THIRD PERSON
Namayani ang katahimikan sa bawat sulok ng kwarto dahil sa sinabi ni Ken.
Tumikhim ito sabay sabing "Just kidding guys! Di ko yan kilala! Hahahaha! Ka-apelyido ko lang at Kian Alvarez ang pangalan ng tatay ko!" natatawang saad nito pero agad naman napatahimik ito dahil- "Waaah! It was a joke, Flint!" napabalikwas sya ng tayo dahil sunod sunod na pagpapaputok ni Flint sa kanya.
"Go back, Ken!" galit na sigaw nito.
Agad na lumabas si Ken "Ayoko! Ayaw ko mamatay. Maraming iiyak na babae!"
Tawa ng tawa sila maliban sa lalaki at kay Thunder.
"Tss," iling na nagpipigil ng tawa si Thunder.
_
SAMANTHA
Ohmygod! This is it! Breath in, breath out, Samantha! Ipinikit ko ang mga mata ko habang nanginginig ako sa kaba para na akong kakapusan ng hiniga. Gosh, bakit kasi dito pa ako in-enroll ni Sunget? Kinakabahan tuloy ako!
Napanguso ako habang pinagsiklop ko ang kamay ko habang nakatingin sa labas ng bintana. I rested my head sa headrest atsaka huminga ng malalim.
"Mukhang kinakabahan ka, Sam?" sita sa akin ni Syra na nasa likod namin. Actually, sumabay na silang lahat dito sa SUV ni Sunget dahil iisa lang naman daw ang papasukin namin, ang Willington University.
Bumaling naman ako kay Sunget na magkasalubong ang dalawang kilay habang yung suot nyang polo ay di pa naka-ayos ng sara ng butones kasi naman inuuna pa ang kalandian. Paano naman, ang aga nilang sumulpot sa Mansion at nakikain pa.
"Flint," tawag ko sa kanya kaya naman tinignan nya ako saglit pero bigla nya rin iniwas ang tingin sa akin at pinokus ang atensyon sa daan. I pouted my lips.
"Mukhang na badtrip ang Flint ng bayan. Hahahaha!" tawa ng tawa si Ken kaya binato sya ng throw pillow ni Clark.
"Gago ka babaero."
"I love you too pare."
Napakamot naman ako sa ulo dahil nagsimula na yung dalawa na magrambulan sa loob ng sasakyan habang si Syra nakapatong ang ulo nya sa balikat ni Reiko na natutulog at si Kulog naman ay nanahimik sa isang tabi habang abala sa tab na hawak nya at may nakapasak na headphone sa tenga nya. Naramdaman nya siguro na nakatingin ako sa kanya kaya nag-angat sya ng tingin sa akin kaya nagtitigan kami saglit at umiwas na sya ng tingin sa akin. Ano kayang problema ni Kulog? Kanina pa kasi sya iwas ng iwas sa akin. Di naman ako mabaho kasi naligo ako. Di rin ako amoy putok kasi naglagay ako ng deodorant kanina at mas lalong wala akong sakit. Ang healthy kaya ng pangangatawan ko.
"Tangina mo Clark. Ang baho mo!"
"Gago you, pare. Di ako mabaho baka ikaw!"
Ok, kanina pa sila maingay. Sakit na sa tenga. I take my phone inside my pocket at bumungad sa akin ang wallpaper ng cellphone ko na si Kim Taehyung. Gosh, kinikilig ako! Ang gwapo nya!
Pero nagulat ako na biglang hinatak ni Sunget ang phone ko at napakunot ang noo nya at nagtiim bagang sya habang nakatingin sa screen ng phone ko. Uh-oh! Nakakatakot talaga sya pag-nagagalit. Ohmy! Lalambingin ko na naman ba sya? Napanguso ako bigla.
"Who's this fuck?" matalim na tingin ang binigay nya sa akin.
"Sinong fuck, Flint?" si Ken
"Gago ka talaga Ken. Wag kang mangialam!" in-arm lock ni Clark si Ken.
Yumuko na lang ako kaya narinig ko syang nag-tss na naman. He's always say tss kapag wala ng masabi. Kung di lang lalaki si Sunget baka iisipin ko nasa menopausal stage na sya ngayon dahil lagi na lang nagsusungit.
BINABASA MO ANG
Married To A Gangster's King
ActionNothing less and nothing more. She's Samantha Cortez and destined to be married to a gangster's king.