ako? Kaso baka magalit si Sunget.

"Waaah, bakit ang cute mo pag nakanguso!" kinurot ako ni Britney sa pisngi ko pero saglit lang.

"Di ko alam." napakamot naman ako sa batok, di ko naman talaga alam kung bakit ang cute ko. Basta ang alam ko maganda raw ako sabi ni Mama.

Bumili kami ng pagkain sa may counter and she always tell her story about her sister but she was never seen her after she was born. Kulang na lang ata gumawa sya ng biography tungkol sa buhay nya.

"And you know girl, may crush ko dito! Turo ko sayo." umupo kami sa isang table na malapit sa isang vacant table din.

"Who?" takang tanong ko.

Mayamaya ay bigla na lang nag-ingay yung mga babae dito sa loob ng cafeteria pero mas malakas ang tili ng mga bakla. Here we go again, ang walang katapusang ingay. Hayy.

"There he is!" sabay turo nya sa isang lalaki na may headphone sa suot habang kinukulit sya ng isang lalaki. Ohmy! Si Kulog ang crush ni Britney?! Gosh, Sure ba syang iyan ang crush nya? Ang sungit sungit nyan eh. Dinaig pa ang may menopause na babae.

"Are you sure?"

"Yes, si Thunder Storm Featherson ang one and only love of my life ko! Kahit ubod na suplado nya." tapos kinikilig sya sa sinasabi nya.

"Sikat pala talaga sila." wala sa sarili kong saad. Tumingin ako kay Sunget at nakita kong nakatigin sya sa akin habang nakakunot ang kanyang noo at saka sya tumingin kay Britney. Nag sign naman ako na friend ko kaya tinapunan nya ako ng malamig na tingin at bumaling sa mga kaibigan nya na kanina pa nagpapansin sa mga fangirls nila maliban na lang kay Kulog, Reiko at Syra na may sariling mundo.

"Duh?! Syempre, sikat sila girl. Lahat ng babae ay crush sila maliban na lang kay Syra na headturner ng mga boys pero napaka-possessive ng boyfriend nyang si Reiko." sabay subo ng burger na hawak nya, "And then sila yung sinasabi kong Life Reapers." kahit nagkakanda bulol na sya dahil sa burger na kinakain nya panay kwento parin. Did know what is manners? I mean the word of wisdom, 'Don't talk when the mouth is full'. Kung nandito lang si Mama baka binatukan na sya. Hayy, Namimiss ko tuloy sila lalo na si Kuya ko.

"Life Reapers?" Hmm, parang narinig ko na iyon.

"Yep, yung kinukwento ko kanina!" nabulunan ako sa sinabi nya! Gosh! Ibig sabibin isa silang Gangsters?! Ang asawa ko ay-NO!

"Si Fli-Third ba ay gangster?" napalunok ako ng pukulan ako ng tingin ni Britney.

"Kilala mo si Third?" di makapaniwalang wika nya.

Napakamot ako sa ulo ko, "Narinig ko lang sa mga classmates natin but I don't who is he. He is one of them?" sana po makalusot.

"Ahh, yes. Iyon sya!" tinuro nya si Sunget na tahimik lang kumakain sa tabi ng table namin! Ohmygod! Sa kanila ba iyang vacant table na iyan?!

"Hihihi, ang gwapo talaga ng my loves ko!" napabaling naman ako ng tingin kay Britney na kagat kagat yung burger habang nakatingin kay Kulog na panay iwas ng tingin sa akin. Problema nun?

Nahagip ko ng tingin si Syra na panay ngiti sa akin at si Reiko naman na panay lambing kay Syra mukhang di ata ako napapansin at si Clark naman ginugulo ang pagkain ni Ken na halatang naiinis na. Kung di lang sila lalaki, pinagkamalan ko na silang mag-boyfriend girlfriend.

Napanguso naman ako ng di man lang ako tapunan ng tingin ni Sunget at yung pakiramdam na naiinis ako kapag may babaeng nagpapansin sa kanya. Omo, what this weird feeling? Kakaiba eh at first time in my ever life na nakaramdam ng ganito.

"Gosh!" nagtatakang napatingin agad ako kay Britney na nakaturo sa entrance ng cafeteria na nagpatahimik sa lahat parang nagulat sila?

Napahawak na rin ako sa bibig ko dahil-WALA LANG! Nagulat din ako kasi ang gwapo din nila! Ohmy! Tama nga sila, basta nasa isang prestigious and private university ka. Pinapaligiran ka ng mga gwapo at magaganda. Well, wala pa akong nakikitang pangit dito maliban sa mga nerd.

"Gosh, first time nilang pumunta dito sa cafeteria." gulat parin ang expression nya.

"Sino ba sila?" I asked.

"Sila lang naman ang Dark Monarch Gang ang sumasakop din sa teritoryo ng Life Reapers and then balita ko may pinaka leader sila dyan na never pa namin nakikita at nakilala personally."

Tumango ako sa sinabi nya at pinagmasdan ang sinasabi nyang Dark Monarch Gang, nasa 5 silang lahat at lahat sila ay mga lalaki and then malalakas ang mga dating pero nakakatakot.

"Takte, nandito pala ang mga salot sa lipunan." narinig ko ang sinabi ni Ken na nagpangisi sa isang lalaki na nasa unahan ng lima.

"Woah, how's your lunch THIRD?" hindi mawala-wala ang ngisi nito na nagpainis sa akin para kasing iniinsulto nya si Sunget.

I look at him, tahimik parin sya at yung mata nyang kulay abo ay nababalutan ng malamig na tingin. Ohmy! Diba nila alam na masamang galitin iyang si Sunget?!

"Tsk, What are you doing here, bastards?" iritableng tanong ni Kulog habang hawak hawak nya yung IPad nya. Waaaahh! Ang pangarap kong IPad!

"Well, we're visiting you, guys." ngumisi yung mukhang hapon. He is cute!

"Nag-abala pa kayo." si Syra

"Woah, babe naman. Galit ka agad?"

"Fuck you dude! Wag mong tawaging babe ang girlfriend ko!" galit na sigaw ni Reiko sabay hila kay Syra.

Mukhang tensyunado ang paligid dahil lahat sila natatakot sa posibleng mangyari pati tuloy ako natatakot.

"Britney, alis na tayo dito." bulong ko sa kanya pero sya patuloy parin sa paglamon at mukhang nakahango na sa gulat kanina at nawalan ng pakialam sa paligid.

"Kung ako sayo Third. I-enjoy muna ang paggamit ng sarili nyang pag-aari dahil baka isang araw mawala na sya sayo." napasinghap ang lahat ng marinig ang isang malakas na paghampas sa lamesa.

"Get out of fucking here! Or I rather to kill you right now and right here?!" giit ni Sunget kaya napalunok ako. Sabi ko sa inyo. Masama iyang ginagalit.

"Hahaha, ok." holo! nagawa pang tumawa nitong lalaki. Anla, sayang. Gwapo pa naman.

Umalis na yung lima habang tensyunado parin ang lahat. This is really absurd.

Married To A Gangster's KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon